Sacred Heart of Jesus - Pamayanan Ng Aguho

Sacred Heart of Jesus - Pamayanan Ng Aguho Sacred Heart of Jesus in Brgy. Aguho, Pateros, Metro Manila

May 22, 2026 | 5th Monthly Holy Mass at Sacred Heart of Jesus ChapelNgayong Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabu...
22/05/2026

May 22, 2026 | 5th Monthly Holy Mass at Sacred Heart of Jesus Chapel

Ngayong Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, ipinapaalala ng Mabuting Balita na ang tunay na pagmamahal kay Hesus ay nakikita sa pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Ang paulit-ulit na pagtatanong ni Hesus kay Pedro ng “Iniibig mo ba ako?” ay nagpapakita na kahit nagkukulang ang tao, patuloy pa rin siyang tinatawag ng Diyos upang magbalik-loob, magtiwala, at sumunod sa Kanya.

Kasabay rin nito ang paggunita kay Santa Rita ng Cascia, kilala bilang patron ng mga imposible at mahihirap na sitwasyon. Sa kabila ng mga pagsubok, pagdurusa, at sakit na kanyang naranasan, nanatili siyang matatag sa pananampalataya at puno ng pagmamahal sa Diyos. Ang kanyang buhay ay nagsisilbing paalala na may pag-asa at biyaya pa ring naghihintay sa mga taong patuloy na nananalig at nagtitiis nang may pananampalataya.

Sa pagninilay ngayong araw, muling pinapaalalahanan ang bawat isa na ang pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng katapatan, pagtitiwala, at kababaang-loob. Hindi man laging madali ang landas ng pananampalataya, nananatiling tapat ang Diyos sa Kanyang mga pangako at pagmamahal. Nawa’y magsilbing gabay ang mga pagbasa upang mas mapalalim pa ang pananampalataya at pagmamahal sa Panginoon araw-araw.

Paanyaya sa Lahat!Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart o...
19/05/2026

Paanyaya sa Lahat!

Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart of Jesus Chapel sa darating na Mayo 22, 2026 (Biyernes).

⛪ 5:00 PM – Banal na Misa

Tayo’y magtipon bilang isang pamayanang puspos ng pananampalataya, magpasalamat, at magpuri sa presensya ng Panginoon.

𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗰𝗵𝗶𝘀𝗺 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗰𝗿𝗲𝗱 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 - 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗔𝗴𝘂𝗵𝗼, 𝗣𝗮𝘁𝗲𝗿𝗼𝘀Sa nagdaang dalawang linggo, matagumpay na ...
01/05/2026

𝗦𝘂𝗺𝗺𝗲𝗿 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗰𝗵𝗶𝘀𝗺 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗰𝗿𝗲𝗱 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 - 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹, 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗔𝗴𝘂𝗵𝗼, 𝗣𝗮𝘁𝗲𝗿𝗼𝘀

Sa nagdaang dalawang linggo, matagumpay na naisagawa ang Summer Catechism sa Sacred Heart of Jesus - Chapel, Brgy. Aguho, Pateros sa pangunguna ni Sister Lou na buong pusong nagturo sa ating mga kabataan. Mula April 20–24 at April 27–30, ay masigasig na dumalo ang mga bata upang makinig, matuto, at mas mapalalim ang kanilang pananampalataya sa Salita ng Diyos. Nitong May 1, 2026, ay ginanap ang kanilang culminating activity bilang pagdiriwang ng kanilang pagsisikap—isang simpleng pagtatapos ngunit punong-puno ng kahulugan at biyaya.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging food sponsors na nagbigay saya at lakas sa ating mga bata sa loob ng dalawang linggo. Lubos din ang aming pasasalamat sa Pamayanan ng Aguho Officers at Youth sa kanilang walang sawang suporta, pagtulong, at dedikasyon upang maging maayos at matagumpay ang daloy ng ating Summer Catechism. Gayundin, maraming salamat sa lahat ng nagbahagi ng mga regalo para sa ating mga munting kalahok—malaking bagay ang inyong kabutihang-loob.

Sa ating mga batang nagsipagtapos, nawa’y hindi dito magtapos ang inyong paglalakbay sa pananampalataya. Dalhin ninyo sa inyong araw-araw na buhay ang mga aral ni Hesus na inyong natutunan—maging mabuti, mapagmahal, at matapat sa kapwa. Nawa’y patuloy kayong lumago hindi lamang sa kaalaman kundi sa puso at pananampalataya.

Paanyaya sa Lahat!Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart o...
21/04/2026

Paanyaya sa Lahat!

Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart of Jesus Chapel sa darating na Abril 24, 2026 (Biyernes).

⛪ 5:00 PM – Banal na Misa

Tayo’y magtipon bilang isang pamayanang puspos ng pananampalataya, magpasalamat, at magpuri sa presensya ng Panginoon.

March 31, 2026 | Pabasa Sa LungosIsang taos-pusong pasasalamat sa matagumpay na pagtatapos ng Pabasa sa Lungos na pinang...
01/04/2026

March 31, 2026 | Pabasa Sa Lungos

Isang taos-pusong pasasalamat sa matagumpay na pagtatapos ng Pabasa sa Lungos na pinangunahan ng Pamayanan ng Aguho.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, naglaan ng oras, at higit sa lahat, sa mga nagbigay ng tulong at nag-sponsor ng pagkain. Dahil sa inyong kabutihang-loob, hindi lamang ang aming mga puso at espiritu ang nabusog sa pananampalataya, kundi pati na rin ang mga tiyan ng ating mga kapatid, lalo na ang mga higit na nangangailangan.

Sa pagninilay ng ating Pabasa, muli nating napagtanto na ang tunay na diwa ng sakripisyo ni Hesus ay hindi lamang sa pag-alala, kundi sa pagsasabuhay nito. Ang Kanyang halimbawa ng pagmamahal, kababaang-loob, at pagbibigay nang walang hinihinging kapalit ay paalala sa atin na maging bukas-palad sa kapwa, handang tumulong, at maging instrumento ng Kanyang awa at habag.

Nawa’y dalhin natin ang mga aral na ito sa ating pang-araw-araw na buhay—sa simpleng pagtulong, sa pag-unawa, at sa pagpapakita ng tunay na malasakit sa isa’t isa. Sa ganitong paraan, mas napapalapit tayo sa Panginoon, hindi lamang sa salita, kundi sa gawa.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat. Nawa’y patuloy tayong pagpalain at gabayan ng Diyos.

Inaanyayahan po ang buong 𝗣𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝘂𝗵𝗼 na makiisa sa ating 𝗣𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝗼𝘀 bilang paggunita sa paghihirap at sakr...
30/03/2026

Inaanyayahan po ang buong 𝗣𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝘂𝗵𝗼 na makiisa sa ating 𝗣𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗟𝘂𝗻𝗴𝗼𝘀 bilang paggunita sa paghihirap at sakripisyo ng ating Panginoong Hesus ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ito ay gaganapin sa 𝗦𝗮𝗰𝗿𝗲𝗱 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹 sa 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲, simula 𝟰:𝟬𝟬 𝗔𝗠 𝗼𝗻𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀. Inaanyayahan po ang lahat—mga pamilya, kabataan, at matatanda—na makibahagi at maglaan ng oras para sa panalangin at pagninilay.

Sa ating sama-samang pagdalo, nawa’y mapalalim pa ang ating pananampalataya at pagkakaisa bilang isang pamayanan. Ialay po natin ang gawaing ito para sa kapayapaan ng buong daigdig, at lalo na ng ating mahal na Pamayanan ng Aguho.

𝚃𝚊𝚛𝚊 𝚗𝚊 𝚙𝚘 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚒𝚜𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚗𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚛𝚎𝚜𝚎𝚗𝚜𝚢𝚊 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚗𝚍𝚘𝚐 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚗𝚊𝚖𝚙𝚊𝚕𝚊𝚝𝚊𝚢𝚊.

March 27, 2026 | Stations of the CrossMaraming salamat po sa mga pamilyang bukas-palad na nagpaunlak at tumanggap ng isa...
27/03/2026

March 27, 2026 | Stations of the Cross

Maraming salamat po sa mga pamilyang bukas-palad na nagpaunlak at tumanggap ng isang istasyon sa kanilang tahanan.

Sa pangunguna ng Pamayanan ng Aguno, sama-sama nating ginunita ang Kabanal-banalang Daan ng Krus o Stations of the Cross. Ito ay isang banal na gawain na nag-aalalaala sa paghihirap, sakripisyo, at walang hanggang pag-ibig ni Hesus para sa ating kaligtasan. Sa bawat istasyon, pinagninilayan natin ang Kanyang paglalakbay mula sa paghatol hanggang sa Kanyang kamatayan sa krus, na nagsisilbing paalala ng Kanyang dakilang pag-aalay para sa sangkatauhan.

Nawa’y magsilbi itong paanyaya sa bawat isa na magnilay, magsisi, at higit pang patatagin ang ating pananampalataya. Sa panahon ng Kuwaresma, nawa’y matutunan nating ialay ang ating sariling sakripisyo, magpatawad, at magmahal nang walang hinihinging kapalit—tulad ng pagmamahal ni Kristo sa atin.

Paanyaya sa Lahat!Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart o...
26/03/2026

Paanyaya sa Lahat!

Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart of Jesus Chapel sa darating na Marso 27, 2026 (Biyernes).

📿 2:30 PM — Pagdarasal ng Rosaryo
🙏🏻 3:30 PM — Station of the Cross
⛪ 6:00 PM — Banal na Misa

Tayo’y magtipon bilang isang pamayanang puspos ng pananampalataya, magpasalamat, at magpuri sa presensya ng Panginoon.

February 27, 2026 | 2nd Monthly Holy Mass at Sacred Heart of Jesus Chapel Sa ating pagdiriwang ng Biyernes sa Unang Ling...
27/02/2026

February 27, 2026 | 2nd Monthly Holy Mass at Sacred Heart of Jesus Chapel

Sa ating pagdiriwang ng Biyernes sa Unang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan tayo ng Salita ng Diyos mula sa aklat ni propeta Ezekiel at sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa puso.

Sinasabi sa atin na ang Diyos ay laging handang magpatawad. Kapag ang taong nagkasala ay nagsisi at nagbagong-buhay, hindi na Niya aalalahanin ang nakaraan. Ngunit pinaalalahanan din tayo ni Hesus na hindi sapat ang pagsunod sa utos sa panlabas lamang. Kahit ang galit, pagmamataas, at hindi pagpapatawad ay kailangang linisin sa ating puso.

Ngayong Kuwaresma, tanungin natin ang ating sarili: May galit ba akong kinikimkim? May tao ba akong kailangang patawarin? Ako ba ay tunay na nagsisisi at handang magbago?

Bago tayo maghandog sa Diyos, ayusin muna natin ang ating relasyon sa kapwa. Dahil ang tunay na pagsunod sa Diyos ay nakikita sa ating pagmamahal, pagpapatawad, at pakikipagkasundo.

Nawa’y piliin natin ang magbalik-loob, magpatawad, at magmahal araw-araw.

Paanyaya sa Lahat!Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart o...
25/02/2026

Paanyaya sa Lahat!

Inaanyayahan ang buong Pamayanan ng Aguho na makiisa sa ating sama-samang panalangin sa Sacred Heart of Jesus Chapel sa darating na Pebrero 27, 2026 (Biyernes).

⛪ 5:00 PM – Banal na Misa

Tayo’y magtipon bilang isang pamayanang puspos ng pananampalataya, magpasalamat, at magpuri sa presensya ng Panginoon.

Address

E. Quiogue Street
Pateros

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sacred Heart of Jesus - Pamayanan Ng Aguho posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share