Catholic Faith and Gospel Sharing

Catholic Faith and Gospel Sharing your online catholic community to grow, deepen and defend our catholic faith and strengthen our spir

Miyerkules, Pebrero 18, 2026Miyerkules ng AboJoel 2, 12-18Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17P**n, iyong kaawaankaming ...
17/02/2026

Miyerkules, Pebrero 18, 2026

Miyerkules ng Abo

Joel 2, 12-18
Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17

P**n, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

2 Corinto 5, 20 – 6, 2
Mateo 6, 1-6. 16-18

Ash Wednesday (Violet)

UNANG PAGBASA
Joel 2, 12-18

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel

Sinasabi ngayon ng Panginoon:
“Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin,
kayo’y mag-ayuno, manangis at magdalamhati.
Magsisi kayo nang taos sa puso, hindi pakitang-tao lamang.”
Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos.
Siya’y may magandang-loob at puspos ng awa,
mapagpahinuhod at tapat sa kanyang pangako;
laging handang magpatawad at hindi magpaparusa.
Maaaring lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganang ani.
Kung magkagayon, mahahandugan natin siya ng haing butil at alak.
Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa ibabaw ng Bundok ng Sion;
iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat,
tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na pagtitipon.
Tipunin ninyo ang lahat, matatanda’t bata,
pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.
Mga saserdote, kayo’y tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana,
manangis kayo’t manalangin nang ganito:
“Mahabag ka sa iyong bayan, O Panginoon.
Huwag mong tulutang kami’y hamaki’t pagtawanan ng ibang mga bansa at tanungin,
‘Nasaan ang inyong Diyos?’”
Pagkaraan, ipinamalas ng Panginoon na siya’y nagmamalasakit sa kanyang bayan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17

P**n, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos,
sang-ayon sa iyong kagandahang-loob
mga kasalanan ko’y iyong pawiin,
ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhan
at ipatawad mo yaring kasalanan!

P**n, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,
at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.

P**n, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Isang pusong tapat sa aki’y likhain,
bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.
Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin;
ang Espiritu mo ang papaghariin.

P**n, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas,
ibalik at ako ay gawin mong tapat.
Turuan mo akong makapagsalita,
at pupurihin ka sa gitna ng madla.

P**n, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.

IKALAWANG PAGBASA
2 Corinto 5, 20 – 6, 2

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ako’y sugo ni Kristo; parang ang Diyos na rin ang namamanhik sa inyo sa pamamagitan ko: makipagkasundo kayo sa Diyos. Hindi nagkasala si Kristo, ngunit dahil sa atin, siya’y ibinilang na makasalanan upang makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan niya.

Yamang kami’y mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinamamanhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ibinibigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya:

“Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita,
Sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.”

Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas!

Ang Salita ng Diyos.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Salmo 94, 8ab

Kapag ngayo’y napakinggan
ang tinig ng P**ng mahal,
huwag na ninyong hadlangan
ang pagsasakatuparan
ng mithi n’ya’t kalooban.

MABUTING BALITA
Mateo 6, 1-6. 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Amang nasa langit.

“Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw doon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“At kapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihin ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim.

“Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga mapagpaimbabaw. Hindi sila nag-aayos upang malaman ng mga tao na sila’y nag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kapag ikaw ay nag-aayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang nakaaalam nito. Siya, na nakakikita ng kabutihang ginagawa mo ng lihim, ang gaganti sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Ngayon ay sinisimulan natin ang 40-araw ng paghahanda para sa paggunita ng Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesukristo, at ito’y tinatawag na Kuwaresma. At ang Panahon ng Kuwaresma ay palaging nagsisimula sa Miyerkules ng Abo. Ngayong araw na ito, tila nga ba’y ito ang pinakamaraming taong nagsisimba sa kani-kanilang parokya’t kapilya. Ang mga abo’y ipinapahid sa ating mga noo ay nagmula sa mga sinunog na palaspas at binasbasan ng banal na tubig. Sinisimbolo ng mga abong ito ang ating pagiging tao na may hangganan ang ating buhay sa mundong ito.

Kaya sinasabi sa Genesis 3:19 ay tayo ay nagmula sa alikabok at diyan din tayong babalik. Parang sa unang tingin ay nakakatakot ito, ngunit ang mangyayari sa atin matapos ang ating kamatayan ay bagong buhay sa kaluwalhatian kasama ang ating Paninoon. Kaya kapag tayo’y papahiran ng abo sa ating mga noo ngayon, alalahanin natin ang paanyaya ni Hesus sa Marcos 1:15 na tayo’y magsisi at magbalik-loob sa Diyos, at sumampalataya sa Mabuting Balita.

At ngayong Panahon ng Kuwaresma, 3 gawain ang ipinapaalala sa atin: (1) Ang Pag-aayuno (kasama ang Pangingilin), (2) Ang Panalangin, at (3) Ang Paglilimos. At si Hesus ay nagbigay ng isang matuwid na paalala na gawin natin ang mga ito hindi upang magyabang na tingin natin sa ibang tao na mas matuwid pa tayo, kundi kusang loob nang may kababaan ng kalooban na tayo’y nag-aayuno/nangingilan, nananalangin, at naglilimos upang mas maging matatag ang ating relasyon sa Diyos at kapwa tao.

Kaya nawa sa pagsisimula ng Panahon ng Kuwaresma, gawin nating makabuluhan ang 40 araw na ito sa tunay na pagsisisi, pagbabalik-loob, pagsasakripisyo, at paggawa ng kabutihan.

17/02/2026
O Most Holy Mary,Mother of God and our Mother,I place myself under your loving care.Protect me from all danger,guide me ...
21/01/2026

O Most Holy Mary,
Mother of God and our Mother,
I place myself under your loving care.
Protect me from all danger,
guide me in all my ways,
and lead me closer to your Son, Jesus.
Mary, gentle Queen and intercessor,
pray for me now and at the hour of my death,
that I may remain faithful to God
and one day share eternal life with you in heaven.
Amen. 😘🙏

17/01/2026

MABUTING BALITA
Mateo 18, 1-5. 10

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap. Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”

22/02/2025

Linggo, Pebrero 23, 2025

Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

1 Samuel 26, 2. 7-9. 12-13. 22-23
Salmo 102, 1-2. 3-4. 8 at 10. 12-13

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

1 Corinto 15, 45-49
Lucas 6, 27-38

Seventh Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
1 Samuel 26, 2. 7-9. 12-13. 22-23

Pagbasa mula sa unang aklat ni Samuel

Noong mga araw na iyon, lumakad si Saul, kasama ang tatlunlibong piling kawal na Israelita, upang hulihin si David.

Kinagabihan, lihim na pinasok nina David at Abisai ang kampo ni Saul. Dinatnan nila itong tulog na tulog at napaliligiran ni Abner at ng buong hukbo. Ang sibat nito ay nakatarak sa gawing ulunan. Sinabi ni Abisai kay David, “Niloob ng Diyos na mahulog ngayon sa mga kamay mo ang iyong kaaway. Kung ibig mo, tatarakan ko na siya ng sibat. Kapag nasaksak kong minsan iyan, hindi na kakailanganing ulitin.”

Ngunit sinabi ni David, “Huwag mong gagawin iyan. Malaking kasalanan ang magbuhat ng kamay sa hinirang ng Panginoon.” Kinuha nga ni David ang sibat sa ulunan ni Saul at ang lalagyan ng inumin nito, at sila’y umalis. Isa man kina Saul ay walang nagising pagkat pinahimbing sila ng Panginoon. Dumating at umalis sina David nang walang nakaalam.

Pagdating ni David sa kabilang gulod, tumayo siya sa isang mataas na lugar. Sinabi ni David, “Narito ang inyong sibat, mahal na hari. Ipakuha ninyo rito sa isa ninyong tauhan. Ang taong tapat at matuwid ay gagantimpalaan ng Panginoon. Sa araw na ito’y niloob niyang mahulog kayo sa aking mga kamay ngunit hindi ko maaaring pagbuhatan ng kamay ang hinirang ng Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 8 at 10. 12-13

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway;
di na tayo sinisingil sa nagawang kasalanan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala.
Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya
gayun siya nahahabag sa may takot sa kanya.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 15, 45-49

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, ganito ang sinasabi sa Kasulatan: “Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay”; ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay-buhay. Ngunit hindi nauna ang panlangit; ang panlupa muna bago panlangit. Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha sa alabok; mula sa langit ang pangalawang Adan. Ang mga katawang panlupa ay tulad ng nagmula sa lupa; ang mga katawang panlangit ay tulad ng nagmula sa langit. Kung paanong tayo’y katulad ng taong nagmula sa lupa, darating ang araw na matutulad din tayo sa nanggaling sa langit.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ani Kristo,
mag-ibigan sana kayo
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 27-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo, mga nakikinig: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang mga napopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo, idalangin ninyo ang mga umaapi sa inyo. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo ring ang kabila. Kapag inaagaw ang iyong balabal, ibigay mo pati ang iyong baro. Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo: at kung may kumuha sa iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon. Gawin ninyo sa iba ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.

“Kung ang iibigin lamang ninyo ang mga umiibig sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay umiibig din sa mga umiibig sa kanila. At kung ang gagawan lamang ninyo ng mabuti ang gumagawa sa inyo ng mabuti, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay gumagawa rin nito! Kung ang pahihiramin lamang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makababayad sa inyo, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram din sa mga makasalanan sa pag-asang ang mga ito’y makababayad! Sa halip, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at gawan ninyo sila ng mabuti. Magpahiram kayo, na hindi umaasa sa anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo’y magiging mga anak ng Kataas-taasan. Sapagkat siya’y mabuti sa masasama at sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama.”

“Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Ang tawag sa atin ay mga “Kristiyano”. Ibig sabihin nito ay “Without CHRIST, I Am Nothing.” At nanalig tayo na si Hesus ay ang “Kristo” dahil siya’y hinirang ng Diyos Ama upang ipadala ang Mabuting Balita ng kaligtasan. At ang mensahe nito ay ang ating pagkakilanlan bilang mga Kristiyano, ang pag-ibig. Bago pa man siya lumisan, ibinilin niya sa atin na magmahalan tayo katulad ng pagmamahal niya sa atin ang ng dakilang pagmamahal ng Diyos. Subalit sa punto na nakapiling niya ang napakalaking pagtitipon sa kapatagan, ayon sa Ebanghelyo ngayon, dito itinuro niya sa atin ang isa sa mga realidad ng buhay bagamat mahirap. At iyan ay ang pagmamahal sa ating mga kaaway. Sig**o ito ay isa sa mga mahihirap na hangaring hindi nating alam kung paanong tuparin ito, ngunit ito talaga ang realidad ng buhay. Ang basehan ng pagkasabi nito ng Panginoon ay dahil sa umiiral noon na batas na “lex tallionis”. Ibig sabihin nito ay batay sa Kodigo ni Hamurabi: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Ang paniniwala noon ay kung ang tao ay gumawa sa iyo ng masama, maaari mong iputol ang anumang bahagi ng katawan. Subalit ibang tunguhin ang ipinakita ni Hesus. Makikita natin ang pagkasalungat sa pahayag ng Panginoon doon sa umiiral na paniniwala noon. Pero kahit sinabi na ito ni Hesus, bakit ganyan pa rin ang pag-uugali ng iilang tao at lipunan sa mundo? Sig**o parang kutob natin na dahil sa napakaraming pagkakasala ng ating mga kaaway sa atin, paano kaya tayo’y makikipagtagpo sa kanila? Ngunit ipinapakita sa atin ni Kristo ang realidad na tayo’y mga nilalang sa larawan at kaanyuan ng Ama ay may tungkuling kilalanin ang bawat isa bilang anak ng Diyos.

Kaya kung tayo ay nagiging mabuti at mabait sa ating mga kaibigan at mahals a buhay, paano pa kaya sa ating mga kaaway? Minsan naiinis po tayo kung ang ibang tao ay nandadaya at/o kaya nang-aagaw sa atin. Kaya ang turo ng Panginoon ay huwag nang pigilin sila. Hindi ito’y ibig sabihin na sang-ayon si Hesus sa ginagawa nilang masasama, kundi upang gawin natin ang Krisityanong paraan ng pagmamahal at pagtatama ng mali ng ating kapwa tao. Kaya ang pinakabuod ng Ebanghelyo ngayon ay ang Gintuang Aral na gawin natin ang mga magandang bagay na siya namang ibabalik sa atin ng ibang tao. Kaya ang buhay-Kristiyano ay ang pag-uugnay ng ating sarili kay Kristo. Ang hangarin natin ay tularan siya sa pagiging “maawain katulad ng Diyos Ama”.

Ang pagmamahal natin sa isa’t isa ay dapat bukas kahit sa ating mga kaaway upang dumaloy pa ang mas maraming grasya sa lahat, at ang mga ito ay siksik, liglig, at umaapaw.

01/02/2025

Linggo, Pebrero 2, 2025

Kapistahan ng Pagdadala kay Hesus na Panginoon sa Templo

Malakias 3, 1-4
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Hebreo 2, 14-18
Lucas 2, 22-40
o kaya Lucas 2, 22-32

Feast of the Presentation of the Lord (White)

World Day for Consecrated and Religious Life
Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking

UNANG PAGBASA
Malakias 3, 1-4

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Malakias

Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos, “Ipadadala ko ang aking sugo upang ihanda ang daraanan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang pinakahihintay ninyong sugo at ipapahayag ang aking tipan.”

Ngunit sino ang makatatagal pagdating ng araw na iyon? Sino ang makakaharap pag siya’y napakita na? Siya’y parang apoy na nagpapadalisay sa bakal at parang matapang na sabon. Darating siya para humatol at dadalisayin niya ang mga saserdote, tulad ng pagdalisay sa pilak at ginto. Sa gayun, magiging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon, at ang mga handog na dadalhin ng mga taga-Juda at Jerusalem ay magiging kalugud-lugod sa kanya, tulad ng dati.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 7. 8. 9. 10.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari ay doon papasok.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang dakilang haring ito ay sino ba?
Siya ang P**n, dakilang talaga;
Saanmang labanan tagumpay ay kanya.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,
ang dakilang hari ay doon papasok.

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

Ang dakilang hari’y sino bang talaga?
Makapangyarihang Diyos at hari siya!

D’yos na makapangyariha’y
dakilang hari kailanman.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 2, 14-18

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Yamang ang mga anak na tinuturing ng Diyos ay tao, naging tao rin si Hesus, tulad nila – may laman at dugo. Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may kapangyarihan sa kamatayan. Sa gayun, pinalaya niya ang lahat ng naging alipin habang panahon dahil sa kanilang takot sa kamatayan. Hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan kundi “Ang lahi ni Abraham.” Kaya’t kinailangang matulad siya sa kanyang mga kapatid sa lahat ng paraan. Sa gayun, siya’y naging isang dakilang saserdote, mahabagin at tapat, naglilingkod sa Diyos at naghahandog ng hain sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng tao. Sapagkat siya ma’y tinukso at nagbata, kaya ngayo’y matutulungan niya ang mga tinutukso.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 2, 32

Aleluya! Aleluya!
Para sa lahat ng bansa
liwanag na nagmumula
sa bayan mong dinakila!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 22-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas,
na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Naroon din sa templo ang isang propetang babae na ang pangala’y Ana, anak ni Fanuel na mula sa lipi ni Aser. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, nang siya’y mabalo. At ngayon, walumpu’t apat na taon na siya. Lagi siya sa templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. Lumapit siya nang oras ding iyon at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol kay Hesus sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem.

Nang maisagawa nila ang lahat ng bagay ayon sa Kautusan, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret, Galilea. Ang bata’y lumaking malakas, marunong at kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Lucas 2, 22-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang dumating ang araw ng paglilinis sa kanila ayon sa kautusan ni Moises, si Hesus ay dinala ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon, sapagkat ayon sa Kautusan, “Ang bawat panganay na lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.” At naghandog sila, ayon sa hinihingi ng Kautusan ng Panginoon: “Mag-asawang batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”

May isang tao noon sa Jerusalem, ang pangala’y Simeon. Matapat at malapit sa Diyos ang lalaking ito at naghihintay sa katubusan ng Israel. Sumasakanya ang Espiritu Santo na nagpahayag sa kanya na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas na ipinangako ng Panginoon. Sa patnubay ng Espiritu, pumasok siya sa templo. At nang dalhin doon ng kanyang mga magulang ang sanggol na si Hesus upang gawin ang hinihingi ng Kautusan, siya’y kinalong ni Simeon. Ito’y nagpuri sa Diyos, na ang wika,

“Kunin mo na, Panginoon, ang iyong abang alipin,
ayon sa iyong pangako, yamang nakita na ng aking mga mata ang iyong tagapagligtas, na inihanda mo para sa lahat ng bansa:
Liwanag itong tatanglaw sa mga Hentil,
at magbibigay-karangalan sa iyong bayang Israel.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Ang ating Kapistahan ngayon ng Pagdadala kay Hesus sa Templo ng Jerusalem ay tumatapat sa 40 araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Pagsilang niya noong Kapaskuhan. Ito’y naaayon sa tradisyon ng mga Israelita na ang bawat batang lalaki ay itatalaga sa Panginoon sa Templo, at magdadala ng mga magulang ng 2 kalapati para sa pagpapalinis ng ina. Kahit alam nina San Jose at Birheng Maria na ang sanggol na kanilang inaalagaan ay ang Anak ng Diyos at Tagapagligtas, sila’y sumailalim sa Kautusang inilaan ni Moises.

Higit pa diyan ay ang pagkilala nina Simeon at Anna kay Hesus bilang Mesiyas hindi lang para sa mga Hudyo, kundi pati na rin sa mga Hentil. Bagamat sila’y matanda na sa edad, ipinangako ng Diyos sa kanila sa pamamagitan ng Espiritu na makikita nila ang kanyang Anak sa Templo habang buhay pa sila. Kaya nga ang pagturing ni Simeon kay Kristo na “liwanag para sa lahat” ay isinasagawa sa ating liturhiya sa pamamagitan ng pagbabasbas at pagprupruasisyon ng mga kandila.

Ang liwanag na hinangad ng dalawang matatanda ay mismong liwanag dala ng Panginoon sa ating mga buhay. Nais niya tayong sumunod sa kanya bilang Ilaw ng Sanlibutan upang hindi tayong palibutan ng mga kadiliman dulot ng kasamaan. Kung tayo’y magiging mababa ang kaloobam katulad ng ginawa ng Banal na Mag-anak at nina Simeon at Anna sa Templo, tunay na mayroon tayong makakamtan na sorpresa mula sa Diyos na di lingid sa ating kaalaman.

Linggo, Enero 19, 2025Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K)Isaias 9, 1-6Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-...
18/01/2025

Linggo, Enero 19, 2025

Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol (K)

Isaias 9, 1-6
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Efeso 1, 3-6. 15-18
Lucas 2, 41-52

Feast of the Sto. Niño
(Proper Feast in the Philippines) (White)
Holy Childhood Day
Week of Prayer for Christian Unity

UNANG PAGBASA
Isaias 9, 1-6

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan.
Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan
tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian.
Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila.
Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma,
ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin.
Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki.
Ibinigay ang isang anak sa atin
At siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
upang matatag ito at papanatilihin
sa katarungan at katwiran
ngayon at magpakailanman.
Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa P**n ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang P**n ay buong galak na purihin sa pag-awit!

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,
at ang P**n ay purihin ng tugtuging maalindog.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli,
magkaingay sa harapan ng P**n na ating hari.

Kahit saa’y namamalas
tagumpay ng Nagliligtas.

IKALAWANG PAGBASA
Efeso 1, 3-6. 15-18

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid:
Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Hesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang, walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking pananalangin, at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 1, 14. 12

Aleluya! Aleluya!
Naging tao ang Salita,
upang tanang maniwala
ay kanyang gawing dakila.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 2, 41-52

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Taun-taon, tuwing Pista ng Paskuwa, ang mga magulang ni Hesus ay pumupunta ng Jerusalem. At nang labindalawang taon na siya, pumaroon sila gaya ng dati nilang ginagawa. Pagkatapos ng pista, sila’y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakala ng isa na si Hesus ay kasama ng isa, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Nang malaman nilang hindi siya kasama, siya’y hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at kakilala. Hindi nila siya matagpuan, kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon hanapin. At nang ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa loob ng templo, nakaupong kasama ng mga g**o. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan. Nagtaka rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit naman ganyan ang ginawa mo sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa pag-hahanap sa iyo.” Sumagot siya, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako’y dapat na nasa bahay ng aking Ama?” Ngunit hindi nila naunawaan ang pananalitang ito.

Siya’y umuwing kasama nila sa Nazaret, at naging isang masunuring anak. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. Patuloy na lumaki si Hesus. Umunlad ang kanyang karunungan at lalong kinalugdan ng Diyos at ng mga tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Ang Simbahan sa buong mundo ay ipinagdiriwang ngayon ang Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon. Samantala dito sa Pilipinas, isang malaking biyayang ating ipinagdiriwang dahil ika-18 siglo, inaprobahan ng Vatikano ang ating debosyon sa Banal na Sanggol, ang Senyor Santo Nino, at ang Kapistahan nito tuwing Ikatlong Linggo ng Enero. Dalawang mahalagang bagay ang nais iparating sa atin ng Kapistahan ng Santo Nino:

1.) ANG PAGTANGGAP AT PAG-AANIB SA PANANAMPALATAYA. Malaking biyayang ating tinutunghayan noong taong 2021 hanggang ngayon sa pagdiriwang ng Ika-500 Anibersaryo ng Kristiyanismo sa ating bansa. Taong 1521, dumating si Fernando Magallenes, isang Portuges na manlalakbay, sa ating bansa. Kasama niya ay ang Padre Pedro de Valderrama at Antonio Pigafetta. Ipinagkaloob niya kay Reyna Humamai ang isang imahe ng Ninong Hesus at kay Raja Humabaon ang isang imahe ng Santo Cristo. Kaya tinanggap ng mga katutubo ang pananampalatayang Kristiyano. Itininanim ang krus, bininyagan ang mga tao, at idinaos ang Unang Misa sa Pilipinas. Pagkamatay ni Magallanes at pagbalik ng kanilang mga kasama, 44 taong nakapalipas at dumating ang grupo ng mga manlalakbay na si Miguel Lopez de Legazpi. Pero n’ung panahong iyon, nagkaroon ng digmaan at pag-aalitan dahil nasira ang mapayapang kolonisasyon, at maraming bahay sa Cebu ay nasunugan. Pero isang Juan Camus ay natagpuan ang Santo Ninong ibinigay ni Magallanes kay Juana. Kayumanggi ang mukha nito sapagkat ito’y nasunugan, subalit nakaligtas ang imahe sa pagkawasak. Ito ang pinakamatandang imahe dito sa Pilipinas, at matatagpuan ito sa Basilika Minore del Santo Nino, ang ina ng mga simbahan sa ating bansa. At laganap ang debosyong ito sa bansa, kaya inaprobahan ito ni Papa Inocencio XIII at ang Kapistahang ito tuwing ikatlong Linggo ng Enero. Ganyan ang turo ni San Pablo sa mga taga-Efeso na dahil sa Panginoong Hesukristo, minarapat tayong tawaging bilang mga anak ng Diyos Ama kahit tumanda pa tayo man sa pag-angkin natin sa pananampalatayng ito.

2.) ANG MISTERYO NG PAGIGING BATA. 500 BCE, ipinahayag ni Propeta Isaias na isang Sanggol ay magiging liwanag sa mga ninirahan sa kadiliman at ang Prinspie ng Kapayapaan sa buong mundo. Ito ay natupad sa katauhan ng ating Panginoong Hesukristo. Bagamat siya ay Diyos, nagkatawang-tao siya at natuto sa ordinaryong buhay ng tao. Ayon sa Ebanghelyo ngayon, naging bahagi siya ng isang pamilya kasama sina Birheng Maria at San Jose, pero higit sa lahat, siya’y naging masunurin sa kalooban ng Diyos Ama. Dahil sa pagiging magpakumbaba niya, naging masunurin siya hanggang sa kanyang Pagkamatay sa Krus upang matubos tayo mula sa kasalanan. At siya’y dinakala ng Diyos bilang Panginoon at Hari ng ating buhay. Tinuturo niya sa atin ang pagiging katulad ng isang bata. Sa Ingles, hindi ito “childish”, kundi “childlike”. Ganito rin ang pagtanggap ng indibidwal sa Kaharian ng langit katulad ng isang bata. Noong lumang panahon, ang mga bata ay minamalit ng lipunan sapagkat tinitingan sila bilang walang halaga. Kaya’t natunghayan natin sa una nang pinigilan ng mga alagad ang mga inang nilalapit ang kanilang mga anak kay Hesus. Pero ang nakita ni Hesus na mga katangian ng mga ito na dapat nating bigyang kahulugan: pagiging magpakumbaba, masunurin, at matulungin, lalung-lalo na sa mga nakakatanda.

Araw-araw nating ipinagmamalaki ang mga tinanggap na biyaya sa paaralan, trabaho, pamilya, atbp. Lalung-lalo na sa mga nakatapos ng pag-aaral, ipinagmamalaki natin ang ating mga trabaho at kung anong posisyon kabilang tayo. Pero sa kabila ng ating mga tagumpay at nakamit na istado/posisyon, nawa’y tularan natin ang halimbawa ng Banal na Sanggol si Hesus, ang Senyor Santo Nino, sa pagiging magpakumbaba, masunurin, at matulungin sa bawat oras at pagkakataon ng ating buhay. Nawa’y mula sa mga tinanggap na biyaya, magagamit natin ang mga ito upang iangat ang mga ibang tao sa mahirap at abang lipunan.

Address

Passi

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639457787599

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catholic Faith and Gospel Sharing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share