Worship Commission - Immaculate Conception Cathedral of Pasig

Worship Commission - Immaculate Conception Cathedral of Pasig Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Worship Commission - Immaculate Conception Cathedral of Pasig, Religious organisation, Plaza Rizal, Malinao, Pasig.

Manibus in servitio, cordibus in laude”
(Hands in service, hearts in praise)


The official page of the Worship Commission of the Immaculate Conception Cathedral, Diocese of Pasig.

Viva La Virgen! Maligayang Pagdating sa Bayan at Simbahan ng Pasig, Nuestra Señora de Lourdes de Manila!
30/08/2026

Viva La Virgen!

Maligayang Pagdating sa Bayan at Simbahan ng Pasig, Nuestra Señora de Lourdes de Manila!

O Maria ang Inmaculada Concepcion ng Pasig aming Mapagkandiling Ina at Patrona kami ay iyong ampunin at saklolohan sa or...
29/08/2026

O Maria ang Inmaculada Concepcion ng Pasig aming Mapagkandiling Ina at Patrona kami ay iyong ampunin at saklolohan sa oras ng matinding panganib at pangangailangan.

29/08/2026

Ang pagdating at pagpasok ng ating Mahal na Patrona Coronada La Inmaculada Concepcion de Pasig sa Basilika Minore at Pambansang Dambana ng Hesus Nazareno sa Quiapo Maynila sa ika-5 taon ng Lakbay Baliktanaw!

29/08/2026

Ang Paglabas ng imahen ng ating Mahal na Patrona Coronada La Inmaculada Concepcion de Pasig upang simulan ang kanyang paglalakbay patungo sa Basilika Minore at Pambansang Dambana ng Hesus Nazareno sa Quiapo Maynila

Ang Mahal na Patrona Coronada La Inmaculada Concepcion de Pasig sa kanyang pagdalaw sa kanyang Anak ang Mahal na Poong H...
28/08/2026

Ang Mahal na Patrona Coronada La Inmaculada Concepcion de Pasig sa kanyang pagdalaw sa kanyang Anak ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ng Quiapo bukas sa ika-5 taon ng Lakbay Baliktanaw.

Viva La Virgen!
Viva Poong Hesus Nazareno!

“Panginoon, nilikha Mo kami para sa Iyo, at ang aming puso ay hindi mapapanatag hangga’t hindi ito nagpapahinga sa Iyo.”...
28/08/2026

“Panginoon, nilikha Mo kami para sa Iyo, at ang aming puso ay hindi mapapanatag hangga’t hindi ito nagpapahinga sa Iyo.”

Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Agustin ng Hippo, isang dakilang Ama at Pantás ng Simbahan, na ang buhay ay naging makapangyarihang patotoo ng paghahanap sa Diyos, pagbabalik-loob, at ganap na pag-ibig sa Panginoon.

Sa ating paggunita sa kanyang kapistahan, ating alalahanin din ang mahalagang kasaysayan ng ating pamayanang Kristiyano: ang Simbahan ng Pasig ay itinatag at pinasimulan sa ilalim ng pangangalaga ng mga Agustinong misyonero, na buong sigasig na naghatid ng Mabuting Balita at nagpalaganap ng pananampalataya sa ating bayan.

San Agustin, aming ama at gabay, ipanalangin mo kami!

Ang ating pagbati ng Maligayang Kapistahan sa mga deboto ni San Agustin mula sa Parokya ni San Agustin, Palatiw, Pasig City!

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Santa Monica, huwaran ng isang mapagmahal na ina, matatag na panana...
27/08/2026

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Santa Monica, huwaran ng isang mapagmahal na ina, matatag na pananampalataya, at pusong hindi nagsasawang manalangin.

Sa mahabang panahon, buong tiyaga niyang ipinanalangin ang pagbabalik-loob ng kanyang anak na si San Agustin. Ang kanyang buhay ay paalala na ang panalangin ng isang ina ay puno ng pag-asa, pagtitiis, at walang hanggang pagtitiwala sa Diyos.

Santa Monica, turuan mo kaming manalangin nang may pagtitiyaga at buong tiwala sa kalooban ng Diyos.

“Servus Dei” — Servant of GodOn this 11th death anniversary, we prayerfully remember the Most Rev. Francisco San Diego, ...
26/08/2026

“Servus Dei” — Servant of God

On this 11th death anniversary, we prayerfully remember the Most Rev. Francisco San Diego, D.D., the first Bishop of the Diocese of Pasig.

With grateful hearts, we remember his life of faithful service, pastoral dedication, and love for the people entrusted to his care. His episcopal ministry helped lay the foundations of our young Diocese and continues to be remembered with gratitude and affection.

As we commemorate his passing, may we continue to pray for the eternal repose of his soul and give thanks to God for the gift of his life and ministry.

Eternal rest grant unto him, O Lord,
and let perpetual light shine upon him.
May he rest in peace. Amen.

Sa araw na ito, buong galak at pananampalataya nating ipinagdiriwang ang kapistahan ng ating minamahal na patrona, Sta. ...
23/08/2026

Sa araw na ito, buong galak at pananampalataya nating ipinagdiriwang ang kapistahan ng ating minamahal na patrona, Sta. Rosa de Lima.

Nawa’y sa kanyang halimbawa, matutuhan nating magmahal nang buong puso, manalangin nang may katapatan, at maglingkod sa Diyos at sa kapwa nang may kababaang-loob.

Ang ating pagbati ng Maligayang Kapistahan sa mga deboto ng Mahal na Patrona Sta Rosa de Lima mula sa Pamayanan ng Sumilang at Sta. Rosa.

Viva Sta. Rosa de Lima!

“ Nasa kanan mo ang Reyna, maningning sa ginto’t ganda” Sa diwa ng pag-ibig at debosyon, ating ipinagdiriwang ang maring...
22/08/2026

“ Nasa kanan mo ang Reyna, maningning sa ginto’t ganda”

Sa diwa ng pag-ibig at debosyon, ating ipinagdiriwang ang maringal na Pagka-Reyna ng Mahal na Birheng Maria ang mapagmahal na Ina at Reyna ng Langit at Lupa.

Sa kanyang banal na pagkakatalaga bilang Reyna, nawa’y lagi tayong akayin ni Maria palapit sa kanyang Anak na si Hesukristo. Sa bawat pagsubok, siya ang ating Ina, kanlungan, at tanglaw; sa bawat tagumpay, siya ang ating paalala na ang lahat ay patungo kay Kristo.

O Maria, aming Ina at Reyna, ipanalangin mo kami.

Address

Plaza Rizal, Malinao
Pasig
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Worship Commission - Immaculate Conception Cathedral of Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share