San Guillermo Parish

San Guillermo Parish Isang sambayanang Kristiyano na masaya, sama-samang kumikilos at nagtutulungan na may mataas na antas ng pamumuhay at maunlad na pananampalataya Fr. Sin, D.D.

Ang orihinal na Bahay na Dalanginan (Bisita) ng nayon sa pook na ito ay itinayo noon pang panahon ng pananakop ng mga Kastila at nasa ilalim ng pamamahala ng Parokya ng Immaculada Concepcion ng Pasig. Sa pamamatnubay ng mga Misyonerong CICM at ng Barrio Pastoral Council, isang Multi-Purpose Center ang napalit na nabasbasan ng Kanyang Kabunyiang Jaime Cardinal L. Sin, D.D., Arsobispo ng Maynila noo

ng Mayo 1, 1979. Abril 26, 1993 nang itatag ang Parokya ng San Guillermo na magkasama ang Barangay Buting at Barangay San Joauin. Itinalagang unang Kura Parokya si Rev. Jesus-Romulo C. RaΓ±ada noong ika-4 ng Hulyo 1993. Pinasimulan ang pagtayo ng bago at panalaking Simbahan noong ika-2 ng Oktubre 1993 sa tulong at pagsisikap ng Parish Pastoral Council, mga taga-parokya at mga tagapagtangkilik. Natapos at itinalaga noong ika-10 ng Abril 1994 ng Kanyang Kabunyian Jamie Cardinal L. Ang Parokya ng San Guillermo ay binuo ng dati-rating tatlong barrio pastoral councils, ang Buting, San Joaquin at Sitio Ulilang Kawayan. Ang naging pangalawang Kura Paroko ay si Rev. Dennis Odiver mula Setyembre 1995 hanggan g Mayo 1997. Sa kanyang pamumuno, naipaayos at napaganda ang San Joaquin Chapel. Nagsagawa ng maraming mga formation seminars para sa mga lider ng simbahan.

*Parish Manual (1997-1998)

π—˜π—‘π—–π—¬π—–π—Ÿπ—œπ—–π—”π—Ÿ π—Ÿπ—˜π—§π—§π—˜π—₯𝑀𝐴𝐺𝑁𝐼𝐹𝐼𝐢𝐴 π»π‘ˆπ‘€π΄π‘πΌπ‘‡π΄π‘†π—’π—™ π—›π—œπ—¦ π—›π—’π—Ÿπ—œπ—‘π—˜π—¦π—¦π—£π—’π—£π—˜ π—Ÿπ—˜π—’ π—«π—œπ—©π—’π—‘ π—¦π—”π—™π—˜π—šπ—¨π—”π—₯π——π—œπ—‘π—š π—§π—›π—˜ 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗑 π—£π—˜π—₯π—¦π—’π—‘π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—§π—œπ— π—˜ 𝗒𝗙 𝗔π—₯π—§π—œπ—™π—œπ—–π—œπ—”π—Ÿ...
25/05/2026

π—˜π—‘π—–π—¬π—–π—Ÿπ—œπ—–π—”π—Ÿ π—Ÿπ—˜π—§π—§π—˜π—₯
𝑀𝐴𝐺𝑁𝐼𝐹𝐼𝐢𝐴 π»π‘ˆπ‘€π΄π‘πΌπ‘‡π΄π‘†
𝗒𝗙 π—›π—œπ—¦ π—›π—’π—Ÿπ—œπ—‘π—˜π—¦π—¦
π—£π—’π—£π—˜ π—Ÿπ—˜π—’ π—«π—œπ—©
𝗒𝗑 π—¦π—”π—™π—˜π—šπ—¨π—”π—₯π——π—œπ—‘π—š π—§π—›π—˜ 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗑 π—£π—˜π—₯𝗦𝗒𝗑
π—œπ—‘ π—§π—›π—˜ π—§π—œπ— π—˜ 𝗒𝗙 𝗔π—₯π—§π—œπ—™π—œπ—–π—œπ—”π—Ÿ π—œπ—‘π—§π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—œπ—šπ—˜π—‘π—–π—˜

ENCYCLICAL LETTER MAGNIFICA HUMANITAS OF HIS HOLINESS POPE LEO XIV ON SAFEGUARDING THE HUMAN PERSON IN THE TIME OF ARTIFICIAL INTELLIGENCE [ Multimedia ] ___________________________

TINGNAN| BEC Officers and Bukluran Leaders InstallationPormal na itinalaga ng ating  Kura Paroko,  Rev Fr. Edmond Reynal...
25/05/2026

TINGNAN| BEC Officers and Bukluran Leaders Installation

Pormal na itinalaga ng ating Kura Paroko, Rev Fr. Edmond Reynaldo ang mga bagong mamumuno ng BEC sa banal na Misa noong ika-9:00 ng umaga, ika-24 ng Mayo, kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes.

Sa patnubay ng Espiritu Santo, nawa’y ang mga bagong lider ay maging tapat na tagapaglingkod ng Simbahan, tagapagtaguyod ng pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahalan sa bawat pamayanan.

Dalangin ng San Guillermo Parish ang patuloy na paggabay ng Diyos sa kanilang misyon ng paglilingkod.

Noong Abril 26, 2026, sama-samang ipinagdiwang ng Sambayanan ng San Guillermo Parish ang ika-33 Taong Anibersaryo ng ati...
25/05/2026

Noong Abril 26, 2026, sama-samang ipinagdiwang ng Sambayanan ng San Guillermo Parish ang ika-33 Taong Anibersaryo ng ating parokya sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ng ating kura paroko, Rev. Fr. Edmond Reynaldo

Matapos ang Misa ay nagkaroon ng munting salu-salo at programa kasama sina Fr. Edmond at Fr. Marvin bilang pasasalamat sa biyaya ng pagkakaisa, pananampalataya, at patuloy na paglilingkod ng bawat isa sa ating pamayanan.

Purihin ang Diyos sa 33 taon ng Kanyang paggabay at pagmamahal sa ating parokya!

Viva San Guillermo de Maleval

🌺 May 25Ina, yakapin mo kami sa oras ng sakit. 🀍Sa iyong pagmamahal, kami ay bumabangon.πŸ™ Maglaan ng oras magsimba at ma...
25/05/2026

🌺 May 25
Ina, yakapin mo kami sa oras ng sakit. 🀍
Sa iyong pagmamahal, kami ay bumabangon.

πŸ™ Maglaan ng oras magsimba at mag-alay ng bulaklak.
πŸ’¬ Mag-comment ng 🌸 kung kasama ka.

πŸ”₯ πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππ„ππ“π„π‚πŽπ’π“π„π’πŸ”₯Ngayong araw, ika-24 ng Mayo, 2026, ipinagdiriwang ng buong Simbahan ang Dakilang...
24/05/2026

πŸ”₯ πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππ„ππ“π„π‚πŽπ’π“π„π’πŸ”₯

Ngayong araw, ika-24 ng Mayo, 2026, ipinagdiriwang ng buong Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Pentecostes (Solemnity of the Pentecost), ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol at ang opisyal na Kaarawan ng Simbahan. Ito rin ang hudyat ng pagtatapos ng Panahon ng Muling Pagkabuhay o Easter Season.

Sa araw na ito, pinuspos ng Espiritu Santo ng lakas at tapang ang mga alagad upang humayo at ipahayag ang Mabuting Balita sa buong mundo.
Hilingin natin sa Espiritu Santo na muling panatilihing buhay at nag-aalab ang pananampalataya ng ating pamayanan dito sa San Guillermo Parish!

Magkita-kita po tayo sa ating mga Banal na Misa ngayong araw.

🌺 May 24Sa dilim ng gabi, ikaw ang aming ilaw. πŸŒ™Sa takot, ikaw ang aming lakas.πŸ’¬ Ano ang kinatatakutan mo ngayon? Ipagda...
24/05/2026

🌺 May 24
Sa dilim ng gabi, ikaw ang aming ilaw. πŸŒ™
Sa takot, ikaw ang aming lakas.

πŸ’¬ Ano ang kinatatakutan mo ngayon? Ipagdarasal namin.

Lahat ay inaanyayahan na makiisa sa pagdiriwang ng 𝓒π“ͺ𝓷𝓽π“ͺ 𝓒𝓻𝓾𝔃π“ͺ𝓷 2026 ng San Guillermo Parish ngayong hapon ng ika-23 ng ...
23/05/2026

Lahat ay inaanyayahan na makiisa sa pagdiriwang ng
𝓒π“ͺ𝓷𝓽π“ͺ 𝓒𝓻𝓾𝔃π“ͺ𝓷 2026 ng San Guillermo Parish ngayong hapon ng ika-23 ng Mayo, 2026

1:30 PM – Sunduan
πŸ“ Florest St.
2:30 PM – Banal na Misa

3:45 PM – Prusisyon sa Karangalan ng Virgen de las Flores de Buting at Santo Cruz de Buting

5:30 PM – Pag-aalay ng Bulaklak

Halina at saksihan ang pag-aalay ng bulaklak, prusisyon, panalangin, at sama-samang pagkakaisa bilang pagpupugay sa Mahal na Virgen delas Flores de Buting.

🌺 May 23Reyna ng langit, ipanalangin mo kami. πŸ‘‘Gabayan mo kami araw-araw.πŸ™πŸ‘€ Grand Paaalay, tara sa prusisyon mamaya!πŸ’¬ Ty...
23/05/2026

🌺 May 23
Reyna ng langit, ipanalangin mo kami. πŸ‘‘
Gabayan mo kami araw-araw.

πŸ™πŸ‘€ Grand Paaalay, tara sa prusisyon mamaya!
πŸ’¬ Type β€œAve Maria”

🌺 May 22Sa iyong kababaang-loob, natutunan naming magtiwala. 🌸Sa Diyos kami umaasa.πŸ’¬ Ano ang ipinagkakatiwala mo sa Diyo...
22/05/2026

🌺 May 22

Sa iyong kababaang-loob, natutunan naming magtiwala. 🌸
Sa Diyos kami umaasa.

πŸ’¬ Ano ang ipinagkakatiwala mo sa Diyos today?

HUWEBES NA PAMIMINTUHO SA MAHAL PATRONG SAN GUILLERMO DE MALEVAL✝ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen ...
21/05/2026

HUWEBES NA PAMIMINTUHO SA MAHAL PATRONG SAN GUILLERMO DE MALEVAL

✝ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen ✝

Amang Makapangyarihan, isinugo Mo ang Iyong bugtong na Anak upang tubusin kami sa aming kasalanan. Batid namin ang lahat ng aming pagkukulang sa Iyong kadakilaan. Subalit pakinggan mo sana ang tinig naming mga nagkasala na nagsusumamo sa Iyo sa pamamagitan ng aming patrong San Guillermo. Huwag Mo na lamang tignan ang aming kahinaan, bagkus ang pananampalataya ng Iyong sambayanan.

Gayundin naman ang lahat ng ito ay para sa ikaluluwalhati ng Iyong pangalan.

+Papuri sa Ama….

✝ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen ✝

Address

103 E. Mendoza Street, Buting
Pasig
1600

Opening Hours

Tuesday 9am - 11:45am
2pm - 5pm
Wednesday 9am - 11:45am
2pm - 5pm
Thursday 9am - 11:45am
2pm - 5pm
Friday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 9am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 9am - 12pm
2pm - 5pm

Telephone

+63271188827

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Guillermo Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share