Sta. Martha Parish, Kalawaan Pasig City

Sta. Martha Parish, Kalawaan Pasig City Ang official page ng Parokya ni Sta. Martha sa Kalawaan, Siyudad ng Pasig. Vergara, D.D.
(1)

Ang Kalawaan Sur ay dating nasasakupan ng Parokya ng Immaculada Concepcion (na ngayon ay Katedral ng Pasig). Karaniwang ginaganap lamang ang Banal na Misa sa isang multi-purpose hall ng eskwelahan. Taong 1975 ay nakapagtayo ng maliit na kapilya sa bakanteng lupa katabi ng eskwelahan. Dahil sa pangangailangan ng sambayanan ng barangay at dahil na rin sa mungkahi ng mga opisyal ng simbahan, noong ik

a-26 ng Abril taong 1993 ay nilagdaan ng kanyang Kabunyian Jaime Cardinal L. Sin ang dikreto upang maitatag ang kapilya bilang isang parokya sa ilalim ng patnubay ni Sta. Martha bilang patrona.
__________________________

DIYOSESIS NG PASIG
Obispo Mylo Hubert C. Kura Paroko
Reberendo Padre Melvin Ordañez
__________________________
MGA ORAS NG MISA
Lunes, Martes, Miyerkoles, Biyernes
6:00 AM

Huwebes
5:00 PM

Sabado
6:00 AM
6:00 PM (Anticipated Sunday Mass)
7:00 PM (KROVHA Anticipated Sunday Mass)

Linggo
6:00 AM (Livestream)
7:30 AM (English Mass)
9:30 AM (Pag-asa Covered Court)
4:00 PM (Misang Pambata)
5:30 PM (Tagalog Mass)
__________________________
ORAS NG OPISINA
Martes hanggang Linggo
8:00 AM - 12:00 NN;
1:00 PM - 5:00 PM

PABATID |  Abiso ukol sa Oras ng Opisina ng ating Parokya
19/05/2026

PABATID | Abiso ukol sa Oras ng Opisina ng ating Parokya

Kahapon, ika-9 ng Mayo,  idinaos ang Prusisyon ng Sagala 2026 sa ating Parokya.Ang Banal na Misa sa ganap na ika-5 ng ha...
10/05/2026

Kahapon, ika-9 ng Mayo, idinaos ang Prusisyon ng Sagala 2026 sa ating Parokya.

Ang Banal na Misa sa ganap na ika-5 ng hapon ay pinamunuan ng ating Kura Paroko, Reb. Pd. Melvin A. Ordañez. Matapos ito ay ang makulay na prusisyon ng mga sagala na siyang kinatawan ng iba't ibang samahan sa ating simbahan.

Ang Sagala ay bahagi ng buong buwang pagdiriwang at debosyon kay Maria. Bukod sa pag-alala sa makasaysayang tradisyon, Ito rin ay nagsisilbing malikhaing paraan ng pagpapahayag ng ating pananampalataya, pag-ibig, at pagtitiwala sa ating Mahal na Ina.

🖊️: Bien Beneldi
📸: Ampol Guay & Bien Beneldi

Halina’t gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Mayo sa pamamagitan ng pakikiisa sa Santacruzan, isang banal na ...
08/05/2026

Halina’t gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Mayo sa pamamagitan ng pakikiisa sa Santacruzan, isang banal na paggunita sa paghahanap ng Banal na Krus ni Santa Elena, kasabay ng pagpaparangal sa Mahal na Birhen.

Narito po ang talaan ng gawain sa darating na Sabado, ika-09 ng Mayo. Ang lahat po ay inaanyayahan.

"Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang D...
03/05/2026

"Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos."
Mateo 19:13-15

Handa na ang ating kabataang katekista para sa Summer Katekesis ngayong taon.

Ito ay magsisimula sa Mayo 4-31, 2026 sa ganap na ika-8 hanggang ika-11 ng umaga, sa ating Parokya, R. Castillo, Daang-Paa, Krovha, Resettlement, at Pag-Asa.

Sama-sama tayong maglingkod ngayong buwan ng Mayo para kay Inang Maria.

🖊️: Mary Rose Cado
📸: Regina Cabocan

Ngayong buwan ng Mayo, inaanyayahan namin kayo na makiisa sa Paanyaya sa mga Bata—isang panahon ng saya, pagkatuto, at p...
01/05/2026

Ngayong buwan ng Mayo, inaanyayahan namin kayo na makiisa sa Paanyaya sa mga Bata—isang panahon ng saya, pagkatuto, at paglapit kay Maria🤍

Mag-aral, maglaro, magdasal, at mag-alay ng bulaklak kasama ang iba pang kabataan!

📅 May 5, 2026
⏰ 8:00 - 11:00 AM
See you!✨

Ngayong buwan ng Mayo, inaanyayahan namin kayo na makiisa sa Paanyaya sa mga Bata—isang panahon ng saya, pagkatuto, at paglapit kay Maria 🤍

Mag-aral, maglaro, magdasal, at mag-alay ng bulaklak kasama ang iba pang kabataan!

📅 May 5, 2026
⏰ 8:00 – 11:00 AM
See you! ✨

Noong ika-26 ng Abril 2026, araw ng Linggo, masayang ipinagdiwang ang ika-33 anibersaryo ng ating Parokya.Matapos ang hu...
28/04/2026

Noong ika-26 ng Abril 2026, araw ng Linggo, masayang ipinagdiwang ang ika-33 anibersaryo ng ating Parokya.

Matapos ang huling misa ng Linggo, isinagawa ang isang programa kung saan nagtipon-tipon ang iba’t ibang lingkod at mga organisasyon ng ating parokya. Naging makulay ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang palaro at mga pagtatanghal. Nagkaroon din ng raffle draw na naghatid ng saya sa maraming parokyano na nabigyan ng mga papremyo.

Isa sa mga tampok na bahagi ng programa ay ang pagbabahagi ng testimonial mula sa isa sa mga lingkod kabataan.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga lingkod, parokyano, at lalo na sa ating kura paroko sa kanilang patuloy na suporta at paglilingkod. Nawa’y magpatuloy tayong maglingkod sa ating Panginoon, na may pusong mapagkumbaba at masigasig, tulad ng halimbawa ng ating patrona na si Sta. Martha.

🖊️: Regina Borja
📸: Ampol Guay & Aliah Pagatpat

HAPPY 33RD PARISH ANNIVERSARY!On April 26, 1993, in response to the growing pastoral needs of the faithful, and upon the...
26/04/2026

HAPPY 33RD PARISH ANNIVERSARY!

On April 26, 1993, in response to the growing pastoral needs of the faithful, and upon the recommendation of the College of Consultors and the Archdiocesan Office for Research, His Eminence Jaime Cardinal L. Sin, Archbishop of Manila, officially signed the decree establishing Sta. Martha Parish in Barangay Kalawaan, Pasig City.

Today, we celebrate 33 years of faith, service, and community. May our parish continue to grow stronger in love and devotion as we journey together.

Matagumpay na isinagawa ang isang Medical Mission sa Parokya ni Sta. Martha ngayong araw, ika-25 ng Abril 2026. Ang natu...
25/04/2026

Matagumpay na isinagawa ang isang Medical Mission sa Parokya ni Sta. Martha ngayong araw, ika-25 ng Abril 2026. Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng St. Martin’s Foundation katuwang ang Social Services Development Ministry ng parokya.

Layunin ng proyektong ito na maghatid ng kalinga sa kalusugan para sa mga residenteng limitado ang kakayahang makapagpatingin sa doktor.

Taos-pusong pasasalamat sa St. Martin’s Foundation at sa lahat ng mga boluntaryong nars, doktor, at staff na nag-alay ng kanilang oras at talino upang maging matagumpay ang nasabing misyon.

🖊️: Benjamine Santos
📸: Aeon Perez & Benjamine Santos

Address

P. Visitacion Street , Kalawaan, Pasig City
Pasig
1601

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Martha Parish, Kalawaan Pasig City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Sta. Martha Parish, Kalawaan Pasig City:

Share