30/09/2026
BUWAN NG SANTO ROSARYO
Ang buwan ng Oktubre ay inilaan bilang Buwan ng Santo Rosaryo, isang natatanging panahon upang tayo ay sama-samang manalangin, magnilay, at magpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin ng Santo Rosaryo.
Inaanyayahan po ang lahat ng mga mananampalataya na makiisa sa pagdarasal ng Santo Rosaryo araw-araw sa ating Parokya.
Halina’t sama-sama tayong manalangin at ialay sa Panginoon ang ating mga intensyon, pasasalamat, kahilingan, at mga panalangin para sa ating pamilya, pamayanan, at buong Simbahan. Sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, nawa’y higit tayong mapalapit sa kanyang Anak na si Hesukristo.
Nawa’y maging daan ang buong buwan ng Oktubre upang higit nating mapalalim ang ating pananampalataya, pagkakaisa, pagmamahalan, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo,
ipanalangin mo kami!