St. Jude Thaddeus Parish - Pasig

Call Directions Contact the place of worship

St. Jude Thaddeus Parish - Pasig Official page of St. Jude Thaddeus Parish under the Roman Catholic Diocese of Pasig. Rev. Fr. Renier N. Llorca
Parish Priest

Rev. Kenneth Arvin C.

OFFICE HOURS | Tuesday - Sunday: 8:30 AM - 12:00 NN; 2:00 PM - 4:30 PM

PARISH VISION | Maging isang sambayan ng mga alagad ni Hesukristo na masigasig at sama-samang nagpapalaganap ng kaharian ng Diyos, nagkakasundong namumuhay at nagbabahaginan ng pagpapala ng Diyos at ng kanyang walang hanggang pagmamahal sa bawat tahanan at pamayanan na may higit na pagpapahalaga sa mga dukha at mga api. MISSION STATEMENT | Ang Parokya ni San Hudas Tadeo ay itinatalaga ang sarili sa pagbabago at pagpapatatag ng isang pamayanan ng kanyang mga alagad na may pagtuon sa Simbahan ng Tahanan at Simbahan ng mga Dukha na naglalayong pagtibayin at palaganapin ang kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Maliliit ng Sambayanang Kristiyano (Basic Ecclesial Community) upang maisulong ang pagkakaisa at sama-samang mapalalim ang antas na pang-ispirituwal at maiangat ang pangkatauhan at pangkabuhayang kalagayan ng mga nasasakupan ng parokya. Tayao
Parochial Vicar

05/10/2026

LIVE MASS: October 5, 2026 | 12:15 NN
Memorial of Saint Faustina Kowalska, Virgin
First Monday of the Month Mass with TV Maria
Eucharistic Celebration with Most Rev. Mylo Hubert C Vergara, D.D. - Bishop of the Diocese of Pasig



PAANYAYA | Mga kaparokya, maging bahagi ng Kapistahan ng Mahal na Patron San Hudas Tadeo! Inaanyayahan po ang lahat na m...
05/10/2026

PAANYAYA | Mga kaparokya, maging bahagi ng Kapistahan ng Mahal na Patron San Hudas Tadeo! Inaanyayahan po ang lahat na magkaroon ng Fiesta Greeting Banner na ilalagay sa palibot ng ating parokya bilang pakikiisa at pagbati sa ating kapistahan.

Sa halagang โ‚ฑ500, maaari kayong magpagawa ng banner na may sukat na 1.5 ft ร— 2 ft. Ang banner ay maaaring maglaman ng inyong pangalan, pangalan ng inyong pamilya, samahan, o negosyo.

Para sa mga nais makiisa, makipag-ugnayan lamang sa Parish Office para sa karagdagang detalye at pagpapasa ng impormasyong nais ninyong ilagay sa inyong banner.

VIVA SAN HUDAS TADEO!



๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” | ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒMga kaparokya, bilang paghahanda sa nalalapit nating kapistahan, muling maglalakbay ang call...
04/10/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” | ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
Mga kaparokya, bilang paghahanda sa nalalapit nating kapistahan, muling maglalakbay ang callejerong imahen (imaheng naglalakbay) ng ating Mahal na Patron San Hudas Tadeo upang dumalaw sa mga piling lugar ng ating pamayanan.

Mag-uumpisa ang Dalaw Patron sa Biyernes, Oktubre 9 sa pamamagitan ng Rito ng Paghayo sa ating parokya sa ganap na 8:00 n.u. at susundan ng prusisyon patungo sa Mabuhay Subdivision. Samantala, sa Linggo, Oktubre 18 naman ang pagbabalik ng ating patron sa ating parokya. Magkakaroon ng pangwakas na Banal na Misa sa MRV Phase 5 Court sa ganap na 10:00 n.u. at prusisyon pabalik sa ating parokya.

Sa pagdating ng ating Mahal na Patron sa inyong lugar, sama-sama natin siyang salubungin at sa kanyang pananatili, mag-alay ng panalangin kasama ang ating mga kapwa deboto. Ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating mga hangarin, pasasalamat, at mga pag-asang dala-dala natin.

Ang Dalaw Patron ay pagkakataon upang tayo ay muling magtipon bilang isang pamayananโ€”nagkakaisa sa pag-ibig ng Diyos at patuloy na umaasa sa Kanyang awa.

Mangyaring tingnan ang ating talaan para sa kumpletong detalye tungkol sa mga lugar na bibisitahin ng ating patron.

๐—ฉ๐—œ๐—ฉ๐—”, ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—›๐—จ๐——๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—”๐——๐—˜๐—ข!



๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ• ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐€)UNANG PAGBASAIsaias 5, 1-7Pagbasa mula sa aklat ni propeta IsaiasAk...
03/10/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ | ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ• ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐€)

UNANG PAGBASA
Isaias 5, 1-7

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ako ay aawit sa sinta kong mahal
tungkol sa nangyari sa kanyang ubasan:
mayroong ubasan ang sinta kong mutya sa libis ng bundok na lupaโ€™y mataba;
hinukayan niyaโ€™t inalisan ng bato at saka tinamnan ang nasabing dako;
mga piling puno ng mabuting ubas itinanim niya sa nasabing lugar;
sa gitnaโ€™y nagtayo ng isang bantayan at nagpahukay pa ng sadyang pisaan.
Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsimpamunga.
Ngunit ano ito? Pagdating ng araw ang kanyang napitas ay ubas na ligaw.
Kayaโ€™t kayo ngayon, taga-Jerusalem, at gayun din kayo, mga taga-Juda,
kayo ang humatol sa aming dalawa:
Ako, at ang aking ubasan.
Ano pa ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?
Bakit nang akoโ€™y mamitas, sa itinanim kong mabubuting ubas, ang nakuha ko ay ubas na ligaw?
Kayaโ€™t ito ngayon ang gagawin ko sa aking ubasan:
Papatayin ko ang mga halamang nakapaligid dito.
Wawasakin ko ang bakod nito.
Hahayaan kong itoโ€™y mapasok at sirain ng mga ilap na hayop.
Pababayaan ko itong lumubog sa sukal, mabalot ng tinik at dawag;
di ko babawasin ang sangaโ€™t dahong labis, di ko pagyayamanin ang mga puno nito;
at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.
Ang ubasang itoโ€™y ang bayang Israel, at ang Panginoon naman ang siyang nagtanim; ang mga Judiong kanyang inaruga ang mga puno ng ubas.
At kanyang hinintay na itoโ€™y gumawa ng mabuti ngunit naging mamamatay-tao,
inaasahang magpapairal ng katarungan ngunit panay pang-aapi ang ginawa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 79, 9 at 12. 13-14. 15-16. 19-20

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Mula sa Egipto,
ikaw ang naglabas ng puno ng ubas, saka itinanim
sa lupang dayuhan, matapos ang tao moโ€™y palayasin.
Hanggang sa ibayo,
sa ibayong dagat, ang sangang
malabay nitoโ€™y nakaabot,
pati mga ugat humabang mabutiโ€™t umabot sa ilog.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Bakit mo sinira?
Sinira ang pader, kung kaya napasok nitong dumaraan,
pinipitas tuloy yaong bunga nitong tanim na naturan.
Mga baboy damong
nagmula sa gubat, niluluray itong walang pakundangan,
kinakain ito ng lahat ng hayop pawang nasa parang.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

Ikaโ€™y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong itoโ€™y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
yaong punong iyon na pinalago moโ€™t iyong pinalakas!

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

At kung magkagayon,
magbabalik kamiโ€™t di na magtataksil sa โ€˜yo kailanman,
kamiโ€™y pasiglahiโ€™t aming pupurihin ang iyong pangalan.
Kami ay ibalik,
Panginoong Diyos, at ipadama mo ang โ€˜yong pagmamahal,
iligtas mo kami at sa iyong sinag kami ay tanglawan.

Panginoon, iyong tanim
ang ubasan mong Israel.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 4, 6-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid, huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Sa wakas, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig, at nakita sa akin. Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 15, 16

Aleluya! Aleluya!
Hinirang tayo ni Kristo
upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 21, 33-43

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: โ€œPakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at itoโ€™y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siyaโ€™y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-hulihaโ€™y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. โ€˜Igagalang nila ang aking anak,โ€™ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, silaโ€™y nag-usap-usap: โ€˜Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kayaโ€™t siyaโ€™y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.

โ€œPagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?โ€ Sumagot sila, โ€œLilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.โ€ Tinanong sila ni Hesus, โ€œHindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

โ€˜Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at itoโ€™y kahanga-hanga!โ€™

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mula sa: Awit at Papuri

PAANYAYA mula sa SM East Ortigas | Bilang bahagi ng World Animal Day at Kapistahan ni San Francisco de Asis, magkakaroon...
03/10/2026

PAANYAYA mula sa SM East Ortigas | Bilang bahagi ng World Animal Day at Kapistahan ni San Francisco de Asis, magkakaroon ng Pet Blessing na isasagawa bukas, Oktubre 4, 2026, sa ganap na 10:00 ng umaga, pagkatapos ng Banal na Misa sa ground floor ng naturang mall.



๐Ÿพโœจ Paws, Blessings & Love! โœจ๐Ÿพ

This World Animal Day and Feast of St. Francis of Assisi, letโ€™s celebrate the unconditional love and joy our furry friends bring into our lives. ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿ•Š๏ธ

Join us for a special Pet Blessing and have your beloved fur babies blessed with love, protection, and good health. ๐Ÿ’™๐Ÿ™

๐Ÿ“… October 4 | 10 AM
โ›ช After Holy Mass
๐Ÿ“ Ground Level, Main Mall | SM City East Ortigas

Bring your fur babies and Gala to the Max together! ๐Ÿพ๐Ÿ’™ Because at your most loved mall, every pet deserves to be celebrated. ๐Ÿถ๐Ÿฑโœจ

See you, fur-mily! ๐Ÿพ

๐‡๐”๐–๐„๐๐„๐’ ๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐„๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐˜๐Ž๐ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‡๐”๐ƒ๐€๐’ ๐“๐€๐ƒ๐„๐ŽMga kaparokya, ngayon ay ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ - ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ...
01/10/2026

๐‡๐”๐–๐„๐๐„๐’ ๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐„๐ƒ๐„๐๐Ž๐’๐˜๐Ž๐ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‡๐”๐ƒ๐€๐’ ๐“๐€๐ƒ๐„๐Ž
Mga kaparokya, ngayon ay ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ - ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐๐ž๐๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐’๐š๐ง ๐‡๐ฎ๐๐š๐ฌ ๐“๐š๐๐ž๐จ! Ngayong buwan ng Oktubre, sama-sama nating panibaguhin ang ating debosyon kay ๐’๐š๐ง ๐‡๐ฎ๐๐š๐ฌ ๐“๐š๐๐ž๐จ. Sa panalangin ng ating patron, nawaโ€™y manatili tayong matatag sa pananampalataya at maging mga saksi ng pag-asa at pag-ibig ni Kristo sa ating pamayanan.

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‡๐”๐ƒ๐€๐’ ๐“๐€๐ƒ๐„๐Ž
O maluwalhating Apostol, San Hudas Tadeo,
tunay na kaanak nina Hesus at Maria, inihahabilin namin ang aming sarili sa iyong kandili. Ipanalangin mo kami at ipaalala mo sa amin na hindi kami nag-iisa sapagkat kasama namin si Kristo sa aming pakikibaka sa buhay.

Samahan mo kaming manalangin sa Diyos na bigyan kami ng pag-asa sa aming pighati at kalungkutan, tibay ng loob sa mga pagsubok, at pagsanggalang sa sunog, bagyo, baha, lindol, at iba pang mga kalamidad dulot ng kalikasan at gawa ng tao.

Ipanalangin mo kami, San Hudas Tadeo, sa mahabaging Ama na sana ay punuin kami ng biyaya na tanggapin ang lahat ng Kanyang kagustuhan nang walang pagtutol at pagaagam-agam at palalimin ang aming pananampalataya sa Kanyang walang hanggang pagmamahal.

๐‘ด๐’‚๐’“๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’•, ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฏ๐’–๐’…๐’‚๐’” ๐‘ป๐’‚๐’…๐’†๐’, ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’Œ๐’ ๐’Ž๐’๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’๐’‚๐’‰๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ at bigyan mo kami ng adhikaing ibahagi ang lahat ng ito sa aming mga kapatid. Amen.

๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฏ๐’–๐’…๐’‚๐’” ๐‘ป๐’‚๐’…๐’†๐’, ๐’Š๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Ž๐’ ๐’Œ๐’‚๐’Ž๐’Š!


๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ | ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—˜๐——๐—˜๐—•๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—›๐—จ๐——๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—”๐——๐—˜๐—ข!Mga kaparokya, ๐—ข๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ! Bilang mga Katoliko, ang buwang...
30/09/2026

๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ | ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—˜๐——๐—˜๐—•๐—ข๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—›๐—จ๐——๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—”๐——๐—˜๐—ข!

Mga kaparokya, ๐—ข๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ! Bilang mga Katoliko, ang buwang ito ay nakalaan bilang ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ, isang panahon ng masidhing debosyon kay Maria at pananalangin ng Banal na Rosaryo. Ngunit para sa ating pamayanan, ang Oktubre ay panahon din ng masaya at makabuluhang pagdiriwang bilang paghahanda sa kapistahan ng ating mahal na patron, si ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—›๐˜‚๐—ฑ๐—ฎ๐˜€ ๐—ง๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ผ.

Ngayong taon, sama-sama nating pagninilayan ang tema: โ€œ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜†๐—ผ๐˜€, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ; ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜„๐—ฎ, ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ.โ€

Hango sa mensahe ng ๐—Ÿ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—›๐˜‚๐—ฑ๐—ฎ๐˜€, ang tema ay paalala na ang pag-ibig ng Diyos ang nagbubuklod sa atin, at ang Kanyang awa ang nagbibigay sa atin ng lakas upang patuloy na umasa. Bilang mga deboto at isang pamayanan sa patnubay ni San Hudas Tadeo, tinatawagan tayong mamuhay sa pananampalatayang hindi sumusukoโ€”isang pananampalatayang nag-uugat at kumakapit kay Kristo sa gitna ng bawat pagsubok.

Bilang patron ng pag-asa, si San Hudas Tadeo ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na pag-asa ay nakaugat sa pagtitiwala sa Diyos. Kaya sa ating mga gawain at mga pagdiriwang ngayong Oktubre, sama-sama nating isabuhay ang pag-ibig, awa, pagkakaisa, at pag-asang ipinapaalala sa atin ng ating patron.

Mga kaparokya, muli tayong magsama-sama, manalangin, magdiwang, at magbigay-pugay sa ating mahal na patron!

๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐—ก๐—”! ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—›๐—จ๐——๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—”๐——๐—˜๐—ข, ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—ฆ๐—”!
๐—ฉ๐—œ๐—ฉ๐—”, ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—›๐—จ๐——๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—”๐——๐—˜๐—ข!


TINGNAN | Ginanap kanina ang prusisyon at Banal na Misa sa Juliana I bilang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Lorenzo Rui...
28/09/2026

TINGNAN | Ginanap kanina ang prusisyon at Banal na Misa sa Juliana I bilang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz. Ang mga pagdiriwang ay pinamunuan ni Reb. Pad. Kenneth Tayao, bikaryo paroko, mga katekista, at ng BEC.

๐Ÿ“ธ Sidi Maming (SJTP-BEC)

Address

Michael Raymond Street , Marietta Romeo Village, Brgy. Sta. Lucia
Pasig
1608

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Sunday 8am - 11:30am
2:45pm - 4:30pm

Telephone

+6386557511

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Jude Thaddeus Parish - Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St. Jude Thaddeus Parish - Pasig:

Shortcuts

Share