Sa kasaysayan ng pagpapalaganap ng Kristianismo sa ating bansa, ang mga Kastilang misyonerong Agustino ay dumating sa ating barrio noong Enero 20, 1572 at naganap ang kauna-unahang misa sa bayan ng Pasig na araw din ng kapistahan ni San Sebastian, isang martir at kawal Romano kaya’t inialay ng mga paring Agustino ang ating barrio sa kanyang pangalan. Ang barrio ay unang tinawag na San Sebastian de
Pasig at dahil tayo ay malapit sa lawa ng Laguna, madaling bumaha noong panahong iyon kaya’t nagpasya ang mga pari na ilipat ang kapilya sa isang mataas na lugar ito nga ngayon ang kasalukuyang Immaculate Concepcion Cathedral na luklukan ngayon ng Diyosesis ng Pasig. Noong panahon na iyon, nang nagsisismba ang ating mga ninuno sila’y tinatanong ng mga taga Malinao at karatig barrio kung saan sila galing, ang kanilang sinasagot ay “galing po kami sa pinagbuhatan ng unang misa” at dahil doon kaya Pinagbuhatan ang naging tawag sa barrio.
_________________________________________
Kura Paroko
Reb. Padre Feliciano Roxas Gutierrez
_________________________________________
MGA ORAS NG MISA
Lunes hanggang Sabado
6:00AM - FB Live stream
Huwebes
5:00PM Pailaw at Nobena kay San Sebastian
6:00PM - FB Live stream
Sabado Anticipated Mass
6:00PM - FB Live stream
Linggo
6:00AM - FB Live stream
7:30AM
3:00PM - Misang Pambata
4:30PM
6:00PM - Fb lIve stream
_________________________________________
ORAS NG OPISINA
Martes hanggang Linggo
8:00 AM - 12:00 NN
2:00 PM - 5:00 PM