20/12/2021
Isang paalala: NEVER COMPARE YOUR CHURCH TO OTHER CHURCHES.
Nakakalungkot, there are lots of people na laging nag cocompare ng church nila sa iba. ๐
"Buti pa yung church nila, ang dami-daming members..."๐ซ
"Buti pa sa church nila, malaki ang allowance...๐ค May pa-bahay, kotse pa..."๐๐ May pa-hellicopter pa! ๐
"Buti pa sa church nila, aircon at malaki pa.."๐ญ
And madami pang mga bagay na kinukumpara sa ibang church. We can call it "INSECURITY". Tama? You are comparing. It means na may mga bagay kang tinitignan sa ibang church na wala sa church mo. Hinahanap mo yung mga bagay na wala sa inyo and it's saaaad. Nai-insecure ka.. napaka-perfectionist mo... Hindi ka marunong makuntento at mag appreciate ng mga bagay kung saan ka tinalaga ng Lord.
Is that really the purpose of our sense of sight? To seek for perfection? To seek for perfection that can satisfy our insecured minds? Definitely, no!
Nagkaron din ako ng ganyang kaisipan dati. ๐
Bilang leader, syempre madami kang nakikitang mga negative sa iyong paningin. Mga kakulangan, mga dapat iimprove at iba pang pangangailangan ng church and the Lord rebuked me. (I rebuked myself also...)
Mga kapatid, THERE IS NO PERFECT CHURCH. ๐
Stop looking at other churches na "Ay buti pa sa church nila masaya, walang problema, walang away..."
Stop comparing other churches to yours, as if that they are BETTER than yours.. as if that they are BLESSED than yours... as if na walang mga issues sa church nila at sainyo laging meron. Lahat ng church may mga issues, may mga flaws, may mga imperfections.
Mga kapatid, kung may bagay man tayong dapat pag-tuonan ng pansin, hindi po ang mga negatibo sa church. Hindi ang pagiging sintunado ng mang-aawit, at mga kapalpakan ng mga instrumentalists. Hindi ang mali-maling lyrics at typographical errors sa projector screens... Hindi ang laging panenermon ni pastor. Hindi ang mga kamalian ng mga leaders...
Kung may bagay man tayong dapat pag-tuonan ng pansin, walang iba kundi si Kristo. ๐ Kung may makita tayong negatibo at pangit sa church, let's pray for it. Ipanalangin natin...
I pray that the Lord touch your heart as He touches mine regarding this matter. Ask the Lord and sabihin natin "Lord siyasatin mo ang puso ko... Patawarin mo ako... Bigyan mo ko ng puso that longs for You only and not for perfections..."
You can ask the Lord kapatid to create a pure and clean heart to you.
Para sa mga baguhan palang sa church... Masaya po sa church :) Pinagkaloob po yan ng Lord sainyo para maging pamilya nyo na din. They are praying for you... Balang araw, may makikita din kayong kamalian sa loob ng church, mga pangit na pag-uugali ng lahat ng tao sa church including your pastors and leaders... pero WAG KAYONG TITINGIN SA TAO. Kay Lord lang lagi tumingin. Fix your eyes on Jesus Christ. :)
God bless and Jesus be the center of your church mga kapatid!