23/05/2026
Linggo ng Pentekostes
“Tatanggap kayo ng kapangyarihan pagdating sa inyo ng Espiritu Santo.” - Gawa 1:8
Ang Pentecost o Linggo ng Pentekostes ay isang mahalagang pagdiriwang sa Simbangang Katoliko na ginaganap limampung araw matapos ang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus. Ginugunita nito ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol habang sila ay nagtitipon sa Jerusalem. Ayon sa Biblia, nakarinig sila ng malakas na ugong na parang hangin at nakakita ng mga dila na parang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila.
Dahil sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, nagkaroon ng tapang ang mga apostol upang ipangaral ang mabuting balita ni Kristo sa iba’t ibang tao at wika. Dahil dito, tinatawag ang Pentekostes na “kapanganakan ng Simbahan” sapagkat dito nagsimulang lumaganap ang Kristiyanismo.