21/07/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ 2026
โMula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat ng abut-abot na kagandahang-loob.โ Juan 1:16
Noong Hulyo 19, 2026, matagumpay na ginanap ang Solemn Rite of Vesting ng ating mga Altar Servers. Alinsunod ito sa Circular 2025-094, ang Pastoral Instruction on Liturgical Vesture, na inilabas ng Commission on Liturgy.
Isa itong mahalagang hakbang sa kanilang patuloy na paglago at paglilingkod sa ating Diyos at sa Kanyang Simbahan. Sa mga Lingkod-Altar, ang inyong pagiging bukas sa paglilingkod ay grasya ng Diyos.
Lubos kaming nagpapasalamat sa aming Kura Paroko, Fr. John Albert Absalon, sa Parish Pastoral Council, sa aming mga magulang, at sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ito sa bawat Lingkod-Altar na patuloy na maglilingkod nang may kababaang-loob, katapatan, at pagmamahal sa Diyos. Patuloy nating isabuhay ang diwa ng paglilingkod, hindi lamang sa ating kasuotan, kundi higit sa lahat, sa ating puso at mga gawa.