21/01/2026
Sa loob ng sampung taon, pinatunayan ng Diyos ang Kanyang katapatan sa ating iglesia.
Mula sa mga munting simula, Kanyang hinubog ang ating pananampalataya, pinatatag ang ating samahan, at pinalago tayo bilang isang pamilya kay Cristo. Sa bawat pagsubok at tagumpay, malinaw nating nakita ang Kanyang biyaya at paggabay.
As we celebrate our 10th Church Anniversary, we honor not just the years that have passed, but the spiritual growth God has cultivated among us. Rooted in His Word and anchored in His love, we move forward with one heart and one purpose—to grow deeper in faith, stronger in fellowship, and bolder in our witness.
“Ngunit kayo’y lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.”
— 2 Pedro 3:18
Ang pagdiriwang na ito ay patotoo ng walang hanggang biyaya ng Diyos.
Ito rin ay paanyaya sa bawat isa sa atin na magpatuloy sa paglago—sa pananampalataya, sa paglilingkod, at sa pag-ibig sa kapwa. Sama-sama tayong lalakad, maglilingkod, at magpupuri, habang patuloy na lumalago sa biyaya ng Diyos.
Together, as one church family, we look forward with hope and gratitude, trusting that the same God who sustained us for the past ten years will lead us faithfully into the years ahead—all for His glory.
Celebrate with us as we honor God ’s faithfulness and continue to grow in His grace. ˖ ݁𖥔 ݁˖ 𐙚 ˖ ݁𖥔 ݁˖𑁍ܓ🌷˚₊