San Sebastian Patron Saint of Barangay Pinagbuhatan

San Sebastian Patron Saint of Barangay Pinagbuhatan Pinagbuhatan ng Unang Misa Batay din naman sa lathala ng mga Paring Agustino, dumating ang Kristyanismo sa ating lugar sa petsa ng kapistahan ni San Sebastian.

Ayon sa mga matatanda ng nayon noon, ang imahen ng ating Patron na si San Sebastian ay natagpuang lumulutang sa ilog na malapit sa ating lugar. At batay sa pagsasaliksik na ginawa nina Don Carlos Tech at Dr. Lucio PR Santiago – mga kilalalang Historiador ng Pasig, na pinadala sa Espanya upang pag aralan ang kasaysayan ng Pasig. Isang dokumento ang nagsasabi na bago tawaging Pinagbuhatan ang ating

nayon, ito ang unang naging kabisera ng Pasig at tinawag na San Sebastian de Pasig. Ano pa naman ang pinagsimulan, ang Ilog ay may ganap na malaki sa pagdating ng pamimintuho natin kay San Sebastian. Ang ilog rin ay isang malaking simbolo ng kabuhayan ng mga tao noon sapagkat sa ilog nagmumula ang biyaya ng pagkain – mga isda at lamang dagat, na ayon sa paniniwala noon ay dahil din sa pananalangin nila sa banal na patron. Mula rito ay pinasimulan ng mga matatanda ang pagoda sa ilog upang balik tanawan ang kasaysayan ng pagkakapulot sa mahal na patron noon sa ilog. CC: Robert Flores & Jayson Santos 💜😊

Address

Mh Del Pilar St Pinagbuhatan
Pasig
1600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Sebastian Patron Saint of Barangay Pinagbuhatan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Sebastian Patron Saint of Barangay Pinagbuhatan:

Share