Ministry of Altar Servers-San Antonio Abad Parish

Ministry of Altar Servers-San Antonio Abad Parish ᴛʜᴇ ᴏꜰꜰɪᴄɪᴀʟ ꜰᴀᴄᴇʙᴏᴏᴋ ᴘᴀɢᴇ ᴏꜰ ᴛʜᴇ ᴍɪɴɪꜱᴛʀʏ ᴏꜰ ᴀʟᴛᴀʀ ꜱᴇʀᴠᴇʀꜱ-ꜱᴀɴ ᴀɴᴛᴏɴɪᴏ ᴀʙᴀᴅ ᴘᴀʀɪꜱʜ.

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥. 𝐍𝐚𝐢𝐬 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐫𝐢𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨?Casting Call na! Ina...
22/02/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥. 𝐍𝐚𝐢𝐬 𝐦𝐨 𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐫𝐢𝐩𝐢𝐬𝐲𝐨?

Casting Call na! Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa audition para sa 𝗦𝗲𝗻𝗮𝗸𝘂𝗹𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲

Maging bahagi ng paglalakbay na magdadala sa atin pabalik sa mga sandali ng pagpapakasakit at dakilang pagmamahal ni Hesus. Ipakita ang iyong natatanging talento 🎭 at dedikasyon sa muling pagbibigay-buhay sa pinakamahalagang kwento ng ating Kaligtasan! 🙏✨

Register here! ⬇️
https://forms.gle/pR19yYatZYWoxuuX8
https://forms.gle/pR19yYatZYWoxuuX8
https://forms.gle/pR19yYatZYWoxuuX8




𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟓 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐫𝐢, 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐀𝐛𝐬𝐚𝐥𝐨𝐧Ang inyong katapatan, pamumuno, at paglilin...
02/02/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟓 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐢𝐛𝐞𝐫𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐫𝐢, 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐀𝐥𝐛𝐞𝐫𝐭 𝐀𝐛𝐬𝐚𝐥𝐨𝐧

Ang inyong katapatan, pamumuno, at paglilingkod ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa aming pamayanan. Nawa’y pagpalain kayo ng Diyos ng walang hanggang biyaya habang tinutupad ninyo ang inyong banal na misyon.

"Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec." (Hebreo 7:17)



THE OFFICIAL COAT OF ARMS AND SEAL of San Antonio Abad Parish, Maybunga, Pasig CityOn the 40th year of our parish, we ar...
19/01/2026

THE OFFICIAL COAT OF ARMS AND SEAL of San Antonio Abad Parish, Maybunga, Pasig City

On the 40th year of our parish, we are pleased to announce the official approval of our new Coat of Arms and Seal.

His Excellency, Most Rev. Mylo Hubert C. Vergara, D.D., has recently approved this new emblem for San Antonio Abad Parish. This beautiful design now stands as a symbol of our rich history, identity, and mission. It will gradually appear in all our official documents and communications.

Our profound gratitude goes to our parish priest, Rev. Fr. John Albert V. Absalon, together with the 2026 Parish Fiesta Committee Presidente, John Carlo C. Perez and Presidenta, Erlyn C. Reyes for initiating this project, Bro. Ivan Panganiban of DOMVS AUREA Ecclesiastical Designs for creating this magnificent emblem of our parish community.





𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐭𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🤩Sa masayang paggunita ng kapistahan ni San Antonio Abad, napuno ng tawanan at galak ang p...
19/01/2026

𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐛𝐚𝐭𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔! 🤩

Sa masayang paggunita ng kapistahan ni San Antonio Abad, napuno ng tawanan at galak ang parish grounds sa ginanap na Palarong Pambata 🎊

Bawat takbo, bawat ngiti, at bawat palakpak ay sumasalamin sa isang komunidad na nagkakaisa—sa pagkakaibigan, pagtutulungan, at pananampalataya ❤️🪅 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘳𝘰, 𝘮𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘺𝘴𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢 🥳

Taos-pusong pasasalamat mula sa 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 sa lahat ng batang lumahok, mga magulang, at mga boluntaryong naglaan ng oras at suporta upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing ito.

Isang pagdiriwang ng saya, pananampalataya, at pagkakaisa para sa buong komunidad ✨

𝗩𝗶𝘃𝗮 𝗦𝗮𝗻 𝗔𝗻𝘁𝗼𝗻𝗶𝗼 𝗔𝗯𝗮𝗱! 🌟


Sa pagpapatuloy ng ating debosyon sa pagbibigay-pugay kay San Antonio Abad, buong kagalakan naming binabati ang aming mg...
15/01/2026

Sa pagpapatuloy ng ating debosyon sa pagbibigay-pugay kay San Antonio Abad, buong kagalakan naming binabati ang aming mga kapatid sa paglilingkod na sina:

𝐂𝐚𝐳𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐫𝐨𝐬𝐭 𝐒. 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚
𝐏𝐚𝐮𝐥 𝐀𝐧𝐝𝐫𝐞𝐰 𝐁. 𝐉𝐮𝐚𝐧𝐢𝐥𝐥𝐨

Sa kanilang pagtanggap ng parangal bilang “Kabataang Lingkod ng Taon ni San Antonio Abad.”

Iginawad ang parangal noong Enero 8, 2025, sa unang araw ng Misa Nobenaryo, at sila ay dalawa sa limang kabataang pinarangalan dahil sa kanilang tapat, masigasig, at pusong paglilingkod sa ating simbahan.

Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon at huwaran sa lahat ng aming mga kapwa lingkod.



𝙏𝙖𝙧𝙖 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙏𝙖𝙮𝙤!“Called to Serve – Mateo 20:25–28”Maging instrumento ng biyaya ng Diyos at maglingkod nang may debosyon ...
09/01/2026

𝙏𝙖𝙧𝙖 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙏𝙖𝙮𝙤!
“Called to Serve – Mateo 20:25–28”

Maging instrumento ng biyaya ng Diyos at maglingkod nang may debosyon sa pamamagitan ng paglilingkod sa altar. Inaanyayahan ng Ministry of Altar Servers ng San Antonio Abad Parish ang kabataang nagnanais maglingkod bilang Altar Servers.

Maglingkod sa gitna ng Banal na Misa, lumago sa pananampalataya, at maging bahagi ng isang samahan na nakatuon sa pakikipagkapwa, disiplina, kababaang-loob, at pagmamahal sa paglilingkod.

𝐐𝐔𝐀𝐋𝐈𝐅𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒:
✔ Male
✔ Edad 10 hanggang 18 taong gulang
✔ Roman Catholic
✔ Nakapag-First Holy Communion
✔ May kakayahang gampanan ang mga tungkulin at obligasyon ng isang Altar Server
✔ Handa at bukas na sumailalim sa mga training at seminar

𝐅𝐎𝐑 𝐈𝐍𝐐𝐔𝐈𝐑𝐈𝐄𝐒:
Hanapin o kontakin:
📍 Lanze Ryan Linga – MAS Coordinator
📍 Paul Andrew Juanillo – MAS Vice Coordinator
📍 Markie Villarama – MAS PRO

Kung interesado, pindutin ang link at sagutan ang google form na nasa ibaba o i-scan ang QR Code.
Google Form Link: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdvc1_wXfm1mx-C_x7YmXfG40pn_sR6kvfWArKM7NRZDsFv7g/viewform

Maaari ding i-message aming official page.

Tara, Serve Tayo!
Halina at maging bahagi ng aming ministry!



𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚, 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤 𝐤𝐚! 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧! 🎉Ihanda na ang puso’t pananampalataya sa isang mak...
07/01/2026

𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚, 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐤 𝐤𝐚! 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧! 🎉

Ihanda na ang puso’t pananampalataya sa isang makasaysayang pagdiriwang ng ating parokya!

Sa ating ika-40 taon, mas lalo nating ipinagdiriwang ang pamayanang pinagtibay ng dasal, gawa, at pagkakaisa.

Mula sa mga Banal na Misa hanggang mga gawaing pamparokya, may inihandang yugto ng tuwa at biyaya para sa bawat isa. Tara na’t makiisa, makisaya, at magsama-sama sa ating kapistahan!

𝐕𝐢𝐯𝐚! 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐧𝐭𝐨𝐧𝐢𝐨 𝐀𝐛𝐚𝐝! 🙏


Sa ikalawang Linggo ng Panahon ng Adbiyento, Disyembre 7, 2025, ang San Antonio Abad Parish ay taimtim na nagdiwang ng P...
27/12/2025

Sa ikalawang Linggo ng Panahon ng Adbiyento, Disyembre 7, 2025, ang San Antonio Abad Parish ay taimtim na nagdiwang ng Pagpapanibago ng mga Pangako ng Altar Servers, isang makahulugang pagpapatunay muli ng kanilang pangakong maglingkod sa altar ng Panginoon nang may pananampalataya at debosyon.

Bago ang banal na seremonya, isinagawa ang isang formation seminar na naglalayong palalimin ang kaalaman, disiplina, at espirituwal na paghahanda ng mga Altar Servers bilang paghahanda sa kanilang muling pagtatalaga ng sarili sa paglilingkod.

Ang programa ay opisyal na binuksan sa pamamagitan ng opening remarks ni Rev. Fr. John Albert Absalon, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paglilingkod sa altar bilang isang bokasyon at misyon. Sinundan ito ng mga talakayan mula kina Sis. Gregoria T. Benito at Bro. Juan Samuel David M. Lara, na nagbahagi ng mahahalagang paalala at inspirasyon tungkol sa pananampalataya, disiplina, at tapat na paglilingkod sa Diyos.

Ang banal na seremonya ay pinangunahan ni Rev. Fr. Anthony Damian, na gumabay sa mga Altar Servers sa muling pagbigkas ng kanilang mga pangako. Ipinaalala niya sa kanila ang kanilang tungkulin na maglingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan nang may kababaang-loob, pagmamahal, at buong puso.

Patuloy nating ipanalangin ang ating mga Altar Servers na nagpapanibago ng kanilang mga pangako. Nawa’y manatili silang matatag sa kanilang paglilingkod at lalong mapalalim ang kanilang pagmamahal kay Kristo sa pamamagitan ng tapat na serbisyo.

“𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐋𝐨𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐠𝐥𝐚𝐝𝐧𝐞𝐬𝐬; 𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐛𝐞𝐟𝐨𝐫𝐞 𝐇𝐢𝐦 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐣𝐨𝐲𝐟𝐮𝐥 𝐬𝐨𝐧𝐠𝐬.”
— Psalm 100:2



Sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo, nawa’y magsilbi itong paalala na ang Diyos ay laging nasa ating piling—sa b...
25/12/2025

Sa pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo, nawa’y magsilbi itong paalala na ang Diyos ay laging nasa ating piling—sa bawat paglilingkod, pagsubok, at tagumpay sa ating buhay.

Nawa’y manatili sa ating mga puso ang pag-ibig, kagalakan, at pag-asa na hatid ng Pasko, at nawa’y ipagpatuloy natin ang tapat at masayang paglilingkod sa altar ng Panginoon.

Mula sa Ministry of Altar Servers ng San Antonio Abad Parish, maligayang Pasko at mapagpalang Bagong Taon sa inyong lahat!



Ngayong Bisperas ng Pasko, ating tunghayan sa ganap na ika-8:00 ng gabi ang 𝐋𝐚𝐤𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲: 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐰 𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐢𝐭 𝐚𝐭 ...
24/12/2025

Ngayong Bisperas ng Pasko, ating tunghayan sa ganap na ika-8:00 ng gabi ang 𝐋𝐚𝐤𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲: 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐰 𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐆𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭, isang pagtatanghal na puno ng awit at pag-ibig na inihanda ng ating Parish Youth Council.

Halina't makiisa at salubungin ang ating Tagapagligtas na si Hesukristo nang may pag-asa at pasasalamat.

🕗 8:00 PM | 📍 San Antonio Abad Parish



Isang masayang pag-anyaya ang hatid ng San Antonio Abad Parish Youth Council para sa 𝐋𝐚𝐤𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲: 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐰 𝐧𝐠...
20/12/2025

Isang masayang pag-anyaya ang hatid ng San Antonio Abad Parish Youth Council para sa 𝐋𝐚𝐤𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲: 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐰 𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 ngayong darating na 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟒. Sama-sama nating tunghayan, sa ganap na 𝟖:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢, ang makabuluhang pagsasadula sa paglalakbay nina San Jose at Birheng Maria mula Nazareth patungong Bethlehem sa kanilang paghahanap ng matutuluyan para sa pagsilang ni Hesukristo.

Halina’t buksan ang ating mga puso at sama-samang magnilay sa dakilang kwento ng Pasko🌟



Isang masayang pag-anyaya ang hatid ng San Antonio Abad Parish Youth Council para sa 𝐋𝐚𝐤𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲: 𝐏𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐰 𝐧𝐠 𝐀𝐰𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐢𝐛𝐢𝐠 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐨 𝐬𝐚 𝐆𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐧𝐠𝐢𝐭 ngayong darating na 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟒. Sama-sama nating tunghayan, sa ganap na 𝟖:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢, ang makabuluhang pagsasadula sa paglalakbay nina San Jose at Birheng Maria mula Nazareth patungong Bethlehem sa kanilang paghahanap ng matutuluyan para sa pagsilang ni Hesukristo.

Halina’t buksan ang ating mga puso at sama-samang magnilay sa dakilang kwento ng Pasko🌟



𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐬𝐤𝐮𝐡𝐚𝐧! 🌟 Ang 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀 ay isang Toy Donation Drive...
11/12/2025

𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐬𝐤𝐮𝐡𝐚𝐧! 🌟

Ang 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗕𝗹𝗲𝘀𝘀 ay isang Toy Donation Drive ng Parish Youth Council na layuning magbigay ng kasiyahan, pag-asa, at pagmamahal sa mga batang maaaring walang matatanggap na regalo ngayong Pasko.

Hinihikayat ang lahat na makiisa sa proyektong ito. Anumang laruan, bago man o maayos pa ay maaaring maghatid ng malaking tuwa sa isang batang naghihintay ng kalinga at pagmamahal🎁

Maaring i-alay ng inyong mga anak o apo ang inyong donasyon sa mga Banal na Misa ng Simbang Gabi/ MIsa De Gallo o i-abot sa opisina ng ating Parokya.

Ang inyong kabutihang loob ay magiging ilaw ng pag-asa sa bawat batang makatatanggap nito 🤍

“𝘛𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘺𝘢𝘬 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘮𝘢𝘭𝘪𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰, 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢.” - 𝘔𝘢𝘵𝘦𝘰 25:40



Address

Pasig

Telephone

09275085603

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers-San Antonio Abad Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share