01/02/2026
UNANG ARAW NG NOVENA PARANGAL SA PATRONG SAN GUILLERMO
++Awitin ang San Guillermo de Maleval
โ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen โ
+Pambungad na Panalangin
Ama naming mapagkalinga, kaming mga anak Mo ay natitipon ngayon upang alalahanin at bigyan ng parangal ang aming patrong si San Guillermo. Nakita niya ang kanyang maling gawa at nagbagong-buhay siya nang naaayon sa iyong kalooban.
Kami rin ay loobin mong makatulad niya na magtika sa aming mga kasalanan at ituwid ang landas na aming tinatahak sa pamamagitan ng pagsunod namin sa mga aral ng Mahal Mong Anak na si Hesukristo.
Ang Pagninilay namin sa nobenaryong ito ay magturo nawa sa amin sa landas tungo sa liwanag at katotohanan. Nag sa gayon, kami ay maging karapat-dapat na mga anak Mo. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristo na Iyong Anak na nabubuhay at naghaharing kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan, Amen.
+Pagninilay
Sa unang araw ng ating nobena bilang pag-aalaala sa ating patrong si San Guillermo, ituon natin ang ating pansin sa kahulugan ng pagdiriwang na ito sa ating buhay-Kristiyano. Maraming naniniwala na hindi ganap ang pagka-Kristiyano ng isang tao kung wala siyang natatanging debosyon sa isang santo o santa. Kaya s bawat araw sa isang Linggo, punong-puno ang ilang dambanang may nobena sa ibaโt ibang mga banal ng ating simbahan. Hindi natin pinasusubalian ang mga nobenang ito, bagkus dapat nating maunawaan na ang lahat ng mga itoโy mahalagang iugnay natin sa pinakamataas na uri ng pagsamba, ang banal na Misa. Sa maikling salita, ang ating mga panalangin, sino mang banal ang tawagin, ay dapat nakasentro sa ating Panginoong Hesus.
+Pagbasa : Juan 15:1-5
+Pagninilay
Ang gawaing pagsamba ay nagsisilbing pundasyon ng ating buhay-Kristiyano. Sa buhay na ito, mahalaga na maiugat natin ang ating sarili sa mga salitaโt gawa ni Kristo. Ito ang hamon sa atin. Bilang bahagi ng katawang Mistiko ni Kristo, tularan natin ang kanyang habang-buhay na katapatan sa pag-ibig at pagtalima sa Diyos Amang nasa langit.
+Petisyon
Hesukristong aming Panginoon, ipakita mo sa amin ang liwanag at ang daan. Tunay na ang iyong Salita na naririnig namin sa bawat misang aming ipinagdiriwang ang siyang nagtuturo sa amin ng pamumuhay na naaayon sa iyong kalooban. Nawaโy matimo sa aming pusoโt isipan ang iyong mga parangal. Nang sa gayon matularan namin ang iyong pag-aalay ng buhay para sa kapwa. Palayain mo kami sa pagkakagapos sa kasamaan at kasalanan.
Mahal na patrong San Guillermo, ipamagitan mo kami sa aming kahilingang ito upang kamiโy maging karapat-dapat sa kaharian ng aming Diyos Ama sa langit. Amen.
+Awit : Sinong Makapaghihiwalay
+Pagrorosaryo
+Pangwakas na Panalangin
Amang Makapangyarihan, isinugo Mo ang Iyong bugtong na Anak upang tubusin kami sa aming kasalanan. Batid namin ang lahat ng aming pagkukulang sa Iyong kadakilaan. Subalit pakinggan mo sana ang tinig naming mga nagkasala na nagsusumamo sa Iyo sa pamamagitan ng aming patrong San Guillermo. Huwag Mo na lamang tignan ang aming kahinaan, bagkus ang pananampalataya ng Iyong sambayanan.
Gayundin naman ang lahat ng ito ay para sa ikaluluwalhati ng Iyong pangalan.
+Papuri sa Amaโฆ.
โ Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen โ