15/09/2026
MAGANDANG UMAGA MGA KAPATID! 🌅❤️🙏
TUESDAY na naman! 😊
Kamusta po ang lahat? Nawa’y nasa mabuti tayong kalagayan at patuloy na pinagpapala ng Panginoon.
Mga kapatid, tuloy lang tayo sa pagpapakita ng ating pagmamahal sa Panginoon.
Huwag lang nating sabihin na mahal natin ang Panginoon—IPAKITA NATIN SA ATING PAGSUNOD!
Sinabi ng Panginoong Jesus:
📖 John 14:15
“If ye love me, keep my commandments.”
Madaling sabihin na, “Mahal ko ang Panginoon.”
Pero ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang sa salita—nakikita ito sa obedience natin.
Kung tunay nating mahal ang Panginoon, susunod tayo sa Kanyang Salita kahit mahirap.
Susunod kahit hindi natin naiintindihan ang lahat.
Susunod kahit may sacrifice.
Susunod dahil nagtitiwala tayo na ang kalooban ng Diyos ay laging mabuti.
Kaya kapatid, LOVE CHRIST. TRUST CHRIST. FOLLOW CHRIST. ❤️
Huwag lang nating sabihin na mahal natin ang Diyos—ipakita natin ito sa ating obedience, faithfulness, at service.
Kaya… TARA NA, KAPATID!
SUMUNOD NA TAYO! 🙏
Tuloy lang tayo sa paglilingkod sa Panginoon.
We are God’s people, doing the work that pleases Him.
Let us grow together in faith and stay focused on Christ alone! ✝️❤️
God bless po sa ating lahat! 🫰❤️😊🙏
Hanggang sa muli! 🫰❤️😊