04/12/2025
Salitang Buhay na Patotoo: Jeremiah 29:11
Noong October 2022, nang ako ay ma-diagnose ng severe endometriosis at ayon sa aking doctor ay nangangailangan akong sumailalim sa agarang operasyon. Napatanong ako sa Kaniya, “Lord, bakit ako, naglilingkod naman po ako sa’Yo?” Wala akong magawa kundi ang ipagkatiwala ko ang Diyos sa lahat-lahat. Umaasa at nananalig na hindi Niya ako pababayaan.
Pinanghawakan ko ang Kaniyang Salitang Buhay sa Jeremiah 29:11, “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
November 2022, nagpa-check up ulit ako sa doktor. Salamat sa Diyos sapagkat nakita sa aking ultrasound na clear ang aking endometrium maging sa aking ovaries ay wala ring nakitang abnormality. At saka ko ipinakita sa doktor yung resulta noong nakaraang October, at nagulat siya sabi niya “may himalang nangyari sa’yo.”
Tunay ngang buhay ang Salita ng Diyos. Hindi ito salitang walang laman, kundi kapangyarihang nagbibigay ng KAGALINGAN, PAG-ASA, AT BAGONG SIMULA.
To God be the glory!
— Sis. Lorna Dela Peña