Servant of God Laureana "Ka Luring" Franco

Servant of God Laureana "Ka Luring" Franco Ang page na nagtatala ng kasaysayan ng buhay at bokasyon ni Servant of God, Laureana "Ka Luring" Franco.

Ito ay pinamamahalaan ng Roman Catholic Diocese of Pasig at ng Causes for the Beatification and Canonization of Laureana "Ka Luring Franco"

May 31, 1938Tinanggap ng Lingkod ng Diyos, Laureana "Ka Luring" Franco ang Sakramento ng Kumpil mula kay Obispo Cesar Ma...
30/05/2026

May 31, 1938
Tinanggap ng Lingkod ng Diyos, Laureana "Ka Luring" Franco ang Sakramento ng Kumpil mula kay Obispo Cesar Maria Guerrero. Ginanap ang paggagawad ng Sakramento sa Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of St. Anne, Taguig City.

Panalangin para sa Beatipikasyon ng Lingkod ng Diyos, Laureana “Ka Luring” FrancoAma naming mapagmahal, pinupuri, sinasa...
10/05/2026

Panalangin para sa Beatipikasyon ng Lingkod ng Diyos, Laureana “Ka Luring” Franco

Ama naming mapagmahal, pinupuri, sinasamba at pinasasalamatan Ka namin sa pagpapadala Mo sa amin ng mga saksi upang maging inspirasyon at halimbawa sa pamumuhay Kristiyano.

Nagpapasalamat kami sa Iyo para kay Laureana Franco, ang Iyong tapat na katekista at lingkod ng Simbahan. Siya ay isang inspirasyon at halimbawa kung paano Kang dapat mahalin at ang aming kapwa, sa paraang payak at ng kababaang-loob, at paglilingkod na puno ng pagmamahal sa “pinakaaba sa mga aba” ng aming lipunan.

Sa tulong ng kanyang mga panalangin at halimbawa, ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang hinihiling namin ngayon sa Iyo…

(banggitin ang iyong kahilingan).

Kung ito ay Iyong kalooban, nawa’y mapabilang din siya sa mga Beata ng Iyong Simbahan. Upang makita at maranasan ng mga Pilipino at lahat ng mga Kristiyano ang Iyong mapagmahal na awa sa tulong ng kanyang panalangin, buhay, gawa at kabanalan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen.

Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati...

---------------------------------------------------------------------------
Para sa mga nagnanais mag-ulat ukol sa mga pagpapalang natanggap sa pamamagitan ng Lingkod ng Diyos, Laureana “Ka Luring” Franco, mangyaring makipag ugnayan kay:

DR. ERICKSON S. JAVIER
Diocesan Postulator
Chancery Office, Tahanan ng Mabuting Pastol, Sta. Clara de Monteflaco parish Compound, Caniogan Pasig City, 1600, Philippines
Contact Numbers: (02)8643-9325, (02)8643-9361 loc. 110 and 113
Email: [email protected]

Prayer for the Beatification of the Servant of God, Laureana "Ka Luring" Franco, Lay Faithful and CatechistGod our lovin...
12/04/2026

Prayer for the Beatification of the Servant of God, Laureana "Ka Luring" Franco, Lay Faithful and Catechist

God our loving Father, we praise, adore, and thank you for sending us witnesses to be our inspirations and examples of Christian life. We thank you for Laureana Franco, your faithful catechist and servant of the Church. She is an inspiration and example for us how to love you and our neighbor through simplicity and humility, and loving service to the "poorest of the poor" of our society.

Through her prayers and example, grant us the grace we now pray to you… (mention your intention).

If it be your will, may she be counted among the Blessed in your Church. so that the Filipinos and all Christians may see and experience your loving mercy through her prayer, life, works, and holiness. We ask this through Jesus Christ, our Lord. Amen.

Our Father... Hail Mary... Glory be...

Isa sa mga larawang kuha sa pagkaka-ospital ni Ka Luring sa Philippine General Hospital. Makikita sa lamesa ang isang da...
11/04/2026

Isa sa mga larawang kuha sa pagkaka-ospital ni Ka Luring sa Philippine General Hospital. Makikita sa lamesa ang isang dasalan ng Mabathalang Awa na ginagamit ni Ka Luring sa kanyang pananalangin habang nasa ospital.

PANALANGIN SA MABATHALANG AWAAko ay lumalapit sa Iyong awa, Mahabaging Diyos, na tanging Ikaw lamang ang mabuti. Kahit a...
11/04/2026

PANALANGIN SA MABATHALANG AWA
Ako ay lumalapit sa Iyong awa, Mahabaging Diyos, na tanging Ikaw lamang ang mabuti. Kahit ang aking mga paghihirap ay Malaki at ang aking pagkakasala ay marami, ako ay nagtitiwala sa Iyong awa sapagkat Ikaw ang Diyos ng Pagka-awa at hindi narinig kailan pa man, o natatandaan man ng langit o lupa na mayroon kaluluwang nagtitiwala sa Iyong awa na Iyong tinanggihan.

O Diyos ng Awa, Ikaw lamang ang makapagbibigay tuwid sa akin at hindi Mo ako tatanggihan kapag ako, nang may mataimtim na pagsisisi, ay lumapit sa Iyong Mahabaging Puso, kung saan wala pang tinanggihang sino man, kahit na siya pa ang pinakamakasalanan. Pagkat ang Iyong Anak ay tiniyak sa akin:”Sa lalong madaling panahon na mawala man ang langit at lupa ang Aking awa ay hindi makalilimot na yumakap sa isang nananalig na kaluluwa.” Amen.

Hesus, Kaibigan ng mapanglaw na puso, Ikaw ang aking pahingahan, Ikaw ang aking kapayapaan. Ikaw ang aking kaligtasan, Ikaw ang aking katahimikan sa panahon ng aking pakikipaghamok at sa gitna ng karagatan ng pag-aalinlangan. Ikaw ang napakaliwanag na sinag na Siyang nagbibigay tanglaw sa landas ng aking buhay. Ikaw ang lahat sa isang mapanglaw na kaluluwa. Naiintindihan Mo ang kaluluwa kahit na ito’y tahimik. Nalalaman Mo ang aming kahinaan at, tulad sa isang magaling na manggagamot, Ikaw ay nagbibigay ng ginhawa at lunas, nag-aalis ng aming paghihirap – Ikaw na Siyang bihasa sa bagay na ito. Amen.

*** Larawan at Dasalan ng Mabathalang Awa na pag-aari ng Lingkod ng Diyos, Laureana "Ka Luring" Franco.

05/04/2026
ALAM MO BA🧐Si Ka Luring ay tagapagdasal o "prayer warrior" ng mga kaparian. Dahil kilala siya bilang madasaling tao, lag...
02/04/2026

ALAM MO BA🧐
Si Ka Luring ay tagapagdasal o "prayer warrior" ng mga kaparian. Dahil kilala siya bilang madasaling tao, laging nilalapitan ng mga pari si Ka Luring upang hingin ang kaniyang panalangin para sa kanilang ministeryo lalo na kapag meron silang suliranin. Ayon sa mga kakilala ni Ka Luring, madalas din siyang ipatawag ni Jaime Cardinal Sin upang humingi ng kaniyang panalangin. Tinutugunan naman ito ni Ka Luring ng matinding pananalangin na may kasamang pagsasakripisyo sa pamamagitan ng pag-aayuno.

Laging laman ng kaniyang mga panalangin ang mga kaparian. Mahal na mahal niya ang mga ito at lagi niyang bilin ay lagi silang ipagdasal at huwag pag-uusapan ng masama.

Nawa'y matularan din natin ang halimbawang ito ni Ka Luring at hilingin natin sa Panginoon na biyayaan pa tayo ng mga pari na hinubog sa pagmamahal ng Panginoon at may may puso para sa pagsisilbi sa kanilang kawan.

"Behind each priest, there is a demon fighting for his fall. If we have the language to criticize them, we must have twice as much to pray for them."
- St. Teresa of Avila

Sa mga bibisita po sa Minor Basilica and Archdiocesan Shrine and Parish of St. Anne, Taguig City sa inyong Visita Iglesi...
01/04/2026

Sa mga bibisita po sa Minor Basilica and Archdiocesan Shrine and Parish of St. Anne, Taguig City sa inyong Visita Iglesia, inaanyayahan po nmin kayong magsulat ng inyong petition prayers sa pamamagitan ng Lingkod ng Diyos, Laureana "Ka Luring" Franco. Matatagpuan po ang Petition Box at Forms po sa gate ng puntod ng Lingkod ng Diyos, Ka Luring.

Servant of God “Ka Luring” goes to Dubai. Meeting with Fr. Lennen and Fr. Rex, ofm cap. and head catechists of St. Mary’...
26/02/2026

Servant of God “Ka Luring” goes to Dubai. Meeting with Fr. Lennen and Fr. Rex, ofm cap. and head catechists of St. Mary’s Parish in Dubai. Promotion of the life and heroic virtues and distribution of prayer cards to Filipino communities. AMDG!

Address

Tahanan Ng Mabuting Pastol, C. Raymundo Avenue, Caniogan
Pasig
1602

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Servant of God Laureana "Ka Luring" Franco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share