27/07/2026
MATATAG NA PAMILYA, MATIBAY NA IGLESYA!
Ang pamilya ay isang banal na institusyong itinatag ng Diyos. Hindi lamang ito grupo ng mga taong magkadugo, kundi isang tahanan kung saan natututuhan ang pag-ibig, pananampalataya, paggalang, at paglilingkod sa Diyos at sa isa’t isa. Kapag ang bawat pamilya ay nakasentro kay Cristo at sa Kanyang salita, magiging matatag ang tahanan na bumubuo ng isang matibay na iglesya.
Kaugnay nito, ang Pasig Central Seventh-day Adventist Church ay malugod na nag-aanyaya sa bawat isa na makibahagi sa isang linggong Evangelistic Crusade na may temang “Matatag na Pamilya, Matibay na Iglesya!” Sama-sama nating pagnilayan ang salita ng Diyos at palalimin ang ating pananampalataya habang pinatitibay ang ating pamilya at iglesya sa pamamagitan ni Cristo.
🗓️ Date: August 23–29, 2026
🕖 Time: 7:00–8:30 PM
📍 Location: Pasig Central SDA Church
Guest Speaker: Pastor Noel S. Galang (CLC President)
Inaanyayahan namin kayong dumalo at makiisa sa gabi-gabing pag-aaral ng salita ng Diyos. Nawa ang pagkakataon na ito ay magdulot sa atin ng malalim na pananampalataya at maranasan ang pag-ibig at biyaya ng Panginoon.
Anyayahan ang inyong pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay, at sama-sama nating higit na makilala ang Panginoon at tanggapin ang pag-asa at kapayapaang dulot Niya. Pagpalain tayong lahat ng Diyos!