15/01/2026
Pray for us... ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Mga kaparokya, ngayon ay ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐๐ฌ - ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐๐๐ง ๐๐ฎ๐๐๐ฌ ๐๐๐๐๐จ! Ngayong unang buwan ng taong 2026, muli nating italaga sa Panginoon, sa tulong ni San Hudas Tadeo, ang ating mga buhayโmga gawain at adhikain, lungkot at ligaya. Nawa sa panalangin ng ating patron ay mas lalo tayong magtiwala sa kalooban ng Diyos, manatiling matatag sa gitna ng mga pagsubok, at maging tapat na saksi ng pag-asa at pag-ibig ni Kristo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
O maluwalhating Apostol, San Hudas Tadeo,
tunay na kaanak nina Hesus at Maria, inihahabilin namin ang aming sarili sa iyong kandili. Ipanalangin mo kami at ipaalala mo sa amin na hindi kami nag-iisa sapagkat kasama namin si Kristo sa aming pakikibaka sa buhay.
Samahan mo kaming manalangin sa Diyos na bigyan kami ng pag-asa sa aming pighati at kalungkutan, tibay ng loob sa mga pagsubok, at pagsanggalang sa sunog, bagyo, baha, lindol, at iba pang mga kalamidad dulot ng kalikasan at gawa ng tao.
Ipanalangin mo kami, San Hudas Tadeo, sa mahabaging Ama na sana ay punuin kami ng biyaya na tanggapin ang lahat ng Kanyang kagustuhan nang walang pagtutol at pagaagam-agam at palalimin ang aming pananampalataya sa Kanyang walang hanggang pagmamahal.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐บ๐๐ ๐ฏ๐๐
๐๐ ๐ป๐๐
๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ at bigyan mo kami ng adhikaing ibahagi ang lahat ng ito sa aming mga kapatid. Amen.
๐บ๐๐ ๐ฏ๐๐
๐๐ ๐ป๐๐
๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!