28/08/2026
ππ π¨π¬ππ¨ ππ - πππ-ππ πππππ ππππππ ππ ππππππππππππ ππ πππππππ ππ πππ πππππ ππ πππππ
Sa utos ng Lub. Kgg. Gabriel M. Reyes, D.D., Arsobispo ng Maynila, ang munting bisita sa noo'y tinatawag na Barrio Santol na nasa pagkandili ni San Roque ay itinatag bilang ganap na parokya na hiwalay sa inang parokya nito, ang Santa Clara de Montefalco. Sa loob ng 75 taon, yumabong sa loob ng pamayanan ng San Roque ang masidhing pananampalataya sa Panginoong nasa Banal na Eukaristiya, ang pamimintuho sa Mahal na Birheng Maria, at ang masidhing pagtawag sa pagkandili ng ating mahal na pintakasi sa ating mga pangangailangan, lalo't higit sa mga sakit ng katawan at kaluluwa.
Muli nating panariwain ngayon ang ating taimtim na pananampalataya sa Diyos, at ang paninindigang maging Kristo para sa iba, sa tulong ng ating mahal na patrong si San Roque.
Maligayang anibersaryo, mga ka-Parokya!
πππ£π, πππΜππ πππ π
πππ’π!
πππ π
πππ’π, ππππ‘ππππ π ππ πππ πππ¦π ππππ‘ ππ‘ πππ ππ ππππ‘, πππππππππππ ππ ππππ!