Peregrinos con Maria

Directions

Peregrinos con Maria Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Peregrinos con Maria, Catholic Church, H. Domingo, Pasay City.

Ang Peregrinos con MarΓ­a (Peregrinos kasama si Maria / Pilgrims with Mary) ay isang laykong samahan sa Lungsod ng Pasay na nakatuon sa pagpapalalim ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa titulong Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Birhen ng Antipolo) at sa paggabay sa mga mananampalataya patungo sa ating Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng kanyang mapag-arugang at mapagmahal na Ina.

08/10/2026
08/10/2026
08/10/2026

Sa harap ng Mahal na Birhen ng Antipolo, buong puso naming iniaalay ang aming mga panalangin, pasasalamat, at mga hangarin. Nawa’y patuloy Mo kaming gabayan, protektahan, at bigyan ng lakas sa bawat pagsubok. Birheng Ina, yakapin Mo kami ng Iyong pagmamahal at ihatid sa liwanag ng Panginoon. Amen. πŸ™πŸ’™

GUSTO MO BANG MAGLINGKOD SA PANGINOON SA KOMUNIDAD?MAGING BAHAGI NG PEREGRINOS CON MARIA! Halina’t makiisa sa isang komu...
08/10/2026

GUSTO MO BANG MAGLINGKOD SA PANGINOON SA KOMUNIDAD?

MAGING BAHAGI NG PEREGRINOS CON MARIA!

Halina’t makiisa sa isang komunidad na sama-samang nananalangin, naglilingkod, at naglalakbay sa pananampalataya kasama ang Mahal na Ina patungo kay Hesus.

Maging bahagi ng PCM! Maging Peregrinos con MarΓ­a!

SUMAMA. MAGLINGKOD. MANALANGIN.
MAGLAKBAY KASAMA SI MARIA.

Para sa mga katanungan o nais maging bahagi ng aming misyon, mangyaring hanapin lamang si Marky Cruz, PCM Membership Head.

❗️Mahalagang Paaalala: Ang Peregrinos con Maria (PCM) ay isang lay-led community prayer group at hindi parish-based ministry o organization. To learn more about us and our community apostolate, please visit: https://canva.link/peregrinos-primer

Maraming salamat sainyo! πŸ₯Ή
07/10/2026

Maraming salamat sainyo! πŸ₯Ή

Mahal ka namin dito sa Anpon Nanay Paz!πŸ’™

Buong Galak ka naming tinatanggap sa Anak ng poong nazareno Anpon remy pasay,bibigyan ka namin ng Maayos at may pag galang na pag trato
tulad ng isang Ina na may kalinga sa kanyang mga anak,kami naman ang iyong mga anak na may kalinga sa kanilang Ina

Patnubayan nawa tayo ng iyong anak na si Jesus.β™₯️

πŸ“Έ:1nonlyjiro PCM,social communications








ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πˆππ€ 𝐍𝐆 π‹π€π†πˆππ† π’π€πŠπ‹πŽπ‹πŽ Sa Ngalan ng Ama, at ng (+) Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. Mahal na Ina ng Laging...
06/10/2026

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πˆππ€ 𝐍𝐆 π‹π€π†πˆππ† π’π€πŠπ‹πŽπ‹πŽ

Sa Ngalan ng Ama, at ng (+) Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Mahal na Ina ng Laging Saklolo,
buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina.

Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito (sa katahimikan, banggitin ang mga kahilingan).

Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't-isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan. Amen.

Masintahing Ina, tulungan mo po kami!

07 OKTUBRE 2026 | Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo RosaryoNgayong araw, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Mah...
06/10/2026

07 OKTUBRE 2026 | Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, isang paanyaya na muling pahalagahan ang panalangin ng Santo Rosaryo.

Sa bawat misteryo ng Rosaryo, kasama ni Maria ay pinagninilayan natin ang buhay ng kanyang Anak na si Hesusβ€”ang Kanyang pagkakatawang-tao, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay.

Ang Rosaryo ay hindi lamang pag-uulit ng mga panalangin. Ito ay panahon upang manahimik, magnilay, at ilapit kay Hesus ang ating buhay kasama ang Mahal na Ina.

Sa ating mga tahanan at komunidad, nawa’y patuloy nating buhayin ang simpleng kaugalian ng sama-samang pagdarasal ng Rosaryo.

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo kami.

Reyna ng Santo Rosaryo, akayin mo kami kay Hesus.

05/10/2026

Tignan | Buwan ng Santo Rosaryo 2026

Ang Hijos del Nazareno - ANPON kaisa ang Peregrinos Con Maria (PCM) ay namuno ng Santo Rosaryo sa Minor Basilica of Jesus Nazareno, St. John the Baptist Parish nitong lunes, Oktubre 5, 2026.

Ang PCM ay lubos na nagpapasalamat sa pagkakataong makiisa sa gawaing ito.

Mahal na Birhen ng Santisimo Rosario, ipanalangin mo kami.

πŸŽ₯: Marky Cruz, PCM Membership Head; Anak Bayan ANPON Remy

05/10/2026

Tignan | Buwan ng Santo Rosaryo 2026

Ang pag-awit ng Himno ng Birhen ng Antipolo ay ginanap tuwing pagkatapos ng pagaalay ng Santo Rosaryo sa tahanan ng Pamilya Rilloraza-Batingan at komunindad ng Tramo, Pasay City

Ang Imahen ay mananatili hanggang October 10, 2026 sa nasabing tahanan at komunidad.

Inaanyayahan po na makiisa tayo sa gawaing itoβ€”lalo na ngayong buwan ng Santo Rosaryo.

Address

H. Domingo
Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Peregrinos con Maria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share