Biblical Apostolate - SJN Malibay

Biblical Apostolate - SJN Malibay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Biblical Apostolate - SJN Malibay, Religious organisation, Pasay City.

24/05/2024
24/05/2024

PAGBASA NGAYONG ARAW
Mayo 25, 2024

Sabado ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Beda, pari at pantas ng Simbahan
o kaya Paggunita kay San Gregorio, papa
o kaya Paggunita kay Santa Maria Magdalena ng Pazzi, dalaga
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

UNANG PAGBASA
Santiago 5, 13-20

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Mga pinakamamahal, may tiisin ba ang sinuman sa inyo? Manalangin siya. May nagagalak? Umawit siya ng papuri sa Diyos. Mayroon bang may sakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng simbahan upang ipanalangin siya at pahiran ng langis, sa ngalan ng Panginoon. At pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya. Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung siya’y nagkasala. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. Si Elias ay taong tulad din natin. Mataimtim niyang idinalangin na huwag umulan, at sa loob ng tatlong taon at anim na buwan ay hindi nga umulan. Muli siyang nanalangin at bumagsak ang ulan, at namunga ang mga halaman.

Mga kapatid, kung nalilihis sa katotohanan ang isa sa inyo at may isang nagpapanumbalik sa kanya – ito ang tandaan ninyo: ang sinumang nagpapanumbalik sa isang makasalanan mula sa kanyang maling pamumuhay ay nagligtas ng kaluluwa nito sa kamatayan, at sa gayo’y napawi ang maraming kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 140, 1-2. 3 at 8

Dalangin ko’y tanggapin mo,
samyong handog na insenso.

Sa iyo, O P**n, ako’y dumadalangin
sa aking pagtawag, ako sana’y dinggin.
Ang aking dalangin sana’y tanggapin mo,
masarap na samyong handog na insenso;
ariing panggabing handog ko sa iyo.

Dalangin ko’y tanggapin mo,
samyong handog na insenso.

O Panginoon ko, bibig ko’y bantayan,
ang mga labi ko’y lagyan mo ng bantay.
Di ako hihinto, n’yaring pananalig,
ang pag-iingat mo’y aking ninanais,
h’wag mong itutulot, buhay ko’y mapatid

Dalangin ko’y tanggapin mo,
samyong handog na insenso.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus nang makita ito, at sinabi sa kanila, “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.” At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

( Mass Readings - awitatpapuri.com)

Reflection

Children held a low status in ancient society, and it was uncommon for them to receive special attention oe recognition from religious leaders. But Jesus emphssizes the importance of children in the kingdom of God declaring that the kingdom belongs to such as these. The statement challenges societal norms and underscores the value that God places on children. It highlights the innocence, humility and faith of children as qualities to be emulated by adults in their relationship with God. Are we being childlike in terms of our trust and confidence of Christ Jesus?
Response

James urges the community to pray for the sick.

🙏 What sick person could use my prayers or help today?

🔥 Jesus, today I will ...

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

- Living with Christ -

-Living with Christ- (www.bayard.ph)

Reflection

Reflect, today, upon a child. Ponder, especially, how a child is dependent upon others. As you do, see yourself similarly as one who must become completely dependent upon God for all that is important in life and for all that ultimately fulfills who you are. Trust in God’s providence and mercy, and allow that childlike trust to place you firmly in the arms of your Father in Heaven.

Loving Father, I turn to You in complete trust as a small child turns to a loving parent. May I never become so self-sufficient that I fool myself into thinking I am capable of finding my own fulfillment in life. Instead, may I always see You as the one and only source of true fulfillment and always trust in You alone. Jesus, I trust in You.

🙏 Life in Christ 🙏

23/05/2024

PAGBASA NGAYONG ARAW
Mayo 24, 2024

Biyernes ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon

UNANG PAGBASA
Santiago 5, 9-12

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Huwag kayong maghinanakitan, mga kapatid, upang hindi kayo hatulan ng Diyos, sapagkat malapit nang dumating ang Hukom. Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa ngalan ng Panginoon. Buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. Sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job, at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Ito’y nagpapakilalang mabuti at mahabagin ang Panginoon.

Ngunit higit sa lahat, mga kapatid, huwag na kayong susumpa kung kayo’y nangangako. Huwag ninyong sabihing, “Saksi ko ang langit,” o “Saksi ko ang lupa,” o ano pa man. Sapat nang sabihin ninyo, “Oo” kung oo at “Hindi” kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 8-9. 11-12

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,
kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;
yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

ALELUYA
Juan 17, 17b

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo,
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtungo sa lupain ng Judea, at nagtuloy sa ibayo ng Ilog Jordan. Muli siyang pinagkalipumpunan ng mga tao, at tulad ng dati’y nagturo sa kanila.

May mga Pariseong lumapit kay Hesus. Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?” Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?” Sumagot naman sila, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito. Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: ‘Nilalang niya silang lalaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya. At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

( Mass Readings - awitatpapuri.com)

Reflection

"Take; this is my body." And he took a cup, and when he had given thanks he gave it to them, and they all drank of it. And he said to them, "This is my blood of the covenant, which is poured out for many. " These actions and words of Jesus tell what is now known as the instutution of the Lord's Supper or Communion a he had given of it. And he said tothe institution of the Lord's Supper or Communion. Jesus establishes a new covenant relationship between God and humanity through his sacrificial death on the cross. The bread symbolizes his body, which will be broken for the forgiveness of sins and the cup represents his blood, which will be shed to ratify the new covenànt? Do we participate in this covenant by receiving Hs blood?

Response

Jesus urges us to cast away whatever might be the cause of sin.

🙏 What in my life might be leading me or others away from Christ?

🔥 Jesus, help me to change ...

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

- Living with Christ -

-Living with Christ- (www.bayard.ph)

Reflect, today, upon any relationship with which you are currently struggling. Reflect, especially, upon whether your approach to communication with that person is more like the crowds or more like the Pharisees. Commit yourself to the approach of seeking open and honest communication and you will find that this commitment brings true resolution, peace and unity.

Lord of all truth, You desire that I always come to You with sincerity, honesty and humility, seeking resolution to every internal question and conflict I face. You call me to approach others with this same depth of communication. Give me the grace to always seek the unity and truth that result in peace of mind and heart. Jesus, I trust in You.

PAGPAPALIWANAG SA UNANG PAGBASA MAYO 23, 2O24
22/05/2024

PAGPAPALIWANAG SA UNANG PAGBASA
MAYO 23, 2O24

First Things First | May 23, 2024WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.Please LIKE, FOLLOW andz SUBSCRIBE our Facebook and Yo...

22/05/2024

PAGBASA NGAYONG ARAW
Mayo 23, 2024

Kapistahan ng Panginoong Hesukristo,
Walang Hanggang at Dakilang Pari (B)

UNANG PAGBASA
Jeremias 31, 31-34

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Sinasabi ng Panginoon, “Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong pakikipagtipan sa Israel at sa Juda. Ito’y di gaya ng tipang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Bagamat sumira sila sa kasunduan namin, nagtiyaga ako sa kanila. Ganito ang gagawin kong tipan sa Israel: Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko sa kanilang mga puso. Ako’y magiging kanilang Diyos at sila ang magiging bayan ko. Hindi na nila kailangang turuan ang isa’t isa upang makilala ang Panginoon; lahat sila, dakila’t hamak ay makakakilala sa akin, sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang maling gawain at hindi ko na gugunitain pa ang kanilang kasalanan.”

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Hebreo 10, 11-18

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Bawat saserdote ay nakatayong naglilingkod araw-araw at naghahandog ng iyon at iyon ding mga hain, subalit hindi makapapawi ng kasalanan ang mga haing iyon. Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog dahil sa mga kasalanan, at ito’y sapat na. Pagkatapos, lumuklok siya sa kanan ng Diyos. At naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. Samakatuwid, sa pamamagitan ng isa lamang paghahandog ay kanyang pinapaging-banal magpakailanman ang mga nililinis niya.

Ang Espiritu Santo’y nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Una’y sinabi niya,
“Ito ang aking magiging tipan sa kanila
pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
Iuukit ko sa kanilang puso ang aking mga utos,
at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga isip.”
At kanya ring sinabi pagkatapos,
“Hindi ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan.”
Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1b-e, 2, 3

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Sinabi ng P**n,
sa Hari ko’t Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko. Hanggang ang kaaway mo
ay lubos na mapasuko, pagkat iyong matatalo.”

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Magmula sa dakong Sion,
ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop;
“At lahat ng kaaway mo’y
sakupin at pagharian,” gayun ang kanyang utos.

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

Sasamahan ka ng madla,
kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway;
magmula sa mga bundok,
lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.

Ika’y paring walang hanggan
katulad ni Melquisedec.

ALELUYA
Hebreo 5, 8-9

Aleluya! Aleluya!
Bagamat siya’y Anak ng Diyos,
natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis.
At nang maganap na niya ito, siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas
ng lahat ng sumusunod sa kanya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 14, 22-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Samantalang sila’y kumakain, dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad. “Kunin ninyo; ito ang aking katawan,” wika niya. Hinawakan niya ang kalis, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat. Sinabi niya, “Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos dahil sa marami. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom ng alak na mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

( Mass Readings - awitatpapuri.com)

Reflection

"Take; this is my body." And he took a cup, and when he had given thanks he gave it to them, and they all drank of it. And he said to them, "This is my blood of the covenant, which is poured out for many. " These actions and words of Jesus tell what is now known as the instutution of the Lord's Supper or Communion a he had given of it. And he said tothe institution of the Lord's Supper or Communion. Jesus establishes a new covenant relationship between God and humanity through his sacrificial death on the cross. The bread symbolizes his body, which will be broken for the forgiveness of sins and the cup represents his blood, which will be shed to ratify the new covenànt? Do we participate in this covenant by receiving Hs blood?

Response

Jesus urges us to cast away whatever might be the cause of sin.

🙏 What in my life might be leading me or others away from Christ?

🔥 Jesus, help me to change ...

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

- Living with Christ -

-Living with Christ- (www.bayard.ph)

Reflection

Reflect, today, upon the important balance that is necessary in the apostolic life. “Balance” does not mean compromise. Rather, it means that we seek to continually bring forth the full truth of the Gospel while also seeking to exercise the fullness of every virtue in the process. Do not become a stumbling block to others in the faith. Seek, instead, to lavish God’s grace and mercy upon those in your life who need it the most. If you do, then many of those little ones will one day become truly strong in the grace and truth of our loving God.

Most merciful Lord, You desire that all of Your children come to the full revelation of Your truth and mercy. Please use me as You choose to reach out to those who struggle with their faith and need to be treated with the utmost care. May I never be a stumbling block to them but always be a bridge to You and Your abundance of grace. Jesus, I trust in You.

🙏 Life in Christ 🙏

21/05/2024

PAGBASA NGAYONG ARAW
Mayo 22, 2024

Miyerkules ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Santa Rita ng Cascia, namamanata sa Diyos

UNANG PAGBASA
Santiago 4, 13-17

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Mga pinakamamahal, pakinggan ninyo ito, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at gayong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal, at kikita nang malaki.” Ni hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Sapagkat ang buhay ninyo’y parang a*o – sandaling lumilitaw at pagdaka’y nawawala. Ito ang dapat ninyong sabihin, “Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon.” Ngunit kayo’y nagmamalaki at nagpapalalo. Masama iyan! Ang nakaaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 48, 2-3. 6-7. 8-10. 11

Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.

Bawat isa ay makinig, makinig ang sino pa man,
kahit saan naroroon ay makinig ang nilalang!
Kahit ikaw ay dakila o aba ang iyong lagay,
makinig na sama-sama ang mahirap at mayaman.

Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.

Hindi ako natatakot sa panahon ng panganib,
kahit pa nga naglipana ang kaaway sa paligid
mga taong naghahambog na sa yaman nananalig,
dahilan sa yaman nila’y tumaas ang pag-iisip.

Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.

Hindi kaya ng sinumang ang sarili ay matubos,
hindi kayang mabayara’t tubusin sa kamay ng Diyos;
ang bayad sa kanyang buhay ay halagang sakdal taas;
gaano man ang halagang hawak niya’y hindi sapat
upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakas
at sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.

Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.

Ang lahat ay namamatay, ito nama’y alam n’ya,
maging mangmang o marunong, kahit hangal, pati tanga;
yaman nila’y maiiwan, sa lahi na magmamana.

Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 38-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

( Mass Readings - awitatpapuri.com)

Reflection

Christ's response challenges the disciples' narrow perspective and corrects their misunderstanding. He tells them not to stop the man because no one who performs a miracle in Jesus name can speak evil of him. This statement emphasizes the importance of recognizing and affirming the work of God, even when it happens outside of our immediate circle or understanding. "Whoever is not against us is for us." This reinforces the inclusive nature of Jesus' ministry and the universal scope of God's kingdom. It suggests that those who align themselves with the cause of Christ, regardless of their affiliation or background, are to be considered allies rather than adversaries.

Response

Jesus looks at a person's actions as a good indicator of his or her commitment.

🙏 What actions reveal my full commitment to Jesus?

🔥 Jesus, help me to ...

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

- Living with Christ -

-Living with Christ- (www.bayard.ph)

Reflection

Reflect upon the simple truth that every Christian is on the same spiritual team. We are all called to work toward the goals of the glory of God and the salvation of souls. Try to humbly think about those in your life who do this well and consider your attitude toward them. If you see any form of jealousy, envy or criticism, commit to dispel those attitudes. Instead, seek to have gratitude as you rejoice in the many ways that God uses others for His purpose.

Lord of power and might, You accomplish countless good through the generosity and fidelity of Your people. You constantly use all who follow You to bring forth Your will. Please use me, dear Lord, as an instrument as You will, and help me to always rejoice in the ways that You bring Your grace forth through others. Jesus, I trust in You.

🙏 Life in Christ 🙏

20/05/2024

PAGBASA NGAYONG ARAW
Mayo 21, 2024

Martes ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay San Kristofero Magallanes, pari at martir, at mga kasama, mga martir
o kaya Paggunita kay San Eugenio de Mazenod, Obispo

UNANG PAGBASA
Santiago 4, 1-10

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

Mga pinakamamahal, ano ang pinagmumulan ng inyong alitan at paglalaban-laban? Hindi ba’t ang masasamang nasa na namumugad sa kalooban ng bawat isa sa inyo, at pawang nagkakalaban-laban? Mayroon kayong pinakamimithi ngunit hindi ninyo makamtan, kaya’t papatay kayo kung kailangan, mapasainyo lamang ito. Dahil sa inyong pag-iimbot sa mga bagay na hindi inyo, kayo’y nagkakagalit at naglalaban-laban, sapagkat hindi kayo humihingi sa Diyos. At humingi man kayo, wala rin kayong natatanggap, sapagkat masama ang inyong layunin — humihingi kayo upang gamitin sa kalayawan. Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag kinaibigan ninyo ang sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Kaya’t sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos. Baka naman ang akala ninyo’y walang kabuluhan ang nasasaad sa Kasulatan na, “Napakarubdob ng pag-ibig ng Diyos sa espiritung ibinigay niya sa atin, at ayaw niya ng mga kaagaw sa ating pag-ibig.” Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay sa atin ng Diyos. Sapagkat ang sabi sa Kasulatan: “Ang Diyos ay laban sa mga palalo, ngunit tumutulong sa mga mapagkumbaba.” Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip. Mamighati kayo, maghinagpis at tumangis! palitan ninyo ang pagluha ang inyong halakhakan, at ng kapanglawan ang inyong kagalakan! Magpakababa kayo sa harapan ng Panginoon at itataas niya kayo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 54, 7-8. 9-10a. 10b-11a. 23

Ilagak ang suliranin
sa Diyos na matulungin.

Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak,
parang kalapati, ako ay lilipad;
ako ay hahanap ng dakong panatag.
Aking liliparin ang malayong lugar
at doon sa ilang ako mananahan.

Ilagak ang suliranin
sa Diyos na matulungin.

Ako ay hahanap agad ng kanlungan
upang makaiwas sa bagyong daratal.”
Sila ay wasakin, P**n, guluhin mo;
pag-uusap nila’y bayaang malito.

Ilagak ang suliranin
sa Diyos na matulungin.

Yamang karahasan ang nakikita ko,
at sa lungsod nila ay nagkakagulo.
Sa lungsod na puno ng sama’t ligalig,
araw-gabi’y doon sila lumiligid.

Ilagak ang suliranin
sa Diyos na matulungin.

Ilagak sa P**n yaong suliranin
at ikaw ay hindi niya bibiguin,
hindi babayaan ang taong magaling.

Ilagak ang suliranin
sa Diyos na matulungin.

ALELUYA
Galacia 6, 14

Aleluya! Aleluya!
Sa krus ni Kristo dinangal
itong ating pamumuhay
na para sa kanya lamang.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 30-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, sina Hesus at ang kanyang mga alagad ay nagdaan sa Galilea. Ayaw ni Hesus na malaman ito ng mga tao, sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. Sinabi niya: “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin, ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.” Hindi nila naunawaan ang sinabi niya, ngunit natatakot naman silang magtanong sa kanya.

At dumating sila sa Capernaum. Nang sila’y nasa bahay na, tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, “Ano ba’ng pinagtatalunan ninyo sa daan?” Hindi sila kumibo, sapagkat ang pinagtatalunan nila’y kung sino sa kanila ang pinakadakila. Naupo si Hesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Tinawag niya ang isang maliit na bata, at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi, “Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang tulad nito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumanggap sa akin — hindi ako ang kanyang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

( Mass Readings - awitatpapuri.com)

Reflection

Jesus and his disciples are on a journey through Galilee, and Jesus takes the opportunity to teach his disciples privately. He tells them about his impending betrayal, death, and resurrection. Despite hearing this, the disciples do not understand and are afraid to ask Jesus for clarification. This lack of understanding and fear reflects the disciples' struggle to grasp the depth of Jesus' mission and the significance of his sacrificial death. Like the disciples, sufferings and death paralyze us. What are the things that we want to offer to Christ?

Response

Jesus declares that true greatness comes through service.

🙏 What service can I do today?

🔥 Jesus, today I will ...

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

- Living with Christ -

-Living with Christ- (www.bayard.ph)

Reflection

Reflect, today, upon the fact that our Lord wants to draw you into silence and solitude from time to time. He wants to spend time with you alone. This is especially the case for those who have chosen to fully devote their lives to Him and His mission. If that is you, then seek out these moments of solitude in which our Lord can speak more clearly and directly to you so that your faith will deepen and your understanding and knowledge will grow by leaps and bounds.

Lord, You have so much to say, so much to teach and so much to reveal. As I choose to follow You and devote my entire life to You, I pray that You will continuously draw me into greater silence and solitude so that I can receive from You the deep, clear and direct messages that I need to hear, understand and believe. Jesus, I trust in You.

🙏 Life in Christ 🙏

PAGPAPALIWANAG SA UNANG PAGBASA MAYO 20, 2024
19/05/2024

PAGPAPALIWANAG SA UNANG PAGBASA
MAYO 20, 2024

First Things First | May 20, 2024WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.Please LIKE, FOLLOW andz SUBSCRIBE our Facebook and Yo...

Address

Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Biblical Apostolate - SJN Malibay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share