19/04/2023
We are deeply saddened to hear of the passing of our beloved pastor Cristopher Solis. He was a true inspiration to so many of us and his loss will be deeply felt by all who knew him.
He dedicated his life to serving God, Kaibigans, and his community, and his unwavering faith and compassion touched the lives of so many. His legacy will live on in the countless lives he touched and the countless hearts he uplifted.
To his family and loved ones specially Lanilyn Valencia Solis, We offer our sincere condolences and prayers during this difficult time. May God comfort and strengthen you, and may you find solace in the knowledge that our beloved pastor has found his eternal rest in the arms of his Creator.
Rest in peace, dear pastor. You will be sorely missed but never forgotten.
"PATULOY KA LANG MAGPAKATATAG KAPATID!'
1 Peter 5: 7-14
Associate Pastor Cristopher Solis
"Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo. Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila. Huwag kayong matatakot sa kanya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng ganitong kahirapan, kundi pati ang inyong mga kapatid sa buong daigdig. Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen. Sinulatan ko kayo sa tulong ni Silas, na isa nating kapatid at lubos kong pinagkakatiwalaan. Sa pamamagitan ng maikling sulat na ito ay nais kong palakasin ang inyong loob at magpatotoo tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Manatili kayo sa pagpapalang ito. Kinukumusta kayo ng mga kapatid na nasa Babilonia, mga pinili ring katulad ninyo; kinukumusta rin kayo ni Marcos, ang mahal kong anak sa pananampalataya. Buong giliw kayong magbatian bilang magkakapatid kay Cristo. Ang kapayapaan ay sumainyong lahat na mga tagasunod ni Cristo."
1 Pedro 5:7-14
Bilang mga Kristyano - tayo ay nakakaranas parin ng paghihirap o pagsubok.
Ang Diyos ay patas.
Nakakaranas tayo ng sufferings at habang tumatagal ang sufferings natin - doon pumapasok ang temptations.
- Kapag hindi na natin kinakaya ang mga ito - nasasabi natin sa ating sarili na "Lord ayoko na, napapagod na ako, hindi ko na kaya".
- Pinagduduhan natin ang kapangyarihan ng Diyos.
Ang Diyos natin ay sapat. Hindi niya tayo iiwan ni pababayaan.
"Cast your anxieties to God".
Hindi ito ang passive approach na "Let Go and Let Go"
- ito ay moment by moment
Sa buhay Kristyano, tayo ay nadadapa.
Patuloy lamang tayong kumapit sa Diyos.
Now, brothers and sisters, I want to remind you of the gospel I preached to you, which you received and on which you have taken your stand.
1 Corinthians 15:1
Mapagtatagumpayan natin ang gawa ng kaaway sa pagiging firm natin sa ating pananampalataya sa Panginoon.
Ang gospel ay hindi lamang sa simula - kundi hanggang wakas ng ating mga buhay.
I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.
2 Timothy 4:7
It's me against the world?
- No, hindi buong mundo ang kumakalaban sa atin. Atin itong ipagkatiwala sa Panginoon
I. MAYROON KANG KAAWAY NA GUSTO KANG IBAGSAK.
Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.
1 Pedro 5:8
- Si Satanas ang ating kaaway.
Kapag humble ka, naaligid lang ang kaaway.
Ngunit kung ikaw ay mapagmataas, lagi siyang sumasakmal sayo.
Kung saan ka mahina, ito ang sandatang ginagamit niya upang ikaw ay pabagsakin.
Ginagamit niya ito upang ikaw ay mahumaling sa kasalan, upang ikaw ay magduda sa kapangyarihan ng Diyos.
Huwag kang matakot, be sober-minded, be watchful.
- Hindi dapat tayong maging kampante.
- Ngayong nanatili tayo sa bahay, nararapat na mas maging mapagmatyag tayo. Dahil mas marami tayong time - baka nagpapaeasy easy lang tayo at lumalamig ang ating relasyon sa Diyos - mas nakakapagfocus tayo sa mga kung ano-anong distractions.
- Manatili tayong magtiwala sa Salita ng Diyos.
Maging Mindful tayo sa ating mga nararanasan.
II. MAYROON KANG KASAMA SA LABANG ITO.
Hindi ka nag-iisa sa iyong paghihirap, pagkabalisa, kalungkutan.
"Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan ninyo si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid nʼyo kay Cristo sa buong mundo. Nararanasan din nila ang mga paghihirap na ito."
1 Pedro 5:9
Kasama mo ang mga kapatid na nananampalataya sa Diyos.
You are not a lone soldier.
Kasama natin ang Panginoong Diyos sa lahat ng oras.
Bagama't kasama natin ang ating mga kapatid ..
We don't put our faith sa mga kasama natin, pastor, presidente natin. - maaari tayong magkasakitan o matisod.
III. MAYROON KANG KASANGGA NA TATAPOS SA LABANG ITO
Kung ikaw ay nagtitiwala sa Diyos, mayroon kang kasangga sa labang ito - Ang Panginoon at ang Kanyang grasya.
Bakit hindi sapat ang ating mga pamilya, kapatiran, pastor, - matatapos ang lahat ng ating paghihirap ..
He is the God of Grace.
"Dahil sa biyaya niya, pinili Ka Niyang mahalin".
Kahit hindi tayo katanggap tanggap - pinili Niya pa rin tayo.
Pinili ka Niyang mahalin, kahit ano ang pagkukulang mo.
Sino ba tayo para makaranas ng biyaya ng Diyos.
Dahil sa biyaya Niya, isinugo Niya ang Panginoong Hesus.
Dahil sa Biyaya Niya, ibinilang ka Niya sa biyaya Pamilya ng Diyos.
"Suffering is not the last chapter in the story, God is".
"Huwag mong hintaying matapos ang paghihirap mo bago ka magpuri sa Kanya, even in the midst of sufferings, worship Him".