16/08/2026
AUGUST 16 || FEAST OF SAN ROQUE
O Mapalad na San Roque, Patron ng mga maysakit, Maawa ka sa mga nakahimlay sa banig ng karamdaman.
Napakadakila ng iyong kapangyarihan noong ikaw ay nabubuhay sa mundong ito, na sa pamamagitan ng tanda ng Krus, marami ang napagaling sa kanilang mga karamdaman. Ngayon na ikaw ay nasa langit, hindi nababawasan ang iyong kapangyarihan. Kaya’t ialay mo sa Diyos ang aming mga buntong-hininga at luha, at ipagkaloob mo sa amin ang kagalingang aming hinahangad, sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Amen.
San Roque Ipanalangin mo kami! 🙏🏻
VIVA SAN ROQUE!!!