Friendly Youth

Friendly Youth Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Friendly Youth, Pasay City.

03/04/2013

Succesful project with Friendly Youth. Sponsored by Ms.Christine Concepcion

Succesful project with Friendly Youth. Sponsored by Ms.Christine Concepcion
03/04/2013

Succesful project with Friendly Youth. Sponsored by Ms.Christine Concepcion

10/02/2013

PROJECT on March 31 - Sunday
50 Beneficiaries
With 7,000 budget already!
Text me for more updates @ 0927-778-2080 / 0923-741-61-04

10/11/2012

Liham ni Nanay at Tatay sa Anak

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng
sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag
mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag
mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan
mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na
rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng k**a kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag
may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam
kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan
kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan
mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang aking k**ay at bigyan mo ako ng lakas ng
loob na harapin ang k**atayan.

At huwag kang mag-alala, kapag
kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain
ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

(This was given to us during our college retreat at naiyak tagala ako. Try to realize everything.-chezter)
Share yours!!....

10/11/2012

Condolence to our beloved friends Ruth Cabutin's mother, Reah Mae Barias's Father and Dexter Peraja's Mother.

May your Parents rest in Peace. God bless you and your family.

14/08/2012

Magandang araw mga kaibigan at mga kapatid!
Ikaw ay inimbitahan ng Friendly Youth Organization sa TEAM BUILDING sa darating na Agosto 18, 2012 – Sabado, 6:30 ng umaga hangang 3:00 ng hapon. Ang paggaganapan ay sa Sta. Rita de Casia covered court o di kaya ay sa Nayong Pilipino depende sa kondisyon ng panahon.
Ito ay sa para paghandaan ang idaraos na proyektong pang anibersayo ng organisasyon para sa kapuspalad nating mga kapatid. Matutulungan nito ang mga magsisipagdalo na magkaroon ng “pagkakaisa sa pagbibigay pag-asa sa kapwa at may malalim na pananampalataya sa diyos.”
Inaasahan naming na ang lahat ay makadalo at makiisa. Aming sinisiguro ang inyong seguridad ay palaging prayoridad.

Address

Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Friendly Youth posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share