02/05/2026
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฅ ๐๐๐ฒ๐จ 3, 2026 โ ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ | ๐๐ค๐-5 ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Unang Pagbasa: Mga Gawa 6:1-7 || Salmong Tugunan: Salmo 33
Ikalawang Pagbasa: 1 Pedro 2: 4-9
# LinggoNgPanginoon
Ebanghelyo: Juan 14:1-12
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โHuwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindiโy hindi ko sana sinabi sa inyong: โPapunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.โ At kapag nakapunta na ako at nakapaghanda ng lugar para sa inyo, muli akong darating at isasama ko kayo sa akin upang kung saan ako naroon, gayon din naman kayo.
โAt alam nโyo ang daan sa pupuntahan ko.โ Sinabi sa kanya ni Tomas: โPanginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malalaman ang daan?โ โAko siyang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko.โ Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala nโyo na siya at nakita nโyo na siya.โ
Sinabi sa kanya ni Felipe: โPanginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.โ Sumagot sa kanya si Hesus: โDiyataโt matagal na panahon nโyo na akong kasama at hindi mo pa ako kilala Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang Ama ang nakita niya. Paano mong masasabi: โIturo mo sa amin ang Amaโ?
โHindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang aking binibigkas. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa.
โTalagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta.โ
Pagninilay:
Ngayon, sanay na tayo sa GPS. Ilang pindot lang sa cellphone, alam na natin kung saan liliko, gaano kalayo, at gaano katagal ang biyahe. Parang gusto natin, malinaw lahatโwalang kaba, walang tanong. Pero dati, kapag hindi mo alam ang daan, wala kang ibang choice Kundi magtanong. Hahanap ka ng taong mapagtatanungan. At kapag mabait ang napagtanungan mo, hindi lang siya magtuturoโsasamahan ka pa niya, gagabayan ka hanggang makarating ka sa tamang pupuntahan.
Sa Mabuting Balita ngayon, parang ganito rin ang hinahanap ng mga alagad. Gusto nila ng direksyon, ng kasiguruhan, at ng malinaw na sagot kung saan pupunta. Pero ang sagot ni Jesus ay hindi direksyon kundi relasyon: โAko ang daan.โ
Hindi Niya sinabing, โItuturo Ko sa inyo ang daan.โ Ang sabi Niya, Siya mismo ang daan. Parang sinasabi Niya: Huwag kang mag-alala kung hindi mo kabisado ang lahatโ sumama ka sa Akin, at ihahatid Kita.
Ang pananampalataya, kung gayon, ay hindi parang paggamit ng GPS na hawak mo ang kontrol. Mas kahawig ito ng paglalakad kasama ang isang taong pinagkakatiwalaan mo. Hindi mo man alam ang bawat liko, panatag ka dahil may kasama kang nakakaalam.
Maaaring hindi malinaw ang bukas. Maaaring may kaba, may tanong, at may pag-alinlangan. Pero kung kasama natin si Kristo, hindi tayo nawawala. Hindi Niya tayo iiwan sa gitna ng daanโsasamahan Niya tayo hanggang makarating tayo sa dapat nating puntahan. Maaaring maraming duda at kalabuan sa ating daan, pero may isang bagay na tiyak: may kasama tayo, at makakaasa tayong nasa tamang daan, bastaโt siyaโy ating susundan. Magnilay tayo; Kapatid, sa paglalakbay ng buhay mo ngayon, GPS ba ang hinahanap moโo handa kang sumama kay Kristo na siyang tunay na daan? - Fr. Albert Garong, ssp | Society of St. Paul