19/08/2026
Ang pag-aasawa ay isang paraan ng pagsasanay, hindi isang tropeo.
Bago pa ito maging bukal ng saya, ginhawa, at pagsasama, ito muna ay isang paaralan.
At tulad ng isang paaralan, hindi sapat na pumapasok ka lang. Hindi ka basta gagantimpalaan dahil nandiyan ka.
Sa halip, hinahamon ka nito, itinutuwid ka, at hinuhubog ka upang maging isang taong hindi mo pa dating ikaw.
Bawat mahirap na panahon sa pagsasama ay may itinuturo sa iyo—mga bagay na maaaring hindi mo matututunan kung nag-iisa ka.
Ang mahalin ang iyong asawa kahit sa mga panahong parang wala siyang ginagawang dahilan para mahalin siya.
Ang magpatawad muli, kahit paulit-ulit na ninyo itong napag-uusapan.
Ang manatiling tapat, hindi lamang sa katawan, kundi pati sa iyong oras, atensyon, at paninindigan—kahit sa mga araw na mas madaling lumayo o mawalan ng pakialam.
Hindi madaling gawin ang mga ito. Hindi ito likas na madali para sa atin.
Pero ang pag-aasawa ang unti-unting nagtuturo nito sa atin. Paulit-ulit, araw-araw, hanggang sa ang pagsasakripisyo ay hindi na lamang isang mabigat na tungkulin, kundi maging bahagi na ng taong unti-unti nating nagiging.
Sabi sa Efeso 5:25, dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang mga asawa tulad ng pagmamahal ni Cristo sa Simbahan at kung paano Niya ibinigay ang Kanyang sarili para dito.
Hindi lang ito utos para sa mag-asawa. Ito ay isang paraan ng pagsunod kay Cristo at pagiging tunay Niyang alagad.
Ang mga bagay na itinuturo sa atin ng pag-aasawa—ang magmahal nang may sakripisyo, magpatawad nang paulit-ulit, at manatiling tapat kahit mahirap—ay siya ring mga bagay na hinihingi sa atin ni Cristo bilang mga mananampalataya.
Magmahal kahit kailangan mong magsakripisyo.
Magpatawad kahit paulit-ulit.
Manatiling tapat kahit mahirap.
Dahil sa pag-aasawa, hindi lang tayo natutong maging mabuting asawa.
Unti-unti rin tayong hinuhubog upang maging mas mabuting tao at mas mabuting alagad ni Cristo.
https://www.facebook.com/share/18NE5sNhB7/
Marriage is a training tool, not a trophy.
Long before it becomes a source of joy, comfort, or partnership, it is first a school.
And like every school, it does not simply reward you for showing up.
It stretches you, corrects you, and shapes you into someone you were not before.
Every hard season in marriage is teaching you something you would not have learned alone.
Loving a spouse when they have done nothing to deserve it.
Forgiving them again after the same conversation you have had before.
Staying faithful, not just physically, but in attention and commitment, on the days it would be easier to check out. None of this comes naturally.
Marriage builds it in you, repetition by repetition, until sacrifice starts to feel less like a burden and more like who you are becoming.
Ephesians 5:25 says husbands are to love their wives just as Christ loved the church and gave Himself up for her.
That is not a marriage-only command. It is a discipleship pattern.
What marriage trains you to do for a spouse is exactly what Christ has always asked every believer to do for Him and for others, love that costs something, forgiveness that keeps extending, and faithfulness that does not depend on how the other person is behaving.
*Loving a spouse sacrificially, forgiving them repeatedly, and staying faithful when it is hard.*