Christ Appointed Chosen Community Church

Christ Appointed Chosen Community Church Religious Center

27/10/2022

LIHAM PARA KAY PASTOR

Kamusta ka na? Nanghihina ka na ba? Marahil nagtataka Ka dahil ngayon lang sa iyo'y may nangumusta. Ang tingin kasi ng lahat, malakas ka, hindi nanghihina, laging masaya, walang problema. Dahil sa tuwing may malungkot, iyo silang pinasisigla, pinalakas ang loob ng mga nanghihina at kung may nadarapa, binibigyan mo ng pag-asa sa pamamagitan ng SALITA ng DAKILANG MAY LIKHA.

Maraming panahon na rin ang lumipas na, mula nang ikaw ay tumugon sa panawagan ng Dios na lumikha. Noong una, ikaw ay nahirapan dahil tutol dito ang iyong mga magulang, at kahit masakit sa iyong kalooban, sila ay iyong sinuway at nilisan, upang harapin ang tungkuling hindi mo alam ang patutunguhan.

Nilimot mo ang iyong pangarap. Maraming nanghinayang dahil maganda raw ang iyong hinaharap. Maraming nagalit, nainis, napoot, dahil ikaw na syang inaasahan na mag-aahon sa kanila sa kahirapan, ay tumalikod at sinunod ang landas na sinasabi mong panawagan.

Nakapanghihinayang at nangyari na nga. Napadpad ka sa landas na iyong pinili. Landas na di mo mawari. Napakaraming sinasabi. Hindi mo tuloy alam kung ano ang gagawin sa sarili.

Noong ikaw ay pastor na bata-bata pa, bihira ang naniniwala dahil sa karanasan, ikaw raw ay kulang pa, ngayon namang ika'y medyo tumanda na, hindi ka raw nababagay sa mga nakababata. Maraming pumupula noong ikaw ay payat pa, hindi ka raw pinagpapala. Noon namang nagpataba, pinangkakain lang daw ang pera ng iglesya.

Kapag binabasa mo raw ang iyong preaching, hindi mo raw ito sariling gawa. Kapag hindi nakalikha ng magandang outline duda nila, hindi ka nakapaghanda. Kapag nakatutok ka sa mga mahirap at dukha sa iglesya, nagpapakabayani ka. Kapag sa mayayaman naman, nagkukunwari ka. Kapag may iminumungkahi para sa ikakaganda, diktador ka. Kapag hindi ka naman nagsasalita, ang sabi nila, wala kang ginagawa.

Kapag pinuna mo ang mali, masitahin ka. Kapag hindi mo pinupuna ang mali, konsentidor ka.

Kapag nakalimutan mong batiin ang miyembro, sinasaktan mo ang damdamin nila. Kapag lahat naman ay iyong binati, nagpapakaplastic ka.

Kapag nagpreach ka patungkol sa ikapu o pagbibigay, sakim ka raw sa pera. Kapag hindi mo tinuro ang pagbibigay, hindi mo raw pinapalago ang iglesya.

Noong ang sasakyan mo ay lumang-luma, "ano ba naman yan kakahiya". Ngayong bago at modelo ang iyong sasakyan, makamundo ka. Kapag laging ikaw ang tagapagsalita, nakakasawa. Kapag ikaw ay nag-iimbita ng tagapagsalita, tungkulin mo ay pinapasa sa iba.

Nakakalito na di ba?

Ang hirap ng iyong ginagawa. Kaya ngayon heto, gusto mong mag QUIT na. Talikuran ang panawagang tinugon mo mula sa Ama. Wala naman kasi ang sayo'y nakadarama at nakakaunawa. Hindi nila alam, puso mo'y duguan na. Hindi nila alam kung nalulungkot ka. Hindi nila alam kung nagugutom ka. Hindi nila alam kung nasasaktan ka. Hindi nila alam kung susuko kana. Dahil ikaw ang laging nagbibigay ng pag-asa. Dahil ikaw ang laging inaasahan nila.

Bawal ang magpakita ng kahinaan. Bawal ang magpakita na ikaw ay luhaan. Gusto mo nang lumisan, at pumunta sa landas ng iba na walang masyadong pumupuna. Balikan ang pangarap mo, yung kikita ka ng para sa iyo at may malaking pera sa bulsa mo. Bumalik ka sa mundo na gustong gusto noon ng mga magulang mo.

Pero sandali...

Bago mo gawin yan, nais ko munang magpasalamat sa iyo. Ako ang batang gusgusin noon, batang walang pumapansin. Naalala mo pa ba noong nag-aaral ka pa sa Bible school? Ikaw yung naging Sunday School teacher ko. Nakikikanta kasabay ng paggigigitara mong sintunado at wala sa tono. Kinukwentuhan mo ng tungkol kay Kristo at Siya nga ay tinanggap ko.

Marahil hindi mo na ako kilala. Isa na akong manggagawa ng Dios ngayon, ginagaya ko na ang mga ginagawa mo noon. Marami na akong naakay kay Kristo, dahil nakita ko ang dedikasyon mo. Naniniwala ako sa mga itinuro mo. Sana ay huwag kang sumuko. Dahil marami pa, marami pa ang kagaya ko. Kagaya kong naniniwala sa iyo.

SALAMAT SA IYO PASTOR..huwag ka pong susuko..

- from THE SERVANTS page.

28/08/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || AUGUST 28, 2022 THE SEVEN TRUMPETS & SEVEN BOWLS (REPLAY)

17/04/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || APRIL 17, 2022 BY PTR. ARMANDO S. MAGBANUA || TOPIC: NEAR THE CROSS

10/04/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || APRIL 10, 2022 BY PTR. ARMANDO S. MAGBANUA || TOPIC: THE SUPER SIZE HAPPY MEAL

03/04/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || APRIL 3, 2022 BY PTR. ARMANDO S. MAGBANUA

20/03/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || MARCH 20, 2022 BY PTR. ARMANDO S. MAGBANUA || TOPIC: THE MINISTER LIST IN CHRIST

13/03/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || MARCH 13, 2022 BY PTR. ARMANDO S. MAGBANUA || TOPIC: HOW TO GAIN A FEW POUNDS

Romans 16:20"The God of peace will soon crush Satan under your feet. The grace of our Lord Jesus be with you."
02/03/2022

Romans 16:20
"The God of peace will soon crush Satan under your feet. The grace of our Lord Jesus be with you."

27/02/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || FEBRUARY 27, 2022 BY PTR. ARMANDO S. MAGBANUA || TOPIC: Down but not out

20/02/2022

ONLINE SUNDAY SERVICE || FEBRUARY 20, 2022 BY PTR. ARMANDO S. MAGBANUA || TOPIC: HOW CHRISTIAN SHOULD CELEBRATE VALENTINES?

Address

Zamora Street
Pasay City
1300

Telephone

+639295455390

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ Appointed Chosen Community Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share