22/05/2023
𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗚𝗥𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡
𝘿𝙃𝙐𝙇-𝙌𝘼'𝘿𝘼𝙃 (11𝙏𝙃),
𝘿𝙃𝙐𝙇-𝙃𝙄𝙅𝙅𝘼𝙃 (12𝙏𝙃),
𝙈𝙐𝙃𝘼𝙍𝙍𝘼𝙈 (1𝙎𝙏),
𝘼𝙏 𝙍𝘼𝙅𝘼𝘽 𝙉𝘼 𝙄𝙆𝘼 7𝙏𝙃 𝙈𝙊𝙉𝙏𝙃 𝙉𝙂 𝙃𝙄𝙅𝙍𝘼𝙃 𝘾𝘼𝙇𝙀𝙉𝘿𝘼𝙍
Mahigpit na ipinagbabawal dito ng Allah ang paggawa ng mga katiwalian, kasamaan at paglabag sa sarili at iba pa na paglagpas sa mga hangganan ng Islam. At ito ay mas matindi kaysa sa ibang mga buwan. Bagamat lahat ng ito ay ipinagbabawal sa lahat ng panahon, ngunit sa mga sagradong buwan na ito ay mas matindi.
Ganundin ang mga kabutihan sa mga sagradong buwan na ito ay mas dakila ang mga gantimpala, ayon sa tafsir ng ayah na ito ni Ibnu 'Abbàs (رضي الله عنهما) at iba pa.
Ito'y binanggit ng Allah sa Qur'ān - at ganundin naman ng Nabi ﷺ sa mga hadith sahih na isinalaysay ni Abu Bakrah Nufay' bin Al-Hàith Ath-Tahaqafì, at iba pa (رضي الله عنهم).
Sinabi ng Allah sa Qur'ān:
إِنَّ عِدَّةَ ٱلشُّهُورِ عِندَ ٱللَّهِ ٱثۡنَا عَشَرَ شَهۡرًا فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ يَوۡمَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ مِنۡهَآ أَرۡبَعَةٌ حُرُمٌ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُۚ فَلَا تَظۡلِمُواْ فِيهِنَّ أَنفُسَكُمۡۚ وَقَٰتِلُواْ ٱلۡمُشۡرِكِينَ كَآفَّةً كَمَا يُقَٰتِلُونَكُمۡ كَآفَّةً وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ
Katiyakan, ang bilang ng mga buwan sa batas ng Allâh at sa nakatala sa Al-Lawh Al-Mahfoudh ay labingdalawang buwan, mula sa araw na nilikha ang mga kalangitan at ang kalupaan, at kabilang dito ang apat na Sagradong buwan na ipinagbabawal ng Allâh ang pakikipaglaban, ito ay: Dhul Qa`dah, Dhul Hijjah, Muharram at saka Rajab.
At ito ang Matuwid na Relihiyon, na kung kaya, huwag maliin ang inyong mga sarili; na kayo ay makagawa ng mga kasalanan sa mga buwang ito dahil mas matindi ang parusa sa mga kasalanan na nagagawa sa mga panahong ito. At ang pagbabawal ng pang-aapi o pagsasagawa ng kasamaan sa mga panahong ito dahil sa matinding pinsala ang idinudulot nito sa tao ay hindi nangangahulugan na ipinahintulot ang pagsagawa nito sa ibang panahon.
At makipaglaban kayo sa mga sumasamba ng iba bukod sa Allâh, sa kanilang lahat-lahat, na katulad ng pakikipaglaban nilang lahat sa inyo, at dapat ninyong mabatid na ang Allâh ay kasama Niya ang mga may takot sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang pagtulong at pagtaguyod.
(Surah At-Tawbah: 36)
Sa Khutbah ng Nabi ﷺ sa kanyang huling Hajj noong ika-10 ng Hijrah doon sa 'Arafah at ganundin sa Araw ng Eidl-Adha na isinalaysay ni Abu Bakrah Nufay' bin Al-Harith (رضي الله عنه),
sinabi ng Nabi ﷺ:
إِنَّ الزَّمَانَ قَدِ اسْتَدَارَ كَهَيْئَتِهِ يَوْمَ خَلَقَ اللَّه السَّماواتِ والأَرْضَ: السَّنةُ اثْنَا عَشَر شَهْرًا، مِنْهَا أَرْبَعَةٌ حُرُم: ثَلاثٌ مُتَوَالِيَاتٌ: ذُو الْقعْدة، وَذو الْحجَّةِ، والْمُحرَّمُ، وَرجُب مُضَر الَّذِي بَيْنَ جُمادَى وَشَعْبَانَ، أَيُّ شَهْرٍ هَذَا؟
"Tunay na ang panahon ay umiikot at nakumpleto ang kanyang cycle sa kanyang kalagayan magmula noong araw nang nilikha ng Allah ang mga kalangitan at kalupaan: Ang taon ay labindalawang buwan, apat dito ay sagrado: tatlo ang magkakasunod: Dhul-Qa'dah, ang Dhul-Hijjah at ang Muharram, at ang buwan ng Rajab ng Mudhar na nasa pagitan ng buwan ng Jumâdà at Sha'bân. Anong buwan nga ba ito?
قلْنَا: اللَّه ورسُولُهُ أَعْلَم، فَسكَتَ حَتَّى ظنَنَّا أَنَّهُ سَيُسمِّيهِ بِغَيْرِ اسْمِهِ.
Sinabi namin: Ang Allah at Kanyang Rasul ang higit na Nakakaalam.
Kaya't siya'y tumahimik hanggang sa inaakala namin na kanya iyong tatawagin nang ibang pangalan.
قَالَ: أَليْس ذَا الْحِجَّةِ؟
Sabi niya: "Hindi ba't Dhul-Hijjah"?
قُلْنَا: بلَى.
Sabi namin: Oo.
قَالَ: فأَيُّ بلَدٍ هَذَا؟
Sabi niya: "Anong bayan naman ito"?
قُلْنَا: اللَّه وَرسُولُهُ أَعلمُ، فَسَكَتَ حتَّى ظَنَنَّا أَنَّهُ سيُسمِّيهِ بغَيْر اسْمِهِ.
Sabi namin: Ang Allah at Kanyang Rasul ang higit na Nakakaalam.
Kaya't siya'y tumahimik hanggang sa inaakala namin na kanya iyong tatawagin nang ibang pangalan.
قَالَ: أَلَيْسَ الْبَلْدَةَ؟
Sabi niya: Hindi ba't ito ang Al-Baldah (Makkah)?
قُلْنا: بلَى.
Sabi namin: Oo nga po.
قَالَ: فَأَيُّ يَومٍ هذَا؟
Sabi niya: Anong araw naman ito?
قُلْنَا: اللَّه ورسُولُهُ أَعْلمُ، فَسكَتَ حَتَّى ظَنَنَّا أَنَّه سيُسمِّيهِ بِغيْر اسمِهِ.
Sabi namin: Ang Allah at Kanyang Rasul ang higit na Nakakaalam.
Kaya't siya'y tumahimik hanggang sa inaakala namin na kanya iyong tatawagin nang ibang pangalan.
قَالَ: أَلَيْسَ يَوْمَ النَّحْر؟
Sabi niya: Hindi ba't Araw ng Nahr (Pagkatay ng mga hayop na iniaalay ng mga naghahahajj alang-alang sa Allah sa ikasampung araw ng Dhul-Hijjah sa mga araw ng Hajj, araw ng Eidl-Adha)?
قُلْنَا: بَلَى.
Sabi namin: Oo nga po.
قَالَ: فإِنَّ دِماءَكُمْ وَأَمْوَالَكُمْ وأَعْراضَكُمْ عَلَيْكُمْ حرَامٌ كَحُرْمَةِ يَوْمِكُمْ هَذَا، في بَلَدِكُمْ هَذا، في شَهْرِكم هَذَا، وَسَتَلْقَوْنَ ربَّكُم فَيَسْأَلُكُمْ عَنْ أَعْمَالِكُمْ، أَلا فَلا تَرْجِعُوا بَعْدِي كُفَّارًا يَضْرِبُ بَعْضُكُمْ رِقَابَ بَعْضٍ، أَلا لِيُبَلِّغ الشَّاهِدُ الْغَائِبَ، فلَعلَّ بعْضَ مَنْ يَبْلغُه أَنْ يَكُونَ أَوْعَى لَه مِن بَعْضِ مَنْ سَمِعه. ثُمَّ قال: أَلا هَلْ بَلَّغْتُ؟ أَلا هَلْ بلَّغْتُ؟ قُلْنا: نَعَمْ، قَالَ: اللَّهُمَّ اشْهَدْ.
Sabi niya: "Tunay na ang inyong mga dugo (buhay), at ang inyong mga kayamanan o pagmamay-ari at ang inyong mga dangal ay haram sa inyo (na iyon ay inyong hamakin, pinsalain, lagpasan ang mga hangganan nito) na katulad ng pagkakaharam sa araw ninyong ito, sa bayan ninyong ito, sa buwan ninyong ito, at tiyak na makakatagpo ninyo ang inyong Rabb (Allah), at tiyak na Kanya kayong tatanungin sa inyong mga gawa, kaya't huwag sana kayong bumalik sa pagiging kuffâr na kung saan ay pinagpapatay ng iilan sa inyo ang ibang tao. Nawa'y iparating ng nakasaksi nito (ng khutbah na ito) para sa kanya na wala rito (absent), sapagkat maaaring ang iilan sa naparatingan nito ay mas nakakaunawa o nakakaintindi nito kaysa sa iilan na nakarinig nito".
ثُمَّ قال: أَلا هَلْ بَلَّغْتُ؟ أَلا هَلْ بلَّغْتُ؟
At pagkatapos ay kanyang sinabi: "Hindi ba't naiparating ko na"? "Hindi ba't naiparating ko na"?
قُلْنا: نَعَمْ
Sabi namin: Opo.
قَالَ: اللَّهُمَّ اشْهَدْ.
Sabi niya: "O Allah, saksihan Niyo po".
اتفق على روايته الإمام البخاري والإمام مسلم - رحمهما الله - في "صحيحيهما".
Nagkaisa sa pag-ulat nito sina Imam Bukhari at Imam Muslim (رحمهما الله) sa kanilang Sahih.
Tulungan, pangalagaan at patatagin nawa tayong lahat ng Allah sa Islam at sa pagsunod sa Kanya.
✍️𝑺𝒉𝒂𝒚𝒌𝒉 𝑴𝒖𝒉𝒂𝒎𝒎𝒂𝒅 𝑨𝒍𝒊 𝑮𝒓𝒂𝒏𝒂𝒅𝒆𝒓𝒐𝒔