10/08/2026
๐จ๐๐๐๐๐ 9, 2026 - ๐ฐ๐๐-19 ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐
Sa Ebanghelyo ayon kay San Mateo 14:22โ33, matapos pakainin ni Jesus ang mga tao, isinakay Niya ang mga alagad sa bangka habang Siya naman ay umakyat sa bundok upang manalangin. Habang nasa gitna ng dagat ang mga alagad, sinalubong sila ng malakas na hangin at mga alon. Dumating si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig at sinabi, โ๐๐๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐จ๐จ๐. ๐๐ค๐จ ๐ข๐ญ๐จ; ๐ก๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ค๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ค๐จ๐ญ.โ
Sinimulan ni Father Archie Perez ang kanyang homily sa tanong: Totoo ba na may multo? Iba-iba man ang ating pananaw tungkol dito, marami tayong multo na kinatatakutan sa buhay.
Nang makita ng mga alagad si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig, hindi nila Siya agad nakilala. Akala nila ay multo kaya sila ay natakot. Ganito rin tayo minsan. Kapag may problemang hindi natin nauunawaan, kapag hindi natin alam ang mangyayari bukas, o kapag tila hindi sinasagot ng Diyos ang ating mga panalangin, napapatanong tayo:
Lord, bakit Mo naman pinahihintulutan ito?
Lord, nasaan Ka?
Lord, bakit ako nahihirapan?
Lord, bakit hindi Mo sinasagot ang aking mga panalangin?โ
Ngunit ang inaakala nating kawalan ng Diyos ay maaaring paraan pala upang mas mapalapit tayo sa Kanya. Kaya sinabi ni Jesus, โ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ค๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ค๐จ๐ญ. ๐๐ค๐จ ๐ข๐ญ๐จ.โ Para bang sinasabi Niya: โ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐ ๐ง๐๐ -๐ข๐ข๐ฌ๐. ๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ ๐๐ค๐จ ๐ฌ๐ ๐ ๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฒ๐จ, ๐ค๐๐ก๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐จ ๐๐ค๐จ ๐ง๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ญ๐.โ
Nang sabihin ni Pedro, โ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง, ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ค๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฒ๐๐ง, ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ซ๐ข๐ฒ๐๐ง๐ข๐ง ๐๐จ ๐๐ค๐จ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ค๐๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐๐๐๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐๐ข๐ ,โ sinabi ni Jesus, Halika. At lumakad si Pedro.
Ang bangka ay maaaring sumagisag sa ating comfort zoneโOkay na ako rito. Safe na ako rito. Ayoko nang sumubok. Ayoko nang magpatawad. Ayoko nang magbago. Ayoko nang magsimula ulit.
Ngunit hindi tayo tinawag ni Kristo upang manatili lamang sa bangka. Minsan, sinasabi Niya sa atin: โ๐๐๐ฅ๐ข๐ค๐. ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ ๐ค๐. ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ค๐๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข. ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐จ๐ง ๐ค๐. ๐๐๐ ๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ค๐ ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ. ๐๐ข๐ญ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฆ๐จ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ซ๐๐๐ง.โ
Habang nakatingin si Pedro kay Jesus, nakalakad siya sa tubig. Ngunit nang tumingin siya sa malakas na hangin at mga alon, natakot siya at nagsimulang lumubog. Hindi naman biglang nagbago ang dagat. Ang nagbago ay ang kanyang focus. Nang mawala ang kanyang tingin kay Jesus, napangibabawan siya ng takot.
Lahat tayo ay may mga multo sa buhay mga masasakit na karanasan, maling desisyon, pagkakamali, taong nanakit sa atin, at mga relasyong natapos na. Tapos na ang mga pangyayari, ngunit minsan ay hindi pa rin tapos sa ating puso. Patuloy natin itong binabalikan at hinahayaang diktahan ang ating buhay.
Kaya marahil ito ang sinasabi sa atin ni Jesus: โ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ค๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ค๐จ๐ญ. ๐๐ค๐จ ๐ข๐ญ๐จ. ๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐จ ๐๐ค๐จ. ๐๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ซ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐, ๐๐ญ ๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ, ๐ฉ๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ซ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐ข๐ฅ๐ข.โ
Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang kinakalimutan natin ang nangyari. Ibig sabihin, hindi natin hahayaang ang ginawa sa atin ng iba ang patuloy na maghari sa ating buhay.
"๐๐๐ญ ๐ ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ญ ๐๐จ๐."
Pakawalan na natin ang mga bagay na hindi na natin kayang baguhin. Hindi na natin mababago ang kahapon, ngunit maaari nating piliin na huwag hayaang sirain ng ating kahapon ang ating bukas.
Ano ang multo na kailangan mong bitawan?
Ano ang sugat na ayaw mong pagalingin?
Ano ang kasalanan na patuloy mong ginagamit upang parusahan ang iyong sarili?
Ano ang takot na pumipigil sa iyo upang mas magtiwala sa Diyos?
Anong alon ang dahilan kung bakit ka nagsisimulang lumubog?
Huwag nating hayaang ang multo ng nakaraan ang magdikta sa ating kinabukasan.
Ang tunay na sandata laban sa takot, panghihina, pag-aalinlangan, at mga โ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐จโ ng ating buhay ay isang malalim na pananampalataya kay Kristo. Maaaring malakas ang hangin, malakas ang alon, at madilim ang gabi. Ngunit kung maririnig natin ang tinig ni Jesus na nagsasabing, โ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ค๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ค๐จ๐ญ. ๐๐ค๐จ ๐ข๐ญ๐จ,โ
Maari tayong magpatuloy
Maaari tayong bumangon.
Maaari tayong magpatawad.
Maaari tayong magsimula muli.
At maaari tayong muling magtiwala.
Dahil sa huli, ang mahalaga ay hindi kung gaano kalaki ang ating alon, kundi kung gaano kalalim ang ating pananampalataya sa Panginoong kasama natin sa gitna ng alon at unos ng buhay.
Hindi natin mababago ang kahapon, pero hindi ibig sabihin na kailangan nating dalhin ang sakit nito habambuhay. Maaaring maging bahagi ng ating kuwento ang nakaraan, pero hindi nito kailangang maging dahilan para sirain ang ating kinabukasan.