San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay

San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay C. Jose St., Malibay, Pasay City

88023072

Parish Priest: Rev. Fr. John G. Barro OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF SAN JUAN NEPOMUCENO PARISH, MALIBAY, PASAY CITY
(1)

β–  πŒπ†π€ 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | ππ”πŠπ‹π”π‘π€π 𝐒𝐀 ππ‘π†π˜. πŸπŸ”πŸIsinagawa ang Bukluran sa Barangay 162 noong ika-15 ng Agosto. Ito ay isang proyekt...
25/08/2026

β–  πŒπ†π€ 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍 | ππ”πŠπ‹π”π‘π€π 𝐒𝐀 ππ‘π†π˜. πŸπŸ”πŸ

Isinagawa ang Bukluran sa Barangay 162 noong ika-15 ng Agosto. Ito ay isang proyekto ng Simbahan sa pangunguna ng ating Kura Paroko, katuwang ang mga lingkod-layko, na naglalayong higit na mapalapit ang Simbahan sa mga parokyano at mapatatag ang ugnayan ng pamayanan.

Naging masigla ang programa na tampok ang katesismo, mga palaro, pag-awit, pagsayaw, at munting salu-salo. Sinundan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni Reb. Padre John G. Barro, sa ganap na ika-5:30 ng hapon.

Sa pamamagitan ng Bukluran, patuloy na isinasabuhay ng pamayanan ang pagkakaisa at pakikipag-ugnayan bilang isang pamilyang naglalakbay sa pananampalataya.

==================================

β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish – Malibay, Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay



β–    || "Tularan natin si Pedro. Katulad niya, tayo'y tinatawag sa isang mapagpakumbabang paglilingkod at pagmamahal sa k...
24/08/2026

β–  || "Tularan natin si Pedro. Katulad niya, tayo'y tinatawag sa isang mapagpakumbabang paglilingkod at pagmamahal sa kapwa."

- Rev. Fr. Roy Rexelle Decena
Agosto 23, 2026
Ika-21 na Linggo sa Karaniwang Panahon.

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay

β–  π€π†πŽπ’π“πŽ πŸπŸ’ | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 ππ€π‘π“πŽπ‹πŽπŒπ„, π€ππŽπ’π“πŽπ‹β–  π“π€π‹π€πŒππ”π‡π€π˜: Nakita ni Hesus si Nataniel na lumalapit sa kaniya at si...
23/08/2026

β–  π€π†πŽπ’π“πŽ πŸπŸ’ | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 ππ€π‘π“πŽπ‹πŽπŒπ„, π€ππŽπ’π“πŽπ‹

β–  π“π€π‹π€πŒππ”π‡π€π˜:
Nakita ni Hesus si Nataniel na lumalapit sa kaniya at sinabi, β€œNarito ang isang tunay na Israelita na sa kaniya’y walang pagkukunwari.” Nagtanong si Nataniel, β€œSaan mo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, β€œBago ka tawagin ni Felipe, nakita kita noong ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” Sabi ni Nataniel, β€œMaestro, ikaw ang Anak ng Diyos, ikaw ang Hari ng Israel.” Sumagot si Hesus, β€œDahil sa sinabi ko sa iyo na ikaw ay nakita ko sa ilalim ng puno ng igos, sumampalataya ka; mga bagay na lalong dakila pa rito ang makikita mo. Tunay na tunay kong sinasabi sa inyo, sa inyo’y makikitang bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos na pumapanhik sa Anak ng Tao.” (Jn 1:47-51)

Ipinalalagay ng maraming dalubhasa na ang taong pinuri ni Hesus ay ang Apostol na si Bartolome na taga-Cana sa Galilea. Dahil sa kaniyang wagas na pagmamahal sa Panginoon, nilakbay niya ang lupain ng India, Arabia, Libya, at iba pang lupain upang ipangaral si Cristo at ipahayag ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ipinapatay siya sa utos ni Haring Astayages; si San Bartolome ay tinanggalan muna ng balat bago pinapugutan ng ulo.

β–  ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ:
Ama naming makapangyarihan, gawin mong matibay ang aming pananampalataya na nag-ugnay kay Apostol San Bartolome sa buklod ng hindi magdarayang pakikipag-ugnayan ng Apostol na ito sa iyong Anak. Bilang tugon sa kaniyang pagdalangin, ang sambayanan Mo nawa’y maging pananda ng Iyong pagliligtas sa lahat ng bansa sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

APOSTOL SAN BARTOLOME, ipanalangin mo kami!

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay

β–  πŒπ†π€ 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐒𝐀 || πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 π€ππŽπ’π“πŽπ‹ 𝐒𝐀𝐍 ππ€π‘π“πŽπ‹πŽπŒπ„  (𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 πŸπŸ’, πŸπŸŽπŸπŸ”) UNANG PAGBASA | Pahayag 21:9b-14Wika ng anghel s...
23/08/2026

β–  πŒπ†π€ 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐒𝐀 || πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 π€ππŽπ’π“πŽπ‹ 𝐒𝐀𝐍 ππ€π‘π“πŽπ‹πŽπŒπ„ (𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 πŸπŸ’, πŸπŸŽπŸπŸ”)

UNANG PAGBASA | Pahayag 21:9b-14

Wika ng anghel sa akin, β€œHalika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.” Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang Jerusalem, ang Banal ng Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader nito’y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa’y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.

Ang Salita ng Diyos.
- Salamat sa Diyos
_____ __

SALMONG TUGUNAN | Salmo 144:10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang β€˜yong kaharian,
at ibababalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
_____ __

ALELUYA | Juan 1, 49b

Aleluya! Aleluya!
G**o, Anak na Butihin
ng Diyos Amang masintahin,
ika’y hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!
_____ __

MABUTING BALITA
Juan 1, 45-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
- Papuri sa Iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, β€œNatagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” β€œMay magmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, β€œHalika’t tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, β€œMasdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, β€œPaano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, β€œBago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” β€œRabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, β€œnanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, β€œTandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
- Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

(Sanggunian: www.awitatpapuri.com)

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay

23/08/2026

β–  LIVE | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (Agosto 23, 2026 I 5:30 PM)

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay
(No copyright infringement intended. Pictures, videos, and/or songs belong to the rightful owners.)

23/08/2026

β–  LIVE | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (Agosto 23, 2026 I 4:00 PM)

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay
(No copyright infringement intended. Pictures, videos, and/or songs belong to the rightful owners.)

β–  AGOSTO 23 | KAPISTAHAN NI SANTA ROSA DE LIMA, Pangalawang Patrona ng Pilipinasβ€œPanginoon, dagdagan mo ang aking mga pa...
23/08/2026

β–  AGOSTO 23 | KAPISTAHAN NI SANTA ROSA DE LIMA, Pangalawang Patrona ng Pilipinas

β€œPanginoon, dagdagan mo ang aking mga pagtitiis, subalit dagdagan mo rin ang pag-ibig sa aking puso.”

β–  TALAMBUHAY:
Si Santa Rosa de Lima ay ang kauna-unahang kinanonisang santo na nagmula sa β€œNew World” at isa sa mga pintakasi ng Pilipinas. Siya’y tinaguriang β€˜Rosa’ dahil sa kaniyang ganda at kutis. Mula sa kaniyang pagkabata, nagpamalas na siya ng katang-tanging hilig sa pagpapakabanal kahit dumaan ang mga pagsubok. Sa loob ng 15 taon, siya’y tinukso ng demonyo, inusig ng mga kaibigan, at sinapit ang kahirapan. Si Rosa ay tumulong sa paghahanap-buhay at pagsasaayos ng bahay. Nagtayo siya ng kubu-kubuhan sa halamanan kung saan siya nananalanagin at nagmumuni-muni. Dahil sa pag-ibig sa Diyos, itinakwil niya ang pag-aasawa at gumawa ng paraan upang pumangit at kaniyang mukha hanggang sa putulin niya ang napakaganda niyang buhok.

Umanib siya sa mga Dominiko at naging deboto ni Santa Catalina de Siena. Sa likod ng kaniyang mga nagawang kabanalan, si Rosa ay hindi nagkulang sa pag-ibig at paggalang sa kaniyang mga magulang at kapatid. Si Rosa ay malimit na pinagpapakitaan ng kaniyang mga anghel na tagatanod, ng Mahal na Birhen, at ng Panginoon. Malalim ang kaniyang pamimintuho sa Santisimo Sakramento at sa Mahal na Ina. Si Santa Rosa ay itinalaga bilang pangalawang patrona ng Pilipinas kasama ng birheng martir na si Santa Potenciana.

β–  PANALANGIN:
Ama naming makapangyarihan, ginawa mong si Santa Rosa ay mag-alab sa iyong pag-ibig anupa’t nilisan niya ang tanang bagay sa daigdig upang tanging para sa iyo makapamuhay nang may matinding pagtitiis na bukal sa kalooban. Bilang tugon sa kaniyang pagdalangin, kami nawang tumatahak sa iyong landasin ay makalasap ng tamis ng pag-ibig sa iyong piling sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

SANTA ROSA DE LIMA, ipanalangin mo kami!

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay

23/08/2026

β–  LIVE | 21st Sunday in Ordinary Time (August 23, 2026 I 9:00 AM)

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay
(No copyright infringement intended. Pictures, videos, and/or songs belong to the rightful owners.)

β–  πŒπ†π€ 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐒𝐀 || πˆπŠπ€-𝟐𝟏 π‹πˆππ†π†πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€ππˆπ–π€ππ† ππ€ππ€π‡πŽπ (𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 πŸπŸ‘, πŸπŸŽπŸπŸ”) UNANG PAGBASA | Isaias 22:19-23Sinabi ng Panginoo...
22/08/2026

β–  πŒπ†π€ 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐒𝐀 || πˆπŠπ€-𝟐𝟏 π‹πˆππ†π†πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€ππˆπ–π€ππ† ππ€ππ€π‡πŽπ (𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 πŸπŸ‘, πŸπŸŽπŸπŸ”)

UNANG PAGBASA | Isaias 22:19-23

Sinabi ng Panginoon kay Sabnang katiwala sa palasyo: β€œAalisin kita sa iyong katungkulan, at palalayasin sa iyong kinalalagyan. Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod, si Eliaquim na anak ni Helcias. Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan, ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan, siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda. Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David; ang kanyang buksa’y walang makapagsasara at walang makapagbubukas ng ipininid niya. Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar at siya’y magiging marangal na luklukan para sa sambahayan ng kanyang ama.”

Ang Salita ng Diyos.
- Salamat sa Diyos
_____ __

SALMONG TUGUNAN | Salmo 137:1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Ako, P**n, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang β€˜yong ngalan.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dakila man ang P**ng D’yos, mahal din niya ang mahirap
kumubli ma’y kita niya yaong hambog at pasikat.
Ang dahilan nito, P**n, pag-ibig mo’y di kukupas.
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.
_____ __

IKALAWANG PAGBASA
Roma 11, 33-36

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

β€œSapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos
para siya nama’y gantimpalaan?”

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.
- Salamat sa Diyos.
_____ __

ALELUYA | Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!
_____ __

MABUTING BALITA | Mateo 16:13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.
- Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, β€œSino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, β€œAng sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” β€œKayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, β€œKayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, β€œMapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
- Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

(Sanggunian: www.awitatpapuri.com)

*****
β–  BISITAHIN, I-LIKE, at I-FOLLOW ang:
San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay
youtube.com/
twitter.com/TataJuanMalibay
instagram.com/TataJuanMalibay

β–  ππ€π‘πˆπ’π‡ π…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ | π…π€πˆπ“π‡ 𝐀𝐍𝐃 π…πˆπƒπ„π‹πˆπ“π˜Malugod kayong inaanyayahan ng CFD Malibay sa ating Parokyal Pagbubuo na magagana...
22/08/2026

β–  ππ€π‘πˆπ’π‡ π…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ | π…π€πˆπ“π‡ 𝐀𝐍𝐃 π…πˆπƒπ„π‹πˆπ“π˜

Malugod kayong inaanyayahan ng CFD Malibay sa ating Parokyal Pagbubuo na magaganap mamaya, ika-22 ng Agosto, Sabado, mula ika-7 hanggang ika-9 ng gabi sa Parokya ni San Juan Nepomuceno, Malibay, Pasay.

Sa temang β€œPananampalataya at Katapatan: Pagbuo ng Pamilyang Nakasentro kay Kristo”, tayo ay magtitipon upang palalimin ang ating pananampalataya, patibayin ang ating pamilya, at maging mas tapat sa paglilingkod sa Diyos.

Ang inyong presensya ay malaking biyaya at lakas sa ating pagkakaisa. Sama-sama tayong maglakbay at lumago sa pananampalataya!

Address

Pasay City
1300

Opening Hours

Tuesday 9am - 12pm
1pm - 4pm
Wednesday 9am - 12pm
1pm - 4pm
Thursday 9am - 12pm
1pm - 4pm
Friday 9am - 12pm
1pm - 4:30pm
Saturday 9am - 12pm
1pm - 4pm
Sunday 9am - 12pm
1pm - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Juan Nepomuceno Parish Malibay Pasay:

Shortcuts

Share