Our Lady of the Airways Parish

Our Lady of the Airways Parish This is the official FB page of Our Lady of the Airways Parish.

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes! 🔥🕊️"At biglang may dumating na ugong mula sa langit na animo'y hagunot ng...
24/05/2026

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes! 🔥🕊️

"At biglang may dumating na ugong mula sa langit na animo'y hagunot ng malakas na hangin..." (Gawa 2:2)

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol at sa ating Mahal na Ina. Ang makasaysayang araw na ito rin ay ginugunita natin ang pagsilang ng ating Simbahang Katolika.

Nawa'y ang paggabay ng Espiritu Santo ang magbigay sa atin ng lakas, karunungan, at pag-asa sa bawat araw ng ating paglalakbay. Isang pinagpalang Linggo po sa lahat!

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit! 🕊️☁️Sa pag-akyat ni Hesus sa kalangitan, iniwan Niya...
17/05/2026

Maligayang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit! 🕊️☁️

Sa pag-akyat ni Hesus sa kalangitan, iniwan Niya sa atin ang isang napakagandang pangako: "Ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan." Kahit anong hamon sa ating mga personal na byahe at paglalakbay, huwag nating kalimutan na ang Panginoon ay palaging nakaagapay sa atin.


17/05/2026

Live Mass | Solemnity of the Ascension of the Lord

Mass Presider: Rev. Fr. Andrew De Vera, OHF

MGA LARAWAN | Fiesta Solemn Procession 🕯️🕊️Kasabay ng ating taos-pusong pasasalamat para sa ating Golden Jubilee, dinala...
14/05/2026

MGA LARAWAN | Fiesta Solemn Procession 🕯️🕊️

Kasabay ng ating taos-pusong pasasalamat para sa ating Golden Jubilee, dinala natin ang ating pananampalataya at debosyon sa mga kalsada ng ating komunidad.

Silipin ang mga naging kaganapan sa ating Solemn Procession kung saan umikot at nagbasbas ang imahe ng ating patrona, ang Our Lady of the Airways. Maraming salamat sa lahat ng mga parokyanong naglakad, nagdasal, at nag-abang sa tapat ng kanilang mga tahanan.

Tunay ngang sa ating araw-araw na paglalakbay, hindi tayo kailanman iniiwan ng ating Mahal na Ina. 🙏✨

Mahal na Ina ng Daang Panghimpapawid: Buhay-paglalakbay, Puno ng Pag-asa kasama ang Mahal na Ina.

MGA LARAWAN | 8:00 AM Misa Mayor (Pontifical Mass)Isang makasaysayan at pinagpalang umaga para sa ating komunidad! Pinan...
12/05/2026

MGA LARAWAN | 8:00 AM Misa Mayor (Pontifical Mass)

Isang makasaysayan at pinagpalang umaga para sa ating komunidad! Pinangunahan ng ating mahal na Arsobispo ng Maynila, His Eminence, Jose F. Cardinal Advincula, ang pagdiriwang ng Misa Mayor bilang sentro ng ating pasasalamat para sa ika-50 Taong Anibersaryo at Kapistahan ng Mahal na Ina ng Daang Panghimpapawid.

Sama-sama nating ipinagdiwang ang limang dekada ng masaganang byahe ng pananampalataya. Maraming salamat sa lahat ng mga parokyano, ministries, at mga bisita na nakiisa sa ating Ginintuang Himpapawid! 🙏✨

Mahal na Ina ng Daang Panghimpapawid: Buhay-paglalakbay, Puno ng Pag-asa kasama ang Mahal na Ina.

MGA LARAWAN | 6:15 AM Fiesta MassPinangunahan ni Most Rev. Oscar Jaime Florencio, D.D., Obispo ng Military Ordinariate o...
12/05/2026

MGA LARAWAN | 6:15 AM Fiesta Mass

Pinangunahan ni Most Rev. Oscar Jaime Florencio, D.D., Obispo ng Military Ordinariate of the Philippines, ang pambungad na Banal na Misa para sa selebrasyon ng ika-50 Kapistahan ng Mahal na Ina ng Daang Panghimpapawid.

Maraming salamat sa lahat ng mga ka-parokyang maagang gumising at nakiisa sa pagsalubong sa ating makasaysayang araw! 🙏✨

Mahal na Ina ng Daang Panghimpapawid: Buhay-paglalakbay, Puno ng Pag-asa kasama ang Mahal na Ina.

10/05/2026
Pagbabalik-tanaw sa Pagninilay at Pasasalamat: Ikalawang Araw ng NovenaMaraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating ...
09/05/2026

Pagbabalik-tanaw sa Pagninilay at Pasasalamat: Ikalawang Araw ng Novena

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating ikalawang nobenaryo para sa Mahal na Ina ng Daang Panghimpapawid!

Isang malaking pasasalamat din kay Rev. Fr. Andrew De Vera, OHF para sa isang makahulugang misa, at sa ating mga generous sponsors. Ang inyong suporta at debosyon ay tunay na nakakataba ng puso.

Handa na ba ang lahat para sa ating Golden Anniversary? Sabay-sabay nating ipagdiwang ang ating kapistahan. Kitakits! ✨

Address

Chapel Road Corner Ninoy Aquino Avenue
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639194639797

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Airways Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Our Lady of the Airways Parish:

Share