GLORY Church

GLORY Church Christian Ministry Headed by Ptr. Leonardo Lituania
Address: #30 Raha Soliman St., Parang, Marikina City

04/06/2026

TESTIMONY | May 31, 2026

03/06/2026

PRAISE & WORSHIP | May 31, 2026

03/06/2026
TESTIMONY SPOTLIGHT ✨Lahat ng puyat, pagod, at sakripisyo, nagbunga na. Walang mapagsidlan ang pasasalamat ni Sis. Jasmi...
02/06/2026

TESTIMONY SPOTLIGHT ✨

Lahat ng puyat, pagod, at sakripisyo, nagbunga na. Walang mapagsidlan ang pasasalamat ni Sis. Jasmine sa Panginoon at sa kanyang pamilya matapos ipasa ang katatapos lang na CHRA Exam. Certified HR Associate na siya! 📋❤️

TESTIMONY SPOTLIGHT ✨Isang patunay si Sis. Sharlene na walang imposible sa Diyos. Sa kanyang pagbabalik-loob, baon niya ...
02/06/2026

TESTIMONY SPOTLIGHT ✨

Isang patunay si Sis. Sharlene na walang imposible sa Diyos. Sa kanyang pagbabalik-loob, baon niya ang walang kapantay na pasasalamat sa Panginoon sa paggabay at pagliligtas sa kanyang anak mula sa isang malubhang aksidente. Tunay na tapat ang Diyos sa Kanyang mga anak. 🙏✨

31/05/2026

Ang Linggo ay hindi lamang araw ng pahinga, kundi araw ng pagpapanibago sa presensya ng Panginoon. Isang araw ng pagpupuri, pasasalamat, at paglapit sa Diyos. Maligayang Linggo! 🙏❤️

To our beloved Sis. Carol Andres,“You have fought the good fight, you have finished the race, you have kept the faith.”—...
30/05/2026

To our beloved Sis. Carol Andres,

“You have fought the good fight, you have finished the race, you have kept the faith.”
— 2 Timothy 4:7–8

Ang buong sambahayan ng GLORY Church ay lubos na nagdadalamhati sa iyong paglisan sa mundong ito. Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa iyong buhay na naging inspirasyon at pagpapala sa buong GLORY Church. Maraming salamat sa iyong buong pusong pagsuporta sa ministry at sa pagmamahal na ipinadama mo sa amin—lagi kang handang tumulong, sumuporta, at ipanalangin ang buong church.

Ngayon ay wala ka nang sakit na mararamdaman, wala nang hirap na pagdaraanan, at wala nang pagluha. Ang kagalingang mula sa Diyos ay tunay mo nang natamo sa Kanyang piling.

We love you, Sister Carol. We will always treasure the memories and love you shared with the GLORY Church family. Your life and faith will forever remain in our hearts.

Rest in the loving arms of our Lord.

🔥 31st Anniversary – Ablaze for God 🔥Sa loob ng 31 taon, tapat ang Diyos sa Kanyang iglesya—nagligtas, nagpalakas, at pa...
30/05/2026

🔥 31st Anniversary – Ablaze for God 🔥

Sa loob ng 31 taon, tapat ang Diyos sa Kanyang iglesya—nagligtas, nagpalakas, at patuloy na nag-aapoy ng pananampalataya sa puso ng Kanyang mga lingkod. Ngayong taon, sama-sama nating ipagdiwang ang kabutihan at katapatan ng Panginoon sa ating 31st Anniversary na may temang “Ablaze for God – Keep the Light of Your Faith Burning.”

📅 June 7, 2026
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Riverside Coolsite Resort, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal

Halina at makibahagi sa isang araw ng pagsamba, pasasalamat, pagkakaisa, at pagpupuri sa Diyos. Patuloy nating paningasin ang apoy ng ating pananampalataya at maging ilaw sa mundong nangangailangan ng pag-asa at pag-ibig ni Cristo.

✨ 31 years of God's faithfulness, countless lives transformed, and a future filled with His promises!

"Huwag ninyong patayin ang apoy ng Espiritu." — 1 Tesalonica 5:19

29/05/2026

ONLINE BIBLE STUDY

TOPIC: TULONG-TULONG SA MISYON | Paano magiging makabuluhan ang pagiging Church Member? SERIES part 11

Address

Parang
1810

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GLORY Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share