04/05/2026
INDAK PANALANGIN 2026!✨
ISANG MAPAGPALANG UMAGA NG PAPURI, GALAK, AT PANALANGIN AT SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, GAGANAPIN SA ATING PAROKYA!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 Taon ng Parish Fiesta at ng Dakilang Kapistahan ni Sta. Rita de Cascia, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang banal at makulay na Indak Panalangin sa Disperas ng kanyang kapistahan.
Isang natatanging selebrasyon kung saan ang bawat indak ay panalangin, at ang bawat galaw ay pagpupuri—pinaghalo ang saya ng pista at lalim ng debosyon. Sama-sama nating ialay ang ating puso sa Diyos sa pamamagitan ng sayaw na puno ng galak, pag-asa, at pananampalataya.
May 21, 2026
7:00 AM
Centennial Hall
Abangan ang iba pang anunsyo para sa Indak Panalangin 2026!
Kung may katanungan, maaaring mag-message sa page ng Sta. Rita de Cascia Commission on Youth. Maari ring magbigay ng tulong at suporta sa proyekto ng Commission on Youth!
https://www.facebook.com/profile.php?id=61579005261323
Halina’t ipagdiwang ang ika-120 taong biyaya at ang kabanalan ni Sta. Rita de Cascia! ✨🌹