Tata Dune Chapel - San Dionisio Community

Tata Dune Chapel - San Dionisio Community Tata Dune Chapel is under the Supervision of the Cathedral Parish of St. Andrews, Sta. Rita Vicariate, Diocese of Paranaque. REGULAR SUNDAY MASS SCHEDULE - 8:00am

🎶Santa Cruz de Mayo, Bandera ka ni Kristo🎶 Halina mga kabarangay muli nating ipagdiwang ang isang tradisyong ating kinag...
29/04/2026

🎶Santa Cruz de Mayo, Bandera ka ni Kristo🎶

Halina mga kabarangay muli nating ipagdiwang ang isang tradisyong ating kinagisnan. Inaanyayahan ang bawat Street at mga Purok na may mga Krus. Tayo po ay magkakaroon ng pagbabasbas ng mga Krus ngayong darating na Linggo sa ating Kapilya.

Pabatid sa Lahat!
04/04/2026

Pabatid sa Lahat!

🌿🌿Mabuhay ang Anak ng Diyos, dakilang paririto🌿🌿Tingnan | Mga larawang kuha sa isinagawang pagbabasbas ng mga Palaspas s...
29/03/2026

🌿🌿Mabuhay ang Anak ng Diyos, dakilang paririto🌿🌿

Tingnan | Mga larawang kuha sa isinagawang pagbabasbas ng mga Palaspas sa Kapilya ng San Dionisio. Ito ay pinungahanan ni Reb. Msgr. John Brillantes.

Hossana sa Anak ni David!

Ang pagbabasbas ng mga Palaspas ay isasagawa sa simula ng Misa sa ganap na ika-8 ng umaga.
28/03/2026

Ang pagbabasbas ng mga Palaspas ay isasagawa sa simula ng Misa sa ganap na ika-8 ng umaga.

SEMANA SANTA 2026 SA KATEDRAL NG PARAÑAQUEAng lahat ng mananampalataya ay malugod na inaanyayahang makiisa sa mga gawain...
28/03/2026

SEMANA SANTA 2026 SA KATEDRAL NG PARAÑAQUE

Ang lahat ng mananampalataya ay malugod na inaanyayahang makiisa sa mga gawain sa darating na SEMANA SANTA sa Katedral Parokya ng San Andres at Pandiyosesanong Dambana ng Mahal na Ina ng Mabuting Pangyayari.

Halina at sama-samang magkaroon ng mas makabuluhang SEMANA SANTA sa gabay ni San Andres at Nana Ciso, na puno ng pag-asa ang ating mga puso.

Linggo ng Palaspas – magsuot ng p**a
Huwebes Santo - magsuot ng lila
Biyernes Santo – magsuot ng itim
Sabado de Gloria at Linggo ng Muling Pagkabuhay – magsuot ng puti

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa panalangin, pagninilay, at pagdiriwang ng misteryo ng kaligtasan na ipinagkaloob ng Panginoon.

🌿🌿Mabuhay ang Anak ng Diyos, dakilang paririto🌿🌿Sa pagwagayway ng palaspas 🌿, hindi lamang tayo sumisigaw ng ‘Hosanna,’ ...
27/03/2026

🌿🌿Mabuhay ang Anak ng Diyos, dakilang paririto🌿🌿

Sa pagwagayway ng palaspas 🌿, hindi lamang tayo sumisigaw ng ‘Hosanna,’ kundi inaanyayahan din tayong sundan si Kristo sa landas ng sakripisyo at pag-ibig.

Paalala sa lahat: Ang Pagbabasbas ay isasagawa sa labas ng Kapilya sa simula ng Misa. Wala na pong pagbabasbas ng Palaspas pagkatapos ng Misa.

DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN JOSE, ESPOSO NI MARIATingnan| Mga larawang kuha sa mga isinagawang aktibidad ngayong araw sa ...
19/03/2026

DAKILANG KAPISTAHAN NI SAN JOSE, ESPOSO NI MARIA

Tingnan| Mga larawang kuha sa mga isinagawang aktibidad ngayong araw sa ating Kapilya kaugnay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Tata Hosep.

Mga larawang kuha ni G.Joaquin Gabriel

18/03/2026

Anumang sabihin niya sa inyo ay gawin ninyo.” (Juan 2:5)

Ite ad Ioseph!

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Jose, tayo’y nagtitipon bilang isang komunidad upang parangalan ang tahimik ngunit dakilang lingkod ng Diyos, ang tagapangalaga ni Hesus at kabiyak ni Maria. Nawa’y maging inspirasyon sa atin ang kanyang pananampalataya at pagtitiwala sa kalooban ng Diyos

Narito ang talaan ng gawain sa ating Kapilya para sa nalalapit na Kapistahan.

Maligayang Kapistahan ni San Jose!

TATA HUSEP EXHIBIT SA SAN DIONISIO CHAPEL MUSEUM Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Jose Esposo ...
11/03/2026

TATA HUSEP EXHIBIT SA SAN DIONISIO CHAPEL MUSEUM

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni San Jose Esposo ni Maria ang ikalawang patron ng ating Kapilya. Nagaganap ngayon ang isang Exhibit tampok ang iba't-ibang Imahen ni San Jose.

Bukas ang Exhibit araw-araw hanggang Ika-19 ng Marso mula ika-8 ng umaga hanggang ika-11 ng umaga at ika-2 ng hapon hanggang ikapito ng gabi.

DAAN NG KRUS 2026 SA KOMUNIDAD NG SAN DIONISIO
06/03/2026

DAAN NG KRUS 2026 SA KOMUNIDAD NG SAN DIONISIO

PAANYAYA SA KOMUNIDADAng ating komunidad ay taimtim na nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa isasagawang pagdarasal at pagn...
03/03/2026

PAANYAYA SA KOMUNIDAD

Ang ating komunidad ay taimtim na nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa isasagawang pagdarasal at pagninilay sa Estasyon ng Krus. Sama-sama nating lakbayin ang daan ng paghihirap ni Kristo hindi lamang bilang isang tradisyon, kundi bilang isang buhay na panalangin at pagninilay sa Kanyang dakilang pag-ibig.

Sa bawat hakbang at panalangin, nawa’y madama natin ang Kanyang presensya at mas mapalalim pa ang ating pananampalataya.

Inaanyayahan ang bawat pamilya, kabataan, at mga samahan sa ating komunidad na makiisa at mag-alay ng oras para sa Panginoon.

Tayo’y magkita-kita at sama-samang magnilay sa daan ng Krus.

Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Diyos.

Address

Paranaque City
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tata Dune Chapel - San Dionisio Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share