17/05/2026
May 17, 2026 ✨
Nagkaroon ng simpleng Lectio Divina at Gospel Sharing ang SDYC upang mas pagnilayan ang kahulugan ng Solemnity of the Ascension of the Lord.
Sa Ebanghelyo, umalis si Hesus sa piling ng Kanyang mga alagad—pero bago Siya umalis, nag-iwan Siya ng misyon, pag-asa, at pangakong hindi sila tunay na maiiwan.
Sa aming meditation, naitanong rin:
“Kung ikaw ang aalis sa oras na iyon, ano ang iiwan mong mensahe sa grupo?”
At doon namin na-realize…
Ang tunay na presence ay hindi nasusukat sa haba ng panahon na pananatili mo, kundi sa pagmamahal, aral, at inspirasyong iniiwan mo sa mga taong nakasama mo.
Tulad ni Hesus, may mga pag-alis na masakit intindihin—pero minsan ang pag-alis ay hindi katapusan. Ito ay pagtitiwala na ang mga taong iniwan mo ay magpapatuloy sa misyong sinimulan ninyo nang magkakasama.
Hindi lahat ng paalam ay pagkawala. Minsan, ito ay simula ng mas malalim na mission. 🤍🙏
Our ministry is more than music; it’s also about learning the Gospel and living it daily. Sali ka na! ❤️💭