05/10/2026
ICON MISSION | DAY 2
Our Lady of Mount Carmel Parish
Malilipot, Albay
October 5, 2026
Nagpatuloy ngayong araw ang makabuluhang pagdalaw ng Pilgrim Icon ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo sa ikalawang araw ng Icon Mission sa Our Lady of Mount Carmel Parish.
Sa umaga, ipinagdiwang ang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Edward Allan Pandaan, C.Ss.R., at nakipagdiwang naman si Rev. Fr. Paul Rene P. Ocfemia, JCD, Parish Priest.
Sa hapon naman ay isinagawa ang isang motorcade kung saan inilipat ang Pilgrim Icon mula sa Our Lady of Mount Carmel Parish, Malilipot, patungo sa Sagrada Familia Chapel. Pagdating dito, nagbigay si Sr. Mitch Silva, MPS, ng maikling katekesis tungkol sa kahalagahan ng debosyon sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
Matapos ang programa sa Sagrada Familia Chapel, dinala naman ang Pilgrim Icon sa San Francisco Chapel, kung saan pansamantalang nanatili ang Icon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mananampalataya na masilayan, mapanalanginan, at maparangalan ang Mahal na Ina. Dito rin ay nagbigay ng katekesis ang Pilgrimage Team ng Baclaran Church upang higit na mapalalim ang kaalaman at debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Ina ng Laging Saklolo.
Sa ikalawang araw ng Icon Mission, patuloy na ipinapakita ng pamayanan ang kanilang malalim na pananampalataya at debosyon kay Maria, ang Ina ng Laging Saklolo.
Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami!