Redemptorist Children's Committee

Redemptorist Children's Committee Redemptorist Children's Committee (RCCOM) at the National Shrine of Our Mother of Perpetual Help

May 17 | Dakilang Kapistahan ng Pag-akyatMABUTING BALITAMateo 28, 16-20Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon ka...
17/05/2026

May 17 | Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat

MABUTING BALITA
Mateo 28, 16-20

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

10/05/2026

Isang pagpupugay sa lahat ng mga ina na nag-aalay ng walang katulad na pagmamahal at pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.

O Mahal na Ina ng Laging Saklolo, huwaran ka ng wagas na pag-ibig. Nawa'y ihatid mo ang aming mga pagsamo sa ating Panginoon. Maligayang Araw ng mga Ina!

10/05/2026
10/05/2026

Sa darating na Martes, Mayo 12, magsisimula na ang ating Taunang Panahon ng Paglalakbay (Pilgrimage Season). Sa ating ika-3 taon, mas lalo nating pagtitibayin ang ating ugnayan sa ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo.

Makiisa sa Banal na Misa sa ganap na 5:30 PM na pangungunahan ni Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr., D.D.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makaranas ng biyaya at kagalingan mula Mayo 13 hanggang Hunyo 27. I-tag na ang inyong pamilya at kaibigan na nais ninyong makasama sa paglalakbay na ito!

Address

National Shrine Of Our Mother Of Perpetual Help
Parañaque
1200

Opening Hours

1:30pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Redemptorist Children's Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share