15/08/2026
Sana Mas Malakas ang Preach ng Character Mo Kaysa sa mga Sinasabi Mo.
Madaling magsalita tungkol kay Lord.
Madaling mag-post ng Bible verse.
Madaling mag-share ng Christian quotes.
Madaling magsabi ng:
“God is good.”
“Jesus loves you.”
“Magtiwala ka kay Lord.”
Pero ang tanong:
Nakikita ba sa buhay mo ang sinasabi ng bibig mo?
Sana ang character mo ang maging sermon na nakikita ng mga tao.
Kapag sinabi mong Christian ka…
Makikita ba sa pakikitungo mo sa iba?
Kapag sinabi mong marunong kang magpatawad…
Nakikita ba sa paraan ng pakikitungo mo sa taong nakasakit sa’yo?
Kapag sinabi mong humble ka…
Kaya mo bang tumanggap ng correction?
Kapag sinabi mong may integrity ka…
Pareho ba ang ginagawa mo kapag walang nakakakita?
Kapag sinabi mong mahal mo si Jesus…
Nakikita ba Siya sa paraan ng pamumuhay mo?
Dahil minsan, mas malakas magsalita ang character kaysa sa microphone.
Mas malakas ang actions kaysa sa captions.
Mas malakas ang integrity kaysa sa Christian quotes.
At maaaring makalimutan ng tao ang sermon na sinabi mo…
pero hindi nila madaling makakalimutan kung paano mo sila pinakitunguhan.
Sabi ni Jesus sa Mateo 5:16:
“Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.”
Hindi ibig sabihin na perfect tayo.
Hindi tayo perfect.
Pero dapat may pagbabago.
May repentance.
May humility.
May love.
May integrity.
May bunga.
Kaya bago mo tanungin:
“Paano ko sila mahihikayat kay Jesus?”
Tanungin mo rin ang sarili mo:
“Kung titingnan nila ang buhay ko, makikita ba nila si Jesus?”
Sana mas malakas ang preach ng character mo kaysa sa mga sinasabi mo.
Dahil ang pinakamagandang testimony ay hindi lang:
“Alam ko si Jesus.”
Kundi:
“Makikita mo sa buhay ko kung ano ang ginagawa ni Jesus sa akin.”