Saint Anthony Gospel Choir

Saint Anthony Gospel Choir Founded way back on October 25, 1998, and became the official choral group of San Antonio de Padua Chapel in the year 2000. We're happy to serve!

The founder adopted October 25, 2000, as its foundation day.

June 7, 2026 | Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (A)9:30am Mass | San Antonio de Padu...
07/06/2026

June 7, 2026 | Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (A)
9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

Deuteronomio 8, 2-3. 14b-16a
Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20

"PURIHIN MO JERUSALEM,
ANG PANGINOONG BUTIHIN."

1 Corinto 10, 16-17

MABUTING BALITA
Juan 6, 51-58

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Dahil dito’y nagtalu-talo ang mga Judio. “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayun din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

May 31, 2026 | Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A)9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel ...
31/05/2026

May 31, 2026 | Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A)
9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

Exodo 34, 4b-6. 8-9
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

"PURIHIN AT IPAGDANGAL,
ANG DIYOS MAGPAKAILANMAN."

2 Corinto 13, 11-13

MABUTING BALITA
Juan 3, 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

27/05/2026

BINYAGANG BAYAN SA KAPILYA

Kaugnay ng ating pagdiriwang ng kapistahan, tayo po ay magkakaroon ng Binyagang Bayan. Isang makabuluhang pagdiriwang ng pagtanggap sa sakramento ng Binyag.

GALAW TRAMO💃🕺Kaugnay ng ating pagdiriwang sa kapistahan ng ating mahal na patron, San Antonio de Padua, hatid namin sa i...
27/05/2026

GALAW TRAMO💃🕺

Kaugnay ng ating pagdiriwang sa kapistahan ng ating mahal na patron, San Antonio de Padua, hatid namin sa inyo ang GALAW TRAMO: FIESTA DANCE CONTEST!

Ito ay inilaan para sa purong libangan at sama-samang pagsasaya sa mismong araw ng kapistahan!

Paunang Detalye:
Petsa: Hunyo 13, 2026
Oras: 7:00 PM
Lugar: Harapan ng San Antonio de Padua Tramo Chapel, Tramo 1

Mga Premyo:
Champion - Php 5,000.00
1st Place - Php 4,000.00
2nd Place - Php 3,000.00

Mga Alituntunin:
1. Ang contest ay bukas para sa lahat ng grupo ng mananayaw.
2. Ang grupo ay dapat binubuo ng 7 hanggang 10 miyembro lamang.
3. Ang bawat grupo ay dapat ding may hindi bababa sa 2 kinatawang miyembro (representative members) na residente ng Purok 9A o Purok 9B.

Interesadong sumali? Mag-send lang ng mensahe sa aming page para sa buong detalye at paraan ng pagregister.

GALAW TRAMO💃🕺

Kaugnay ng ating pagdiriwang sa kapistahan ng ating mahal na patron, San Antonio de Padua, hatid namin sa inyo ang GALAW TRAMO: FIESTA DANCE CONTEST!

Ito ay inilaan para sa purong libangan at sama-samang pagsasaya sa mismong araw ng kapistahan!

Paunang Detalye:
Petsa: Hunyo 13, 2026
Oras: 7:00 PM
Lugar: Harapan ng San Antonio de Padua Tramo Chapel, Tramo 1

Mga Premyo:
Champion - Php 5,000.00
1st Place - Php 4,000.00
2nd Place - Php 3,000.00

Mga Alituntunin:
1. Ang contest ay bukas para sa lahat ng grupo ng mananayaw.
2. Ang grupo ay dapat binubuo ng 7 hanggang 10 miyembro lamang.

Interesadong sumali? Mag-send lang ng mensahe sa aming page para sa buong detalye at paraan ng pagregister.

FLORES DE MARIA SA TRAMO 🌸Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating pagdiriwang ng Flores de Maria sa Tramo. S...
24/05/2026

FLORES DE MARIA SA TRAMO 🌸

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating pagdiriwang ng Flores de Maria sa Tramo. Sama-sama nating parangalan ang Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng panalangin, pag-aalay ng bulaklak, at masayang prusisyon at sagala. 💐

May 31, 2026
Programa:
2:00 PM – Santo Rosaryo
3:00 PM – Pag-aalay ng Bulaklak
4:00 PM – Prusisyon at Sagala

Mangyaring mag-message lamang po sa page upang makapagpalista.

Inaanyayahan din po ang mga lalahok na magdala ng bulaklak. Makiisa at maghandog ng pagmamahal kay Inang Maria! ❤

FLORES DE MARIA SA TRAMO 🌸

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating pagdiriwang ng Flores de Maria sa Tramo. Sama-sama nating parangalan ang Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng panalangin, pag-aalay ng bulaklak, at masayang prusisyon at sagala. 💐

May 31, 2026
Programa:
2:00 PM – Santo Rosaryo
3:00 PM – Pag-aalay ng Bulaklak
4:00 PM – Prusisyon at Sagala

Mangyaring mag-message lamang po sa page upang makapagpalista.

Inaanyayahan din po ang mga lalahok na magdala ng bulaklak. Makiisa at maghandog ng pagmamahal kay Inang Maria!

Mayo 17, 2026 | Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A)9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel MABUTING BALITAMateo...
18/05/2026

Mayo 17, 2026 | Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A)
9:30am Mass | San Antonio de Padua Tramo Chapel

MABUTING BALITA
Mateo 28, 16-20

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Tramo Uno
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Anthony Gospel Choir posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share