Nuestra Señora del Buen Suceso

Nuestra Señora del Buen Suceso The Official Facebook account of Nuestra Señora del Buen Suceso (Our Lady of the Good Event) of Parañaque City managed by SAC and the Cofradia de NSDBS.

21/10/2022

[IT'S OFFICIAL]

The ORIGINAL, MIRACULOUS, and CANONICALLY CROWNED IMAGE of NUESTRA SEÑORA DEL BUEN SUCESO (Our Lady of the Good Event) will grace the biggest gathering of Marian images in the Philippines, the 41st INTRAMUROS GRAND MARIAN PROCESSION (IGMP), happening on 04 December 2022 (Sunday) at 4:00PM.

Nana Ciso, as the townsfolk call her, is the THIRD OLDEST MARIAN IMAGE in the Philippines, and the Patroness of the Diocese of Parañaque which encompasses the cities of Parañaque, Las Piñas, and Muntinlupa.

The Cathedral Parish of St. Andrew in Parañaque City, where the Marian image is enshrined, is all set to spread the devotion to Nuestra Señora del Buen Suceso to more faithful.

Nana Ciso will take the 21st carroza. See you in Intramuros for the , Marian devotees!

Viva la Virgen!

16/05/2021

Please like and share this fan page:

facebook.com/StAndrewCathedralJLC

This fan page is the official page of the Junior Lectors and Commentators of the Cathedral Parish of St. Andrew, youth servers of the 3:30pm Sunday Mass, pre-COVID.

Your like and share will go a long way and will help the ministry to cater our fellow youth servers spiritually.

Salamat po at God bless!

JLC is a youth ministry which encourages the young's call to serve the Lord by proclaiming His Word and enriches its knowledge in liturgy.

A blessed day to everyone!We would like to inform you that all Masses are OPEN TO THE PUBLIC, on a first come, first ser...
02/12/2020

A blessed day to everyone!

We would like to inform you that all Masses are OPEN TO THE PUBLIC, on a first come, first served basis.

Here are the updated Mass schedules of the Cathedral, as of December 01, 2020:
Mondays-Saturdays: 6:00 AM & 6:00 PM
Sundays: 6:00 AM, 8:00 AM, 10:00 AM, 4:00 PM & 6:00 PM

The 6:00 AM Mass daily shall be live-streamed via our FB Page.

For your donations, you may scan the GCash and Paymaya QR codes or thru our BDO account.
Account Name: The Cathedral Parish of St. Andrew
Account Number: 0118 9000 3113

For your questions and other inquiries, you may contact our Cathedral office:
8826-1760 or 8820-7178.

The Cathedral office is open as follows:
Tuesday-Saturday - 8:00 AM-12:00 NN, 1:30PM-4:00 PM
Sunday - 8:00 AM-12:00 NN
Closed during Mondays and public holidays.

Thank you and God bless!



Kaisa ng Katedral Parokya ng San Andres ay sabayang matutunghayan sa ating fan page ang pagdiriwang ng ika-395 taong pag...
08/08/2020

Kaisa ng Katedral Parokya ng San Andres ay sabayang matutunghayan sa ating fan page ang pagdiriwang ng ika-395 taong pagkakaluklok at kapistahan ng ating Mahal na Ina, ang pintakasi ng lungsod at Diyosesis ng Parañaque, Nuestra Señora del Buen Suceso.

Ipanalangin natin na sa pamamagitan ni Nana Ciso ay mawaksi ang pandemyang dinaranas nang mundo at manumbalik ang kaayusan at bagong buhay sa lahat.

O Ina ng Mananakop, sa mga langit kay lugod.
Bigyan, Buen Sucesong Bantog, ang humihingi ng kaloob!




Sa ika-10 ng Agosto, araw ng Lunes, ay ating ipagdiriwang ang ika-8 anibersaryo ng pagdeklara ng ating Katedral bilang Dambanang Pandiyosesis at ika-395 taong pagkakaluklok at kapistahan ng Ina at Pintakasi ng Lungsod at Diyosesis ng Parañaque, Nuestra Señora del Buen Suceso.

Magsisimula ang ating live stream ng ika-7 ng umaga sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at ang Banal na Misa ay sa ganap na ika-8 ng umaga na pangungunahan ng ating kura paroko at rektor, Reb. Pd. August Pulido, kasama ang mga kaparian ng Katedral at ang magbibigay ng homiliya ay ang Kanyang Lubhang Kagalang-galang Jesse Mercado, D.D., obispo ng Parañaque.

Matutunghayan ang ating live stream sa ating official page, gayundin sa TV Maria, at mga media partners sa ating diyosesis at sa iba't ibang dako ng Pilipinas.

Ating papurihan at pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng ating Mahal na Ina, si Nana Ciso, na patuloy na kumakalinga at nagmamahal sa atin sa gitna ng mga pasubok at sa pandemyang ating hinaharap.

Halina't ating samahan si Nana Ciso, tayo'y magpuri at magdiwang!




Inaanyayahan po ang lahat ng mga mananampalatayang Katoliko sa buong Diyosesis ng Parañaque sa kauna-unahang paggunita k...
20/05/2018

Inaanyayahan po ang lahat ng mga mananampalatayang Katoliko sa buong Diyosesis ng Parañaque sa kauna-unahang paggunita kay Maria bilang Ina ng Simbahan ngayong araw sa ganap na ika-6 ng gabi sa loob ng Katedral na pamumunuan ng Kanyang Lubhang Kagalang-galang Jesse E. Mercado, obispo ng diyosesis ng Parañaque; kasabay din nito ang pagdiriwang sa anibersaryo ng Barangay Sang Virgen ngayong araw.

Idineklara ng Kanyang Kabanalan Santo Papa Francisco na sa tuwing sasapit ang araw ng Lunes pagkatapos ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, ating gugunitain si Maria bilang Ina ng Simbahan upang maipalaganap sa nakararami ang debosyon sa Mahal na Ina na kumakalinga sa kanyang mga anak sa loob at labas ng Simbahan at upang muling mabuo ang espirituwalidad ng mga tao at maibalik ang mga tamang pag-uugali at nakasanayang gawin sa pananampalataya.

Muli, paanyaya po ito sa lahat!

Mayo 13, 2018 - Pista ng Pag-akyat ng Panginoon/Ika - Pitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B)Ang Mabuting Balita ayon k...
13/05/2018

Mayo 13, 2018 - Pista ng Pag-akyat ng Panginoon/Ika - Pitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay (B)

Ang Mabuting Balita ayon kay San Marcos

Marcos 16: 15 - 20

Noong panahong iyon: Napakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, "Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumampalataya at mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila'y hindi maaano, dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay." Pagkatapos magsalita sa kanila, ang Panginoong Hesus ay iniakyat sa langit, at lumuklok sa kanan ng Diyos. Humayo nga ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatotohanan niya ang Salitang kanilang ipinangangaral sa pamamagitan ng kapangyarihang gumawa ng himala, na ipinagkaloob niya sa kanila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Everyone is invited!
11/05/2018

Everyone is invited!

Abril 22, 2018 - Ika-Apat na Linggo ng Pagkabuhay (B)Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan.Juan 10: 11 - 18Noong panahon...
22/04/2018

Abril 22, 2018 - Ika-Apat na Linggo ng Pagkabuhay (B)

Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan.

Juan 10: 11 - 18

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus: "Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asong-gubat. Iniiwan niya ang mga tupa, palibhasa'y hindi siya pastol at hindi kanya ang mga tupa. Kaya't sinisila ng asong-gubat ang mga ito, at pinangangalat. Tumatakas siya palibhasa'y upahan lamang at walang malasakit sa mga tupa. Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakikilala ako ng Ama at siya'y nakikilala ko, gayon din naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama'y nakikilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y alagaan ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayo'y magiging isa ang kawan at isa ang pastol. Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay, upang ito'y kunin kong muli. Walang makakukuha nito sa akin; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kunin uli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Abril 8, 2018 - Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay  Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan.Juan 20: 19 - 31Kinagabihan...
08/04/2018

Abril 8, 2018 - Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay

Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan.

Juan 20: 19 - 31

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang kapayapaan!" sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, "Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo." Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad." Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang alagad, "Nakita namin ang Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga't hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran." Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, "Sumainyo ang kapayapaan!" Saka sinabi kay Tomas, "Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Hesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita." Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito'y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo'y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Abril 1, 2018 - Pasko ng Muling Pagkabuhay Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan.Juan 20: 1 - 19Madilim-dilim pa nang ar...
01/04/2018

Abril 1, 2018 - Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan.

Juan 20: 1 - 19

Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, "Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!" Kaya't si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro'y naunahan ng kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita niya ito at siya'y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na kailangang muling mabuhay si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora del Buen Suceso posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora del Buen Suceso:

Share