25/05/2025
Isang mainit na pasasalamat sa buong Don Galo na naging kabahagi namin sa taunang pagdiriwang ng kapistahan ni Tata Juan (San Juan Bautista) tuwing Hunyo 24 simula pa noong 1964. Ito ay naging mahalagang tradisyon ng aming pamilya at ng buong barangay.
Subalit, dahil po sa aming personal na kadahilan ay malungkot po naming ipinababatid sa inyo, na ang aming pamilya ay hindi na makakapag-sponsor ng kapistahan simula ngayong 2025. Wala na pong pormal na selebrasyon gaya ng misa at prusisyon, ngunit magpapatuloy ang siyam na araw na novena bilang bahagi ng tradisyon.
Bukas po ang aming suporta sa sinumang indibidwal, pamilya, o grupo na nais ipagpatuloy ang pagdiriwang. Bagama’t hindi na kami ang magiging major sponsor mananatili pa din ang aming panata sa komunidad. Sa tulong ng Diyos at ng bawat isa, nawa’y magpatuloy at umusbong pa ang diwa ng ating tradisyon.
Maraming salamat po.