23/05/2026
Mas hihigpit na ang batas sa delayed salary sa UAE simula June 1, 2026!
Nagpatupad ang bansang United Arab Emirates ng mas mahigpit na patakaran laban sa mga kumpanyang nahuhuling magpasahod sa kanilang mga empleyado sa ilalim ng Wage Protection System (WPS).
Sa ilalim ng bagong polisiya, inaasahang maibibigay na sa tamang araw ang sahod ng mga manggagawa kada unang araw ng buwan. Ang mga employer na mabibigong sumunod ay maaaring maharap sa multa, parusa, at posibleng suspension ng ilang government services.
Layunin ng bagong hakbang na mas maprotektahan ang mga manggagawa, kabilang ang libo-libong OFWs na nagtatrabaho sa UAE.
| UAE MOHRE
OFW Heart of Asia