23/07/2026
Nais mo bang iparinig ang inyong galing sa pag-wit at maging bahagi ng kapistahan ng Nuestra Señora del Buen Suceso? Sumali na sa "Awit-Handog Para kay Nana Ciso (Season 2): Isang Pagpupuri, Magkasamang Tinig" – A Marian Duet Singing Contest!
Ito ang inyong pagkakataon para mag-alay ng boses sa Mahal na Birhen at manalo ng papremyo!
Sino ang maaaring sumali?
15 hanggang 50 taong gulang (as of August 8, 2026)
Open to pairs/duets na residente ng Parañaque City (may patunay ng tirahan)
Hindi pa professional recording artist
Paano sumali?
Magparehistro mula July 20 – 30, 2026
Bisitahin ang link na ito para sa official registration form: https://bit.ly/Awit-Handog-Para-kay-Nana-Ciso-Season2
Ihanda ang photocopy ng valid ID at birth certificate kung kinakailangan
Ano ang hahanapin namin?
Ang nais sumali ay kailangang magtanghal ng isang pre-existing Marian song o hymn (Filipino, English, o Latin) na may distinct duet parts (2-part harmony/blending)
Ang kanta ay dapat angkop sa relihiyosong setting, hindi lalagpas ng 6 minuto at gagamit lang ng minus-one track
Mga premyo na naghihintay sa inyo!
Grand Champion Duo: Php 10,000 + trophy at certificate
1st Runner-up Duo: Php 7,000 + trophy at certificate
2nd Runner-up Duo: Php 5,000 + trophy at certificate
Consolation Prize: Php 1,000 + certificate
Mga Mahalagang Petsa:
Initial Screening: Agosto 2, 2026
Finalists Announcement: Agosto 4, 2026
Grand Finals: Agosto 8, 2026 (7:30 PM at St. Andrew’s Parking Area)
Ipakita ang inyong talento at maging bahagi ng isang makasaysayang pagdiriwang! Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sali na!