23/08/2026
21th Sunday in Ordinary Time | Gospel Reflection led by Jae Juson 🌼✨📖
Mahalagang kilalanin natin ang bawat tao na nasa paligid natin—lalong-lalo na ang mga taong may potensyal na maging lider o maging gabay ng iba. Sa Mabuting Balita, ipinakita ni Hesus ang pagtitiwala kay Pedro sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng isang mahalagang tungkulin. Ipinapaalala nito sa atin na ang pamumuno ay hindi lamang tungkol sa posisyon, kundi isang pananagutang ipinagkakatiwala para sa kapakanan ng iba.
Kaya ang pagiging mabuting lider ay hindi dapat nakatuon sa paglilinis ng sariling pangalan o sa pagpapatunay na siya ay palaging tama. Hindi dapat mas mahalaga sa isang lider ang kanyang reputasyon kaysa sa mga taong kanyang pinamumunuan. Ang tunay na lider ay marunong umako ng pagkakamali, makinig, at isantabi ang sariling pride kung kinakailangan para sa kapakanan ng kanyang mga kasama.
Tulad ni Pedro, hindi kailangang maging perpekto upang maging mabuting lider. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng pananampalataya, paninindigan, pagpapakumbaba, at pusong handang maglingkod. Sapagkat ang tunay na pamumuno ay hindi tungkol sa kung paano natin mapoprotektahan ang sarili nating pangalan, kundi kung paano natin mapangangalagaan ang mga taong ipinagkatiwala sa atin.