25/05/2026
23 MAY 2026 | Dawn Watch Fellowship
Tinalakay at binigyang-diin ni Sis. Belle Galunan ng Women's Ministry “ANG DIYOS AY LAGING TAPAT” mula sa 2 TIMOTEO 2:13 "Kung tayo man ay hindi tapat, siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili.”
🔹 T - TAPAT ang Diyos sa kanyang mga pangako.
Awit 145:13 (MBB)
💯 Katotohanan (Facts):
▪ Ang Panginoon ay may sariling timetable.
▪ Tutuparin ng Dios ang Kanyang mga pangako kahit anong mangyari.
▪ May perpektong oras ang Diyos sa ating buhay
🔹 A - Abot ng Diyos ang lahat ng ating mga pangangailangan
Filipos 4:19 (MBB)
💯 Katotohanan (Facts):
▪ Ang ating Diyos ay makapagbibigay ng lahat ng ating mga
pangangailangan nang higit pa sa ating mahihiling:
Physical, Mental, Emotional at Spiritual
▪ Ang Dios ay gumagamit ng mga tao para tayo ay pagpalain.
▪ Huwag natin pangunahan ang Panginoon.
▪ Panghawakan ang katotohanan sa Kanyang Salita át mga pangako.
🔹 P - Pinapakinggan ng Diyos ang ating mga panalangin.
1 Juan 5:14 (MBB)
💯 Katotohanan (Facts):
▪ Dinirinig ng Diyos ang ating mga panalangin.
▪ Tayo ay may direktang access sa Diyos Ama sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.
▪ Naririnig Niya ang daing ng ating puso.
▪ Huwag tumigil sa pagdarasal at manalangin nang walang humpay.
🔹 A - Alalay at kaagapay natin ang Diyos sa panahon ng pagsubok
1 Corinto 10:13 (MBB)
💯 Katotohanan (Facts):
▪ Walang pagsubok na hindi natin malalampasan sa tulong ng Diyos
▪ May paraan ang Diyos para tulungan tayong magtagumpay sa mga pagsubok.
▪ Hindi nauubos ang ang biyaya at tulong ng Panginoon sa atin.
▪ Siya ay patuloy na aalalay at aagapay sa atin sa lahat ng panahon.
🔹 T - Totoo at hindi nagbabago ang pag ibig ng Diyos.
Panaghoy 3:23-24 (MBB)
💯 Katotohanan (Facts):
▪ Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay pare-pareho at hinding-hindi ito magbabago. Lagi silang bago tuwing umaga.
▪ Sa bawat bagong araw, binibigyan Niya tayo ng panibagong pagkakataon
▪ Hindi nauubos o naluluma ang awa at pag-ibig ng Diyos.
✍️ Lagi nating tandaan na anuman ang mangyari, mananatiling tapat ang ating Diyos dahil iyon ang Kanyang katangian!💯🎉🌟
✨️✨️ Join us for our next fellowship every Saturday at 5:00 AM!
(Note: No Saturday morning service following our Prayer Night or Grace Night (last Fridays).