04/07/2026
MGA PABATID
1. Bilang paghahanda sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng ating Patronang Pandangal, ang Nuestra Señora dela Consolacion y Correa, magkakaroon po tayo ng ikalawang symposium o panayam tungkol sa Tema ng Pananampalataya na isasagawa sa Sabado, July 11, 2026 sa ganap na ika 1:00 ng hapon, sa ating Parokya.
Ang nasabing Symposium ay may Titulong: "INANG MAPANG-ALIW: Katekesis tungkol sa Koronasyon ng Imahen ng Mahal na Birhen"
2. Para naman po sa nalalapit na Kapistahan ng Mahal na Patrong Santiago Apostol sa July 25, ang Nobenaryo po ay magsisimula sa July 16-24, sa ganap na ika 5:00 ng hapon at susundan po ng Misa sa ganap na ika 6:00
ng gabi.
3. Kaugnay ng ating Pistang Parokya, sa July 18 ay isasagawa naman po ang Camino Walk 2026 na magmumula sa Parokya ng San Juan Bautista, Poblacion, Calumpit, Bulacan, at lalakad pabalik sa ating Parokya.
Mayroon pong nakalaan na libreng sasakyan patungo sa Calumpit, sa ganap na ika 2:00 ng umaga, (sa atin pong parokya ang venue ng pagtitipon-tipon)
Para sa mga mananampalatayang may sariling sasakyan, maaari na po kayong magtungo na ng deretso sa ating destinasyon.
Mayroon din pong CAMINO PASSPORT na ibenebenta sa halagang 100 piso na atin pong gagamitin sa ating paglalakbay na tatatakan sa bawat hihimpilang simbahan.
May kasama din po itong souvenir na BUTTON PIN; maaari pong mabili ang nasabing CAMINO PASSPORT at BUTTON PIN sa mga officer ng Parish Commission on Youth.
4. Magkakaroon din po tayo ng BINYAGANG PAROKYA na gaganapin sa Hulyo 19, 2026 (Linggo) sa ganap na ika 11:00 ng umaga.
Ang mga Requirements ay ang mga sumusunod:
- 3 taong gulang pababa
- Birth Certificate
- 1 ninong at 1 ninang
- ang batang bibinyagan at mga magulang ay magsusuot ng
puting damit.
Para po sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan po sa opisina ng Parokya, Ang Simbahan ng Paombong - Parokya ng Santiago Apostol
Ang lahat po ay inaaanyayahang makiisa sa mga nabanggit na pagdiriwang.
Maraming Salamat po.