Ang Simbahan ng Paombong - Parokya ng Santiago Apostol

Ang Simbahan ng Paombong - Parokya ng Santiago Apostol Ang Opisyal na page ng Parokya ng Santiago Apostol, Paombong, Bulacan. Kura-Paroko: Rdo. P. Gener S.R. Garcia

Bikaryo Paroko: Rdo. Danilo Sta. Maria & Rdo.

Jerome Robles

Pastor Emeritus: Rdo. Anacleto Ignacio BISYON
Ang Parokya ng Santiago Apostol, sa inspirasyon at halimbawa ng aming patron ay tunay na bayan ng Diyos na may matibay na pananampalataya na tumutugon sa kabuuang pagpapaunlad ng pamumuhay pang-espiritwal, moral, politikal, pangkabuhayan, kultura at sosyal na pangangailangan, sa pamamagitan ng patnubay ng Mahal na Birhen ng Nuestra Señor

a Consolacion y Correa. MISYON
Sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mananampalataya ng Parokya ng Santiago Apostol, itinatalaga namin ang aming sarili sa simulaing makapagbigay ng lahat ng kakayanan (panahon, kasanayan, at yaman) tungo sa mabisa at makabuluhang pagkilos upang:

1. Magabayan, mapalalim at mapanatili ang pagpapahalaga sa pananampalataya na taglay ang tunay na Kristiyanong Pilipino.
2. Maipagpatuloy ang pagtugon sa tungkulin sa lipunan at kapaligarin.
3. Mapasigla ang buhay pampamayanan sa pamamagitan ng puspusang pagtataguyod ng Maliit na Simbahang Sambayanan.
4. Maibahagi ang sariling kaalaman para sa pagpapa-unlad ng programang pangkabuhayan.
5.Maging aktibo at bukas sa gawaing ekumeniko at pakikipag-dayalogo sa iba’t - ibang sekta at pananampalataya.

23/08/2026

SYMPOSIUM 2026: SULYAP SA KORONA
Sa mga huling bahagi ng ating paghahanda, tayo ay inaanyayahan muli na makiisa at matuto sa huling panayam patungkol sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.
Ikatlong bahagi • Pagdiriwang
"Corona y Correa: Parangal at Pagdiriwang ng Bayang Bigkis sa Pag-ibig kay Maria"
Linggo, Agosto 23, 2026, 1:00 ng hapon
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan
Tagapagsalita: Bro. Kendrick Ivan Panganiban








MABUHAY ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA, ANG ATING INA AT REYNA!Ang Dekreto ng Koronasyong Episkopal na iginawad ni Lub. Kgg....
22/08/2026

MABUHAY ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA, ANG ATING INA AT REYNA!

Ang Dekreto ng Koronasyong Episkopal na iginawad ni Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., Obispo ng Malolos sa Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong, Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Viva la Virgen!









A Blessed 7th Canonical Installation Anniversary, Bishop Dennis!Taos-pusong pagbati po mula sa buong Parokya ng Santiago...
21/08/2026

A Blessed 7th Canonical Installation Anniversary, Bishop Dennis!

Taos-pusong pagbati po mula sa buong Parokya ng Santiago Apostol - Paombong, sa pangunguna ng Kura Paroko, Rdo. P. Gener S.R. Garcia kasama ang mga pari, Sangguniang Pastoral, mga organisasyon at sambayanan ni Santiago dito sa Paombong.

Panalangin po namin ang inyong patuloy na kalusugan, lakas, at kabanalan upang patuloy ninyo kaming maakay patungo kay Kristo, sa tulong at pamamagitan ng mahal na Patron Santiago Apostol at Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.








SYMPOSIUM 2026: SULYAP SA KORONASa mga huling bahagi ng ating paghahanda, tayo ay inaanyayahan muli na makiisa at matuto...
19/08/2026

SYMPOSIUM 2026: SULYAP SA KORONA

Sa mga huling bahagi ng ating paghahanda, tayo ay inaanyayahan muli na makiisa at matuto sa huling panayam patungkol sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Ikatlong bahagi • Pagdiriwang
"Corona y Correa: Parangal at Pagdiriwang ng Bayang Bigkis sa Pag-ibig kay Maria"

Linggo, Agosto 23, 2026, 1:00 ng hapon
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan

Tagapagsalita: Bro. Kendrick Ivan Panganiban









OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPALDulce Madre del Consuelo!Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal...
16/08/2026

OFFICIAL POSTER | KORONASYONG EPISKOPAL

Dulce Madre del Consuelo!

Buong kagalakang inihahayag ng ating Parokya ang Opisyal na Poster para sa nalalapit na Koronasyong Episkopal ng ating Patronang Pandangal, Ina at Reynang Mapang-aliw ng Bayan ng Paombong—ang Nuestra Señora de la Consolacion y Correa.

Sa mahabang panahon at pagdaan ng maraming henerasyon, ang Mahal na Virgen ng Consolacion y Correa ay patuloy na nakatunghay, nananalangin, at nagpaparamdam ng kanyang maka-inang pagmamahal sa buong Sambayanan ng Paombong at sa lahat ng kanyang mga deboto. Sa pamamagitan ng Mahal na Ina, ating natatamo ang kaaliwang ating kailangan, lalo na sa oras ng mga pagsubok sa ating buhay.

Ngayong taon ay itinuturing na makasaysayan at natatangi ang ating pagdiriwang, sapagkat kasabay ng araw ng kanyang kapistahan ay igagawad ang Koronasyong Episkopal sa Veneradang Imahen ng Nuestra Señora de la Consolacion y Correa de Paombong.

Setyembre 6, 2026, ika-6:00 ng gabi
Parokya ng Santiago Apostol
Paombong, Bulacan

Ang Misa Pontipikal at Rito ng Koronasyon ay pangungunahan ng Obispo ng Malolos, Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D.

Inaanyayahan ang buong Sambayanang Paombongueño at lahat ng mga deboto na makiisa sa panalangin at sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng ating bayan at Parokya.

Viva la Virgen!

“Pag-alala. Pananampalataya. Pagdiriwang.”









Agosto 16 | Kapistahan ni San Roque de MontpellierPanalangin kay San RoqueO, Panginoon Kong Diyos, ikaw na nagsugo sa ma...
16/08/2026

Agosto 16 | Kapistahan ni San Roque de Montpellier

Panalangin kay San Roque

O, Panginoon Kong Diyos, ikaw na nagsugo sa maluwalhating San Roque at pinahatiran mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay Mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay hindi maano, sapagkat siya'y deboto sa Iyo.

Magdalita Ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas sa mga salot na nakakamatay sa kaluluwa't katawan, pakundangan kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.

San Roque, pintakasi laban sa sakit at salot, ipanalangin mo kami!








15/08/2026

Live: Banal na Misa
Ikadalawangpung Linggo sa Karaniwang Panahon

Agosto 16, 2026 | 8:00 ng Umaga








15/08/2026
Mahal na Birheng Iniakyat sa Langit, Ipanalangin mo kami.PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCIONAma naming makapangy...
15/08/2026

Mahal na Birheng Iniakyat sa Langit, Ipanalangin mo kami.

PANALANGIN SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION

Ama naming makapangyarihan sa Iyong kaningningan naakit ang Mahal na Birheng Maria, sa tulong ng iyong mga biyaya, namuhay Siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda kaya’t pinagpala Mo Siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa at katawan. Ibinigay Mo siya sa aming Ina at huwaran, sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan, pagindapatin Mong kami’y mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda at kaisa Niya’y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.








WALANG MISA SA MGA SUMUSUNOD NA BISITA NGAYONG ARAW NG SABADO:San Roque - TinaadSto. RosarioSto. Kristo - KapitanganSan ...
15/08/2026

WALANG MISA SA MGA SUMUSUNOD NA BISITA NGAYONG ARAW NG SABADO:

San Roque - Tinaad
Sto. Rosario
Sto. Kristo - Kapitangan
San Isidro
San Jose
Banal na Krus - Malumot
Sagrada Familia - Pantay
INLS - Pinalagdan
Sto. Niño
Birhen ng Fatima - Gusi

Dahil ito sa naging epekto ng habagat at mga pagbaha.

Samantala, tuloy naman ang Misa sa mga Bisita ng San Roque - Proper at San Roque - Pulo.

Salamat po sa inyong pang-unawa.








Address

Poblacion
Paombong
3001

Opening Hours

Monday 6am - 7am
Tuesday 6am - 7am
Wednesday 6am - 7am
5pm - 6pm
Thursday 6am - 7am
Friday 6am - 7am
Saturday 6am - 7am
Sunday 6am - 12pm
6pm - 7pm

Telephone

+639288987260

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Simbahan ng Paombong - Parokya ng Santiago Apostol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ang Simbahan ng Paombong - Parokya ng Santiago Apostol:

Shortcuts

Share