Timbulan - Komisyon ng Panlipunang Ugnayan ng Misyong Parokya ng Sta.Cruz

Timbulan - Komisyon ng Panlipunang Ugnayan ng Misyong Parokya ng Sta.Cruz Opisyal na Social Communications Ministry ng Misyong Parokya ng Sta.Cruz kung saan
naglalayag ang Mabuting Balita sa bawat salita, larawan, at kwento.

10/07/2026

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 ππ€ππ€π‡πŽπ 𝐍𝐆 ππ€π†π˜πŽ

Amang Makapangyarihan
nilikha at nilagyan mo ng kaayusan
ang mundong walang hugis sa simula.
Nang naharap sa malakas na unos sa dagat
sa Galilea si Hesus at ang mga alagad, inutusan lamang niya itong huminto.
Ang dagat ay napayapa at ang mga
alagad ay napanatag.

Ngayong kami'y nahaharap sa kalamidad, dasal nami'y ipagsanggalang kami sa hagupit nito at pinsala, bigyan ng kapanatagan ang aming kalooban at sa iyong kapangyarihan, ibalik ang kaayusan at kapayapaan sa sangkalupaan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

N. Panginoon naming Diyos, ipakita Mo na ang pag-ibig Mong wagas.
B. Kami ay lingapin at sa kahirapan
ay lyong iligtas.

Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

Larawang kuha ni Bro. Isaiah Maclang

=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

Sa mundong puno ng ingay at samu't saring tinig, ipinapaalala sa atin ni San Juan Bautista na may isang tinig na higit n...
24/06/2026

Sa mundong puno ng ingay at samu't saring tinig, ipinapaalala sa atin ni San Juan Bautista na may isang tinig na higit na dapat nating pakingganβ€”ang tinig ng Diyos.

Sa pagdiriwang natin ng kanyang Dakilang Kapistahan, hamon sa atin ang maging mga tagapaghatid din ng pag-asa, katotohanan, at pananampalataya sa ating pamilya, komunidad, at simbahan.

Maligayang Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista!



Maligayang Araw ng mga Ama!"As a father has compassion on his children, so the Lord has compassion on those who fear Him...
21/06/2026

Maligayang Araw ng mga Ama!

"As a father has compassion on his children, so the Lord has compassion on those who fear Him."
β€” Psalm 103:13

Sa pagdiriwang ng Father's Day, taos-puso nating binabati ang lahat ng mga ama na nagsisilbing haligi ng tahanan at larawan ng mapag-arugang pag-ibig ng Diyos sa kanilang mga pamilya.

Isang natatanging pagbati rin po sa ating minamahal na Kura Paroko, Rdo. Padre Daniel Sevilla na bilang isang espirituwal na ama ng ating pamayanan ay patuloy na gumagabay, naglilingkod, at nag-aakay sa atin sa mas malalim na pakikipag-isa sa Panginoon.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Diyos ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong mahalagang misyon sa pamilya at sa Simbahan.

Happy father's day po sa lahat ng mga ama ng ating pamayanan.

Nawa'y patuloy ninyong maipadama ang habag at pagmamahal ng Diyos sa bawat pusong inyong pinaglilingkuran.



12/06/2026
Maligayang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus! Sama-sama nating ipagdiwang ang biyayang dulot ng Kanyang pagma...
12/06/2026

Maligayang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus!

Sama-sama nating ipagdiwang ang biyayang dulot ng Kanyang pagmamahal at patuloy na magtiwala sa Kanyang paggabay sa ating buhay.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, kaawaan Mo kami.

11/06/2026

PAANYAYA | Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Hesus at sa Araw ng Panalangin para sa Kabanalan ng mga Pari sa ika-12 ng Hunyo, 2026, araw ng Biyernes.

πŸ•– 7:00 n.u. – Banal na Oras
πŸ•— 8:00 n.u. – Banal na Misa
Susundan ng Maringal na Prusisyon

Sama-sama nating parangalan ang Kamahal-Mahalang Puso ni Hesus at ipanalangin ang ating mga pari upang patuloy silang maging tapat na lingkod ng Diyos at gabay ng Kanyang bayan.

Simba-Aralan Graduate Cuties. πŸ₯ΉπŸ₯³Mga larawang kuha sa isinagawang graduation rites para Simba-Aralan Batch 2026, noong ik...
06/06/2026

Simba-Aralan Graduate Cuties. πŸ₯ΉπŸ₯³

Mga larawang kuha sa isinagawang graduation rites para Simba-Aralan Batch 2026, noong ika-30 ng Mayo.

CPA na si Soccom Jaimie. πŸ₯ΉπŸ˜‡πŸ₯³Today, we celebrate one of our own for conquering the CPALE and officially earning the title...
06/06/2026

CPA na si Soccom Jaimie. πŸ₯ΉπŸ˜‡πŸ₯³

Today, we celebrate one of our own for conquering the CPALE and officially earning the title of Certified Public Accountant! ✨

Congratulations, ate Jaimie. πŸ₯³

All those silent prayers, late nights, breakdowns, review sessions, and sacrifices led to this moment. God is truly faithful!

We are beyond proud of you. Continue inspiring others and chasing bigger dreams. ❀️

Address

Sta. Cruz
Paombong
3001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Timbulan - Komisyon ng Panlipunang Ugnayan ng Misyong Parokya ng Sta.Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share